Add parallel Print Page Options
'1 Mga Hari 15:20-22' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

20 Pinakinggan ni Ben-hadad si Haring Asa, at sinugo ang mga puno ng kanyang mga hukbo laban sa mga lunsod ng Israel, at sinakop ang Ijon, Dan, Abel-betmaaca, at ang buong Cinerot, pati ang buong lupain ng Neftali.

21 Nang mabalitaan iyon ni Baasa, kanyang itinigil ang pagtatayo ng Rama at siya'y nanirahan sa Tirsa.

22 Pagkatapos ay nagpahayag si Haring Asa sa buong Juda, walang itinangi, at kanilang inalis ang mga bato at mga kahoy ng Rama, na ginagamit ni Baasa sa pagtatayo, at itinayo ni Haring Asa sa pamamagitan niyon ang Geba ng Benjamin at ang Mizpa.

20 At dininig ni Ben-adad ang haring Asa, at sinugo ang mga puno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga bayan ng Israel, at sinaktan ang (A)Ahion at ang (B)Dan, at ang (C)Abel-bethmaacha at ang buong (D)Cinneroth, sangpu ng buong lupain ng Nephtali.

21 At nangyari nang mabalitaan yaon ni Baasa, na iniwan ang pagtatayo ng Rama, at tumahan sa (E)Thirsa.

22 Nang magkagayo'y itinanyag ng haring Asa ang buong Juda; walang natangi: at kanilang inalis ang mga bato ng Rama, at ang mga kahoy niyaon, na ipinagtayo ni Baasa; at itinayo ng haring Asa sa pamamagitan niyaon ang (F)Gabaa ng Benjamin at ang Mizpa.