Add parallel Print Page Options

Ang Karunungan ni Solomon(A)

Naging kakampi ni Solomon ang Faraon, hari ng Egipto, nang kanyang pakasalan ang anak nito. Itinira niya ang prinsesa sa lunsod ni David habang hindi pa tapos ang kanyang palasyo, ang bahay ni Yahweh at ang pader ng Jerusalem. Ngunit ang mga taong-bayan ay patuloy pang nag-aalay ng kanilang mga handog sa Diyos sa mga sagradong burol, sapagkat wala pa noong naitatayong bahay sambahan para kay Yahweh. Mahal ni Solomon si Yahweh, at sinusunod niya ang mga tagubilin ng kanyang amang si David. Subalit nag-aalay din siya ng handog at nagsusunog ng insenso sa mga altar sa burol.

Minsan,(B) pumunta si Solomon sa Gibeon upang maghandog, sapagkat iyon ang pinakatanyag na sagradong burol. Nakapag-alay na siya roon ng daan-daang handog na sinusunog. Kinagabihan, samantalang siya'y naroon pa sa Gibeon, nagpakita sa kanya si Yahweh sa isang panaginip at tinanong siya, “Ano ang gusto mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!” wika sa kanya.

Sumagot si Solomon, “Kinahabagan ninyo at tunay na minahal ang aking amang si David dahil naging tapat at matuwid siya sa inyo at naging malinis ang kanyang puso. At ipinagpatuloy ninyo ang inyong tapat na pagmamahal sa kanya nang bigyan ninyo siya ng isang anak na ngayo'y nakaupo sa kanyang trono. Yahweh, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang kahalili ng aking amang si David, kahit ako'y bata pa't walang karanasan. Ngayo'y nasa kalagitnaan ako ng iyong bayang pinili, bayang hindi na mabilang sa dami. Bigyan po ninyo ako ng karunungang kailangan ko sa pamamahala at kakayahang kumilala ng mabuti sa masama. Sapagkat sino po ba ang may kakayahang maghari sa napakalaking bayang ito?”

10 Dahil ito ang hiniling ni Solomon, nalugod sa kanya si Yahweh 11 at sinabi sa kanya, “Dahil hindi ka humiling para sa iyong sarili ng mahabang buhay, o kayamanan, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi ang hiniling mo'y karunungang kumilala ng mabuti sa masama, 12 ibibigay ko sa iyo ang hiniling mo. Bibigyan kita ng karunungan na walang kapantay, maging sa mga nauna o sa mga susunod pa sa iyo. 13 Ibibigay ko rin sa iyo ang mga bagay na hindi mo hiningi: kayamanan at karangalang hindi mapapantayan ng sinumang hari sa buong buhay mo. 14 At kung mamumuhay ka ayon sa aking kalooban, kung susundin mo ang aking mga batas at mga utos, tulad ng ginawa ng iyong amang si David, pagkakalooban pa kita ng mahabang buhay.”

15 Nagising si Solomon at noon niya nalaman na siya'y kinausap ni Yahweh sa panaginip. Pagbalik niya sa Jerusalem, pumunta siya sa harap ng Kaban ng Tipan ni Yahweh, at nag-alay ng mga handog na susunugin at mga handog para sa kapayapaan. Naghanda rin siya ng isang salu-salo para sa kanyang mga tauhan.

Ang Hatol ni Solomon

16 Isang araw, nagpunta sa hari ang dalawang babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw. 17 Ang sabi ng isa, “Mahal na hari, kami po ng babaing ito ay nakatira sa iisang bahay. Nanganak po ako habang siya'y naroon. 18 Pagkalipas ng tatlong araw nanganak din ang babaing ito. Wala po kaming ibang kasama roon. 19 Isang gabi ay nadaganan po niya ang kanyang anak at ito'y namatay. 20 Malalim na ang gabi nang siya'y bumangon at habang ako nama'y natutulog. Kinuha niya sa tabi ko ang aking anak at dinala sa kanyang higaan, at inilagay naman sa tabi ko ang kanyang patay na anak. 21 Kinaumagahan, bumangon po ako upang pasusuhin ang aking anak, ngunit natagpuan ko na lang na ito'y patay na. Subalit nang pagmasdan ko pong mabuti, nakilala kong hindi iyon ang aking anak.”

22 Tumutol naman ang pangalawa at ang sabi, “Hindi totoo 'yan! Anak ko ang buháy at ang sa iyo'y patay.”

Lalo namang iginiit ng una, “Hindi totoo 'yan! Anak mo ang patay at akin ang buháy!”

At ganito ang kanilang pagtatalo sa harapan ng hari.

23 Kaya't sinabi ni Solomon sa isa, “Sinasabi mong iyo ang buháy na bata at kanya ang patay;” at sa ikalawa, “Ang sabi mo nama'y iyo ang buháy at kanya ang patay.” 24 Kaya nagpakuha ang hari ng isang tabak. At dinala nga sa kanya ang isang tabak. 25 Sinabi ng hari, “Hatiin ang batang buháy at ibigay ang kalahati sa bawat isa.”

26 Nabagbag ang puso ng tunay na ina ng batang buháy at napasigaw: “Huwag po, Kamahalan! Ibigay na po ninyo sa kanya ang bata, huwag lamang ninyong patayin.”

Sabi naman noong isa, “Sige, hatiin ninyo ang bata upang walang makinabang kahit sino sa amin!”

27 Kaya't sinabi ni Solomon, “Huwag ninyong patayin ang bata. Ibigay ninyo sa una; siya ang tunay niyang ina.”

28 Napabalita sa buong Israel ang hatol na iginawad ng hari at ang lahat ay nagkaroon ng paggalang at takot sa kanya. Nabatid nilang taglay niya ang karunungan ng Diyos upang humatol nang makatarungan.

Solomon first meets God

Solomon became the son-in-law of Pharaoh, Egypt’s king, when he married Pharaoh’s daughter. He brought her to David’s City until he finished building his royal palace, the Lord’s temple, and the wall around Jerusalem. Unfortunately, the people were sacrificing at the shrines because a temple hadn’t yet been built for the Lord’s name in those days. Now Solomon loved the Lord by walking in the laws of his father David, with the exception that he also sacrificed and burned incense at the shrines.

The king went to the great shrine at Gibeon in order to sacrifice there. He used to offer a thousand entirely burned offerings on that altar. The Lord appeared to Solomon at Gibeon in a dream at night. God said, “Ask whatever you wish, and I’ll give it to you.”

Solomon responded, “You showed so much kindness to your servant my father David when he walked before you in truth, righteousness, and with a heart true to you. You’ve kept this great loyalty and kindness for him and have now given him a son to sit on his throne. And now, Lord my God, you have made me, your servant, king in my father David’s place. But I’m young and inexperienced. I know next to nothing. But I’m here, your servant, in the middle of the people you have chosen, a large population that can’t be numbered or counted due to its vast size. Please give your servant a discerning mind in order to govern your people and to distinguish good from evil, because no one is able to govern this important people of yours without your help.”

10 It pleased the Lord that Solomon had made this request. 11 God said to him, “Because you have asked for this instead of requesting long life, wealth, or victory over your enemies—asking for discernment so as to acquire good judgment— 12 I will now do just what you said. Look, I hereby give you a wise and understanding mind. There has been no one like you before now, nor will there be anyone like you afterward. 13 I now also give you what you didn’t ask for: wealth and fame. There won’t be a king like you as long as you live. 14 And if you walk in my ways and obey my laws and commands, just as your father David did, then I will give you a very long life.”

15 Solomon awoke and realized it was a dream. He went to Jerusalem and stood before the chest containing the Lord’s covenant. Then he offered entirely burned offerings and well-being sacrifices, and held a celebration for all his servants.

Solomon and the prostitutes

16 Sometime later, two prostitutes came and stood before the king. 17 One of them said, “Please, Your Majesty, listen: This woman and I have been living in the same house. I gave birth while she was there. 18 This woman gave birth three days after I did. We stayed together. Apart from the two of us, there was no one else in the house. 19 This woman’s son died one night when she rolled over him. 20 She got up in the middle of the night and took my son from my side while I was asleep. She laid him on her chest and laid her dead son on mine. 21 When I got up in the morning to nurse my son, he was dead! But when I looked more closely in the daylight, it turned out that it wasn’t my son—not the baby I had birthed.”

22 The other woman said, “No! My son is alive! Your son is the dead one.”

But the first woman objected, “No! Your son is dead! My son is alive!” In this way they argued back and forth in front of the king.

23 The king said, “This one says, ‘My son is alive and your son is dead.’ The other one says, ‘No! Your son is dead and my son is alive.’ 24 Get me a sword!” They brought a sword to the king. 25 Then the king said, “Cut the living child in two! Give half to one woman and half to the other woman.”

26 Then the woman whose son was still alive said to the king, “Please, Your Majesty, give her the living child; please don’t kill him,” for she had great love for her son.

But the other woman said, “If I can’t have him, neither will you. Cut the child in half.”

27 Then the king answered, “Give the first woman the living newborn. Don’t kill him. She is his mother.”

28 All Israel heard about the judgment that the king made. Their respect for the king grew because they saw that God’s wisdom was in him so he could execute justice.