Add parallel Print Page Options

Ang Paghahari ni Abiam sa Juda(A)

15 Noong ikalabing walong taon ng paghahari sa Israel ni Jeroboam na anak ni Nebat, naging hari naman ng Juda si Abiam na anak ni Rehoboam kay Maaca na anak ni Absalom. Tatlong taon siyang naghari, at sa Jerusalem siya nanirahan. Sumunod siya sa masasamang halimbawa ng kanyang ama, at hindi sa halimbawa ni David na kanyang ninuno. Hindi siya naging tapat kay Yahweh na kanyang Diyos. Gayunman,(B) alang-alang kay David, ang kanyang angkan ay pinapanatili ni Yahweh na maghari sa Jerusalem. Pinagkalooban siya ng anak na lalaki na hahalili sa kanya, at iningatan sa kaaway ang Jerusalem. Ginawa(C) ito ni Yahweh sapagkat pawang matuwid sa paningin niya ang mga gawa ni David. Sa buong buhay niya, hindi siya lumabag sa mga utos ni Yahweh, liban sa ginawa niya kay Urias na Heteo. Nagpatuloy(D) ang alitan nina Rehoboam at Jeroboam hanggang sa panahon ni Abiam.

Ang Pagkamatay ni Abiam

Ang iba pang mga ginawa ni Abiam ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.

Nang mamatay si Abiam, siya'y inilibing sa Lunsod ni David at ang anak niyang si Asa ang humalili sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Asa sa Juda(E)

Noong ikadalawampung taon ng paghahari ni Jeroboam sa Israel, naging hari naman ng Juda si Asa. 10 Naghari siya sa loob ng apatnapu't isang taon, at sa Jerusalem siya nanirahan. Ang lola ni Asa na si Maaca ay anak ni Absalom. 11 Namuhay si Asa nang matuwid sa paningin ni Yahweh, tulad ng kanyang ninunong si David. 12 Pinalayas(F) niya sa kaharian ang mga lalaki at babaing nagbebenta ng panandaliang-aliw sa mga sambahan ng mga diyus-diyosan, at winasak ang mga imahen ng mga diyus-diyosang ipinagawa ng mga haring nauna sa kanya. 13 Pati ang kanyang lolang si Maaca ay inalisan niya ng karapatan sa pagiging inang-reyna, sapagkat nagpagawa ito ng isang malaswang rebulto ni Ashera. Ipinagiba niya ang rebultong ito at ipinasunog sa Batis ng Kidron. 14 Bagama't hindi niya naipagiba lahat ang mga sagradong burol, si Asa ay habang buhay na naging tapat kay Yahweh. 15 Ipinasok niya sa Templo ang mga handog ng kanyang ama kay Yahweh, gayundin ang kanyang sariling handog na ginto, pilak at mga kasangkapang sagrado.

16 Patuloy ang alitan nina Asa at Baasa na hari ng Israel sa buong panahon ng kanilang paghahari. 17 Pinasok ni Baasa ang lupain ng Juda at nagtayo ng kuta sa Rama upang harangan ang daan papunta kay Asa. 18 Kaya't tinipon ni Asa ang nalalabing ginto't pilak sa kabang-yaman ng Templo at ng palasyo. Ipinadala iyon sa Damasco, kay Ben-hadad na anak ni Tabrimon at apo ni Hezion na hari ng Siria. Ganito ang kanyang ipinasabi: 19 “Nais kong maging magkakampi tayo tulad ng ating mga magulang. Tanggapin mo ang mga regalo kong ito. Hinihiling kong putulin mo ang iyong pakikipagkaibigan kay Baasa na hari ng Israel upang mapilitan siyang umalis sa aking nasasakupan.”

20 Sumang-ayon si Ben-hadad kay Haring Asa at nagpadala siya ng mga hukbo at ng mga pinuno nito upang salakayin ang mga lunsod ng Israel. Nasakop nila ang mga bayan ng Ijon, Dan, Abel-bet-maaca, ang lupain sa may Lawa ng Galilea at ang Neftali. 21 Nang mabalitaan ito ni Baasa, ipinatigil niya ang pagpapagawa ng kuta sa Rama at pumunta siya sa Tirza.

22 Iniutos naman ni Asa sa lahat ng mga taga-Juda na kunin ang mga bato at kahoy na ginamit ni Baasa sa pagtatayo ng kuta sa Rama, at ginamit iyon sa paggawa ng kuta sa Geba at Mizpah, sa lupain ng Benjamin.

Ang Pagkamatay ni Asa

23 Ang iba pang ginawa ni Haring Asa, ang kanyang kagitingan at mga bayang pinagawan niya ng kuta ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda. Ngunit nang siya'y matanda na, nalumpo siya dahil sa karamdaman sa paa. 24 Namatay si Asa at inilibing sa libingan ng mga hari sa Lunsod ni David. At si Jehoshafat na kanyang anak ang humalili sa kanya bilang hari.

Ang Paghahari ni Nadab sa Israel

25 Nang ikalawang taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari naman sa Israel si Nadab na anak ni Jeroboam, at dalawang taon siyang naghari sa Israel. 26 Katulad ng kanyang ama na nagbulid sa Israel sa pagkakasala, ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh.

27 Naghimagsik laban sa kanya si Baasa na anak ni Ahias, mula sa lipi ni Isacar. Pinatay ni Baasa si Nadab habang kinubkob nito at ng kanyang hukbo ang Gibeton, isang lunsod sa Filistia. 28 Nangyari ito nang ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, at si Baasa ang pumalit kay Nadab bilang hari sa Israel. 29 Sa(G) simula pa lamang ng kanyang paghahari ay pinagpapatay na niya ang buong pamilya ni Jeroboam, bilang katuparan ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni propeta Ahias na taga-Shilo. 30 Ganito ang nangyari sa angkan ni Jeroboam sapagkat ginalit niya si Yahweh dahil sa kanyang mga kasalanan, at sa mga kasalanang ginawa ng bayang Israel dahil sa kanya.

31 Ang iba pang mga ginawa ni Nadab ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Israel. 32 Patuloy ang alitan ni Asa, hari ng Juda at ni Baasa ng Israel sa buong panahon ng kanilang paghahari.

Paghahari ni Baasa sa Israel

33 Ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda nang maghari sa Israel si Baasa, na anak ni Ahias. Dalawampu't apat na taon siyang naghari, at sa Tirza siya nanirahan. 34 Katulad ni Haring Jeroboam na nagbulid sa Israel sa pagkakasala, ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh.

Abijah King of Judah(A)

15 In the eighteenth year of the reign of Jeroboam son of Nebat, Abijah[a] became king of Judah, and he reigned in Jerusalem three years. His mother’s name was Maakah(B) daughter of Abishalom.[b]

He committed all the sins his father had done before him; his heart was not fully devoted(C) to the Lord his God, as the heart of David his forefather had been. Nevertheless, for David’s sake the Lord his God gave him a lamp(D) in Jerusalem by raising up a son to succeed him and by making Jerusalem strong. For David had done what was right in the eyes of the Lord and had not failed to keep(E) any of the Lord’s commands all the days of his life—except in the case of Uriah(F) the Hittite.

There was war(G) between Abijah[c] and Jeroboam throughout Abijah’s lifetime. As for the other events of Abijah’s reign, and all he did, are they not written in the book of the annals of the kings of Judah? There was war between Abijah and Jeroboam. And Abijah rested with his ancestors and was buried in the City of David. And Asa his son succeeded him as king.

Asa King of Judah(H)(I)

In the twentieth year of Jeroboam king of Israel, Asa became king of Judah, 10 and he reigned in Jerusalem forty-one years. His grandmother’s name was Maakah(J) daughter of Abishalom.

11 Asa did what was right in the eyes of the Lord, as his father David(K) had done. 12 He expelled the male shrine prostitutes(L) from the land and got rid of all the idols(M) his ancestors had made. 13 He even deposed his grandmother Maakah(N) from her position as queen mother,(O) because she had made a repulsive image for the worship of Asherah. Asa cut it down(P) and burned it in the Kidron Valley. 14 Although he did not remove(Q) the high places, Asa’s heart was fully committed(R) to the Lord all his life. 15 He brought into the temple of the Lord the silver and gold and the articles that he and his father had dedicated.(S)

16 There was war(T) between Asa and Baasha king of Israel throughout their reigns. 17 Baasha king of Israel went up against Judah and fortified Ramah(U) to prevent anyone from leaving or entering the territory of Asa king of Judah.

18 Asa then took all the silver and gold that was left in the treasuries of the Lord’s temple(V) and of his own palace. He entrusted it to his officials and sent(W) them to Ben-Hadad(X) son of Tabrimmon, the son of Hezion, the king of Aram, who was ruling in Damascus. 19 “Let there be a treaty(Y) between me and you,” he said, “as there was between my father and your father. See, I am sending you a gift of silver and gold. Now break your treaty with Baasha king of Israel so he will withdraw from me.”

20 Ben-Hadad agreed with King Asa and sent the commanders of his forces against the towns of Israel. He conquered(Z) Ijon, Dan, Abel Beth Maakah and all Kinnereth in addition to Naphtali. 21 When Baasha heard this, he stopped building Ramah(AA) and withdrew to Tirzah.(AB) 22 Then King Asa issued an order to all Judah—no one was exempt—and they carried away from Ramah(AC) the stones and timber Baasha had been using there. With them King Asa(AD) built up Geba(AE) in Benjamin, and also Mizpah.(AF)

23 As for all the other events of Asa’s reign, all his achievements, all he did and the cities he built, are they not written in the book of the annals of the kings of Judah? In his old age, however, his feet became diseased. 24 Then Asa rested with his ancestors and was buried with them in the city of his father David. And Jehoshaphat(AG) his son succeeded him as king.

Nadab King of Israel

25 Nadab son of Jeroboam became king of Israel in the second year of Asa king of Judah, and he reigned over Israel two years. 26 He did evil(AH) in the eyes of the Lord, following the ways of his father(AI) and committing the same sin his father had caused Israel to commit.

27 Baasha son of Ahijah from the tribe of Issachar plotted against him, and he struck him down(AJ) at Gibbethon,(AK) a Philistine town, while Nadab and all Israel were besieging it. 28 Baasha killed Nadab in the third year of Asa king of Judah and succeeded him as king.

29 As soon as he began to reign, he killed Jeroboam’s whole family.(AL) He did not leave Jeroboam anyone that breathed, but destroyed them all, according to the word of the Lord given through his servant Ahijah the Shilonite. 30 This happened because of the sins(AM) Jeroboam had committed and had caused(AN) Israel to commit, and because he aroused the anger of the Lord, the God of Israel.

31 As for the other events of Nadab’s reign, and all he did, are they not written in the book of the annals(AO) of the kings of Israel? 32 There was war(AP) between Asa and Baasha king of Israel throughout their reigns.

Baasha King of Israel

33 In the third year of Asa king of Judah, Baasha son of Ahijah became king of all Israel in Tirzah,(AQ) and he reigned twenty-four years. 34 He did evil(AR) in the eyes of the Lord, following the ways of Jeroboam and committing the same sin Jeroboam had caused Israel to commit.

Footnotes

  1. 1 Kings 15:1 Some Hebrew manuscripts and Septuagint (see also 2 Chron. 12:16); most Hebrew manuscripts Abijam; also in verses 7 and 8
  2. 1 Kings 15:2 A variant of Absalom; also in verse 10
  3. 1 Kings 15:6 Some Hebrew manuscripts and Syriac Abijam (that is, Abijah); most Hebrew manuscripts Rehoboam