Add parallel Print Page Options

10 Ang kaligtasang ito ay masusing sinisiyasat at sinusuring mga propetang naghayag sa biyayang darating sa inyo. 11 Sinisiyasat nila kung sino at kung kailan mangyayari ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila. Ang Espiritu ang nagpatotoo noon pang una patungkol sa mga kahirapan ni Cristo at ang mga kaluwalhatiang kasunod nito. 12 Ipinahayag ito sa kanila subalit hindi para sa kanilang sarili kundi ipinag­lingkod nila ito para sa atin. Ang bagay na ito ay ibinalita ngayon sa inyo sa pamamagitan ng mga tagapangaral ng ebanghelyo. Nangaral sila sa pamamagitan ng Espiritu na isinugo mula sa langit. Mahigpit na hinahangad ng mga anghel na malaman ang mga bagay na ito.

Read full chapter

10 Ang kaligtasang ito ay masusing siniyasat at sinuri ng mga propetang nagpahayag tungkol sa biyayang darating sa inyo. 11 Sinuri nila kung kailan at kanino matutupad ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang kanyang unang ipahayag ang mga pagdurusang mararanasan ni Cristo at ang kaluwalhatian pagkatapos nito. 12 Nang ipahayag sa kanila ito, ipinaunawa ng Diyos sa kanila na ang ginagawa nila'y hindi para sa kanila kundi para sa inyo. Sinabi na sa inyo ang mga bagay na ito ng mga nangaral ng Magandang Balita sa pamamagitan ng Banal na Espiritung isinugo mula sa langit. Maging ang mga anghel ay nasasabik na maunawaan ang mga bagay na ito.

Read full chapter

10 Tungkol sa kaligtasang ito, nagsikap at nagsiyasat na mabuti ang mga propeta na nagpahayag tungkol sa biyayang darating sa inyo.

11 Kanilang siniyasat kung anong pagkatao o kapanahunan na tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila, nang ipahayag ang mangyayaring pagdurusa ni Cristo, at ang kaluwalhatiang susunod sa mga ito.

12 Ipinahayag sa kanila na hindi sila naglilingkod sa kanilang sarili kundi sa inyo, sa mga bagay na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nangaral sa inyo ng ebanghelyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y pinananabikang makita ng mga anghel.

Read full chapter

10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi (A)ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:

11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro (B)ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, (C)nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.

12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan (D)ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.

Read full chapter