Add parallel Print Page Options

Nanalangin si Solomon Upang Makamtan ang Karunungan

“Diyos(A) ng aking mga ninuno, O mahabaging Panginoon,
ikaw po na lumikha ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng iyong salita.
Sa iyong Karunungan, nilikha mo ang sangkatauhan
upang maghari sa sangnilikha,
upang pamahalaan ang daigdig nang may kabanalan at katuwiran,
at pairalin ang katarungan nang may katapatan.
Bahaginan mo po ako ng Karunungang nakaluklok sa tabi ng iyong trono,
at ibilang mo po ako sa iyong mga lingkod.
Ako'y alipin mo, anak ng alipin mong babae,
isang taong mahina at maikli ang buhay.
Lubhang kakaunti ang pagkaunawa ko sa Kautusan at kung paano iyon papairalin.
At kahit na ang isang tao ay maging ganap,
wala rin siyang magagawa kung wala siyang Karunungang nagmumula sa iyo.
Hinirang mo po akong maging hari ng iyong bayan,
at maging hukom ng iyong mga anak.
Iniutos mo sa aking magtayo ng isang templo sa iyong banal na bundok,
isang dambana sa Jerusalem, ang lunsod na iyong piniling tahanan.
Larawan ito ng makalangit na templong inihanda mo buhat pa sa simula.

Read full chapter