Add parallel Print Page Options

Ang mga Opisyal ni Solomon

1-6 Ito ang matataas na opisyal ni Solomon nang siya'y hari ng buong Israel:

Pari: Azariah na anak ni Zadok

Kalihim ng Pamahalaan:

Elihoref at Ahias na mga anak ni Sisa

Tagapag-ingat ng mga Kasulatan:

Jehoshafat na anak ni Ahilud

Pinakamataas na pinuno ng hukbo:

Benaias na anak ni Joiada

Mga Pari: Zadok at Abiatar

Tagapamahala sa mga punong-lalawigan:

Azarias na anak ni Natan

Tagapayo ng Hari:

Ang paring si Zabud na anak ni Natan

Katiwala sa palasyo: Ahisar

Tagapangasiwa sa sapilitang paggawa:

Adoniram na anak ni Abda

Naglagay din si Solomon ng labindalawang punong-lalawigan. Bawat buwan, isa sa kanila ang nag-iipon at nagpapadala ng pagkain para sa hari at kanyang sambahayan. Ito ang kanilang mga pangalan: si Benhur, sa kabundukan ng Efraim; si Ben-dequer ang sa Macaz, Saalbim, Beth-semes, at Elon-behanan; 10 si Ben-hessed, sa Arubot; sa kanya rin ang Socoh at ang buong lupain ng Hefer. 11 Sa kataasan ng Dor, si Ben-abinadab, na manugang ni Solomon—asawa ni Tafath. 12 Si Baana, anak ni Ahilud, ang sa Taanac at Megido, kabila ng Jokneam. Sakop din niya ang buong Beth-sean sa ibaba ng Jezreel, buhat sa Beth-sean hanggang sa Abel-mehola na nasa tabi ng Zaretan. 13 Si Ben-geber ang sa Ramot-galaad. Kanya ang mga kampo ni Jair na anak ni Manases sa lupain ng Gilead. Kanya rin ang sakop ng Argob sa lupain ng Bashan—animnapung lunsod na napapaligiran ng pader at may kandadong tanso sa mga tarangkahan. 14 Sa Mahanaim naman ay si Ahinadab na anak ni Iddo, 15 at si Ahimaaz, asawa ni Basemat na anak ni Solomon ang sa Neftali. 16 Si Baana na anak ni Husai ang sa Asher at sa Alot, 17 at si Jehoshafat na anak ni Parua ang sa Isacar. 18 Sa Benjamin ay si Simei na anak ni Ela, 19 samantalang si Geber na anak ni Uri ay inilagay niya sa Gilead, sa lupain ni Sihon, hari ng mga Amoreo, at ni Og, hari ng Bashan.

At mayroon pang isang pinuno sa mga sariling lupain ng hari.

Ang Kayamanan at Karunungan ni Solomon

20 Parang buhangin sa tabing-dagat sa dami ang mga mamamayan sa Juda at Israel. Sagana sila sa pagkain at inumin at masaya silang namumuhay. 21 Napasailalim(A) sa kaharian ni Solomon ang lahat ng kaharian mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at hangganan ng Egipto. Nagbabayad sila ng buwis at naglilingkod sa kanya habang siya'y nabubuhay.

22 Ganito karami ang pagkaing nauubos ni Solomon at ng kanyang mga tauhan araw-araw. Harinang mainam, 150 kaban; harinang karaniwan, 300 kaban; 23 ulo ng pinatabang baka, sampu nito ay bakang galing sa pastulan; isandaang tupa, bukod pa ang mga usang malalaki at maliliit, mga usang gubat at mga gansa.

24 Sakop niya ang lahat ng lupain sa kanluran ng Ilog Eufrates buhat sa Tifsa hanggang sa Gaza, at nagpasakop sa kanya ang lahat ng hari sa kanluran ng ilog. Kaya't walang gumagambala sa kanyang kaharian. 25 Habang nabubuhay si Solomon ay mapayapa ang buong Juda at Israel. Mula sa Dan hanggang sa Beer-seba bawat pamilya ay may sariling punong ubas at punong igos.

26 Si(B) Solomon ay may 40,000 kuwadra ng kabayo para sa kanyang mga karwahe, at mayroon rin siyang 12,000 mangangabayo. 27 Ang labindalawang punong-lalawigan ang nagpapadala ng mga pagkain at lahat ng pangangailangan ni Solomon at ng mga tauhang pinapakain niya, bawat isa'y isang buwan. Kailanma'y hindi sila nagkulang. 28 Sila rin ang nagbibigay ng sebada at dayami para sa mga kabayong sasakyan at pangkarwahe; ipinadadala nila iyon kung saan kailangan.

29 Walang kapantay ang katalinuhan at karunungang ipinagkaloob ni Yahweh kay Solomon. Walang katulad ang kanyang kaalaman. 30 Ito ay higit sa karunungan ng lahat ng mga matatalinong tao sa silangan at sa buong Egipto. 31 Mas(C) marunong siya kaysa sinumang tao. Mas marunong siya kay Etan na mula sa angkan ni Ezra, at kina Heman, Calcol, Darda, na mga anak ni Machol. Naging tanyag siya sa lahat ng bansa sa paligid. 32 Siya(D) ang may-akda ng tatlong libong salawikain; kumatha rin siya ng isang libo't limang mga awit. 33 Nakapagpapaliwanag siya tungkol sa lahat ng uri ng halaman: mula sa sedar ng Lebanon hanggang sa hisopong tumutubo sa pader. Naipapaliwanag din niya ang tungkol sa mga hayop na lumalakad o gumagapang sa lupa; gayundin ang tungkol sa mga ibon at mga isda. 34 Dinadayo siya ng mga hari sa buong daigdig upang makinig sa kanyang karunungan. Pinapapunta rin sa kanya ang maraming mga tao upang siya'y mapakinggan.

'1 Mga Hari 4 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

At ang haring Salomon, ay hari sa buong Israel.

At ito ang mga naging prinsipe na napasa kaniya: si Azarias, na anak ng saserdoteng si Sadoc.

Si Elioreph at si Ahia, na mga anak ni Sisa, ay mga kalihim; si Josaphat na anak ni Ahilud, ay kasangguni;

At si Benaia, na anak ni Joiada ay nangungulo sa hukbo; at si Sadoc at si Abiathar ay mga saserdote;

At si Azarias na anak ni Nathan ay nangungulo sa mga pinuno; at si Zabud na anak ni Nathan ay pangulong tagapangasiwa, na kaibigan ng hari;

At si Ahisar ay katiwala sa kaniyang bahay; at si Adoniram na anak ni Abda ay nasa mga magpapabuwis.

At si Salomon ay may labing dalawang katiwala sa buong Israel, na sila ang nag-iimbak ng pagkain ukol sa hari, at sa kaniyang sangbahayan: bawa't isa sa kanila'y nag-iimbak ng pagkain na isang buwan sa bawa't taon.

At ito ang kanilang mga pangalan: si Ben-hur sa lupaing maburol ng Ephraim:

Si Ben-dacer, sa Maccas, at sa Saalbim, at sa Beth-semes, at sa Elonbeth-hanan:

10 Si Ben-hesed, sa Aruboth (sa kaniya'y nauukol ang Socho, at ang buong lupain ng Ephet:)

11 Si Ben-abinadab sa buong kataasan ng Dor (na ang asawa'y si Taphat na anak ni Salomon:)

12 Si Baana na anak ni Ahilud sa Taanach, at sa Megiddo, at sa buong Beth-san na nasa siping ng Zaretan, sa ibaba ng Jezreel, mula sa Bethsan hanggang sa Abel-mehola, na may layong hanggang sa dako roon ng Jocmeam:

13 Si Ben-geber, sa Ramoth-galaad; (sa kaniya nauukol ang mga bayan ni Jair na anak ni Manases, na nasa Galaad; sa makatuwid baga'y sa kaniya nauukol ang lupain ng Argob, na nasa Basan, anim na pung malaking bayan na may mga kuta at mga halang na tanso:)

14 Si Ahinadab, anak ni Iddo sa Mahanaim:

15 Si Ahimaas, sa Nephtali; (Ito rin ang nagasawa kay Basemath na anak na babae ni Salomon.)

16 Si Baana, na anak ni Husai sa Aser at sa Alot.

17 Si Josaphat, na anak ni Pharua sa Issachar:

18 Si Semei, na anak ni Ela sa Benjamin:

19 Si Geber, na anak ni Uri sa lupain ng Galaad, na lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, at ni Og na hari sa Basan; at siya lamang ang katiwala sa lupaing yaon.

20 Ang Juda at ang Israel ay marami, na gaya ng buhangin sa tabi ng dagat sa karamihan, na nagkakainan, at nagiinuman, at nagkakatuwa.

21 At si Salomon ay nagpupuno sa lahat ng kaharian na mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at hanggang sa hangganan ng Egipto: sila'y nagsipagdala ng mga kaloob, at nagsipaglingkod kay Salomon lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

22 At ang pagkain ni Salomon sa isang araw ay tatlong pung takal ng mainam na harina, at anim na pung takal na harina,

23 Sangpung matabang baka, at dalawang pung baka na mula sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa ang mga usang lalake at babae, at mga usang masungay, at mga pinatabang hayop na may pakpak.

24 Sapagka't sakop niya ang buong lupain ng dakong ito ng Ilog, mula sa Tiphsa hanggang sa Gaza, sa lahat ng mga hari sa dakong ito ng Ilog: at siya'y may kapayapaan sa lahat ng mga dako sa palibot niya.

25 At ang Juda at ang Israel ay nagsitahang tiwasay, na bawa't tao'y sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa lahat ng kaarawan ni Salomon.

26 At mayroon si Salomong apat na pung libong kabayo sa kaniyang mga silungan para sa kaniyang mga karo, at labing dalawang libong mangangabayo.

27 At ipinag-imbak ng mga katiwalang yaon ng pagkain ang haring Salomon, at ang lahat na naparoon sa dulang ng haring Salomon, bawa't isa'y sa kaniyang buwan: walang nagkulang na anoman.

28 Sebada naman at dayami sa mga kabayo, at sa mga matuling kabayo ay nagsipagdala sila sa dakong kinaroroonan ng mga pinuno, bawa't isa'y ayon sa kaniyang katungkulan.

29 At binigyan ng Dios si Salomon ng karunungan, at di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat.

30 At ang karunungan ni Salomon ay mahigit kay sa karunungan ng lahat na anak ng silanganan, at kay sa buong karunungan ng Egipto.

31 Sapagka't lalong pantas kay sa lahat ng mga tao; kay sa kay Ethan na Ezrahita, at kay Eman, at kay Calchol, at kay Darda, na mga anak ni Mahol: at ang kaniyang kabantugan ay lumipana sa lahat ng mga bansa sa palibot.

32 At siya'y nagsalita ng tatlong libong kawikaan; at ang kaniyang mga awit ay isang libo at lima.

33 At siya'y nagsalita ng tungkol sa mga punong kahoy, mula sa sedro na nasa Libano hanggang sa isopo na sumisibol sa pader: siya'y nagsalita rin ng tungkol sa mga hayop, at sa mga ibon, at sa nagsisiusad at sa mga isda.

34 At naparoon ang mga taong mula sa lahat na bayan, upang marinig ang karunungan ni Salomon na mula sa lahat na hari sa lupa, na nakabalita ng kaniyang karunungan.

Quần Thần Của Vua Sa-lô-môn

Vua Sa-lô-môn trị vì trên toàn cõi Y-sơ-ra-ên. Sau đây là quần thần của vua:

A-xa-ria, con trai của Xa-đốc, làm thầy tế lễ;

Ê-li-ô-rếp và A-hi-gia, hai con trai của Si-sa, là hai thư ký;

Giê-hô-sa-phát, con trai A-hi-lút, làm ngự sử;

Bê-na-gia, con trai Giê-hô-gia-đa, chỉ huy quân đội;

Xa-đốc và A-bia-tha, làm thầy tế lễ;

A-xa-ria, con trai Na-than, chỉ huy các quan lại;

Xa-bút, con trai Na-than, làm thầy tế lễ và cố vấn của vua;

A-hi-sa, làm tổng quản hoàng cung;

A-đô-ni-ram, con trai Áp-đa, đặc trách việc lao dịch.

Sa-lô-môn có mười hai quan trưởng trên toàn cõi Y-sơ-ra-ên, họ phụ trách cung cấp lương thực cho vua và mọi người trong triều đình. Mỗi người chịu trách nhiệm cung cấp một tháng trong một năm. Đây là tên của họ:

Con trai Hu-rơ, đặc trách vùng đồi núi Ép-ra-im.

Con trai Đê-ke, đặc trách vùng Ma-cát, Sa-an-bim, Bết Sê-mết, và Ê-lơn thuộc Bết Ha-nan.

10 Con trai Hê-sết, đặc trách vùng A-ru-bốt, ông ấy cũng quản nhiệm vùng Sô-cô và toàn xứ Hê-phê;

11 Con trai A-bi-na-đáp, đặc trách toàn vùng cao nguyên Đô-rơ. Vợ ông là công chúa Ta-phát, ái nữ của Sa-lô-môn.

12 Ba-a-na, con trai A-hi-lút, đặc trách vùng Ta-a-nác, Mê-ghi-đô, cả xứ Bết Sê-an, là xứ gần Xạt-han, phía dưới Ghít-rê-ên, và từ Bết Sê-an cho đến A-bên Mê-hô-la, chạy dài đến tận phía bên kia Giốc-mê-am.

13 Con trai Ghê-be, ở Ra-mốt Ga-la-át, đặc trách các làng của Giai-rơ con trai Ma-na-se, trong miền Ga-la-át; ông cũng cai trị vùng Ạt-gốp trong xứ Ba-san, gồm sáu mươi thành có tường bao quanh và cổng thành có những thanh cài làm bằng đồng.

14 A-hi-na-đáp, con trai I-đô, đặc trách vùng Ma-ha-na-im.

15 A-hi-mát, đặc trách vùng Nép-ta-li. Ông cưới công chúa Bạch-mát, ái nữ của Sa-lô-môn, làm vợ.

16 Ba-a-na, con trai Hu-sai, đặc trách vùng A-se và Bê-a-lốt.

17 Giê-hô-sa-phát, con trai Pha-ru-ác, đặc trách vùng Y-sa-ca.

18 Si-mê-i, con trai Ê-la, đặc trách vùng Bên-gia-min.

19 Ghê-be, con trai U-ri, đặc trách vùng Ga-la-át, ngày trước là lãnh thổ của vua Si-hôn, người A-mô-rít, và vua Óc của Ba-san. Chỉ một mình ông làm quan cai trị trên cả xứ này.

Sự Huy Hoàng Của Triều Đại Sa-lô-môn

20 Dân Giu-đa và Y-sơ-ra-ên đông như cát trên bờ biển. Họ ăn, uống, và vui sướng. 21 Sa-lô-môn trị vì trên các vương quốc từ sông Ơ-phơ-rát đến xứ Phi-li-tin, tận đến biên giới Ai-cập. Người ta phải triều cống và phục vụ vua Sa-lô-môn trọn đời của vua.

22 Mỗi ngày trong hoàng cung của Sa-lô-môn người ta tiêu thụ ba mươi cô-ra bột mịn,[a] sáu mươi cô-ra bột thô,[b] 23 mười con bò mập béo nuôi trong chuồng, hai mươi con bò nuôi ngoài đồng, một trăm con chiên, không kể nai, hoàng dương, mang rừng, và gà vịt nuôi mập. 24 Sa-lô-môn trị vì trên các nước phía tây sông Ơ-phơ-rát, từ Típ-sắc đến Ga-xa; tất cả các nước phía tây sông Ơ-phơ-rát đều ở dưới quyền của vua, vua giao hảo thân thiện với tất cả các nước xung quanh. 25 Trọn đời Sa-lô-môn trị vì, Giu-đa và Y-sơ-ra-ên, từ Đan cho đến Bê-e-sê-ba, sống an cư lạc nghiệp, ai nấy đều sống an lành dưới bóng cây nho và cây vả của mình.

26 Vua Sa-lô-môn cũng có 40,000 chuồng ngựa để nuôi ngựa kéo các xe chiến mã, do 12,000 kỵ binh điều khiển.

27 Các quan trưởng từng vùng, cứ theo tháng đã định cho họ, cung cấp mọi thức ăn cho vua Sa-lô-môn và tất cả những ai đến nơi bàn của vua Sa-lô-môn. Họ không để cho thiếu vật chi. 28 Họ còn đem đến nơi đã chỉ định lúa mạch và rơm cho ngựa và ngựa kéo các xe chiến mã theo số đã quy định cho họ.

Sự Khôn Ngoan Của Sa-lô-môn

29 Đức Chúa Trời ban cho vua Sa-lô-môn sự khôn ngoan, thông sáng, và một khả năng hiểu biết uyên bác vô kể như cát trên bờ biển vậy. 30 Sự khôn ngoan của Sa-lô-môn trổi hơn sự khôn ngoan của mọi người ở phương Đông, trổi hơn sự khôn ngoan của mọi người ở Ai-cập. 31 Sa-lô-môn khôn ngoan hơn mọi người khác, kể cả Ê-than, người Ết-ra-hít; nhà vua khôn ngoan hơn Hê-man, Canh-côn, và Đạt-đa, là các con trai của Ma-hôn. Danh tiếng của vua thật lẫy lừng trong các nước xung quanh. 32 Vua nói ra ba ngàn câu châm ngôn và sáng tác một ngàn lẻ năm bài hát. 33 Vua luận giải về các thảo mộc, từ cây bá hương ở Li-ban cho đến cây bài hương mọc ở bờ tường. Vua luận giải về các thú vật và chim chóc, loài bò sát và loài cá. 34 Thiên hạ từ mọi nước kéo đến lắng nghe sự khôn ngoan của vua Sa-lô-môn. Các vua trên đất khi nghe nói về sự khôn ngoan của vua Sa-lô-môn đều phái người đến triều kiến.

Footnotes

  1. 4:22 Khoảng 6.60l
  2. 4:22 Khoảng 13.20l