1 Mga Hari 11:6-8
Magandang Balita Biblia
6 Gumawa nga ng kasamaan si Solomon laban kay Yahweh, at hindi niya sinundan ang halimbawa ng kanyang amang si David, na buong katapatang naglingkod kay Yahweh. 7 Sa burol na nasa silangan ng Jerusalem ay nagtayo si Solomon ng sambahan para kay Cemos, ang karumal-dumal na diyos ng Moab, at para kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Ammonita. 8 Ipinagpagawa niya ng kanya-kanyang mga altar ang mga diyus-diyosan ng lahat niyang mga asawang dayuhan, at ang mga ito'y nagsunog doon ng insenso at naghain ng mga handog.
Read full chapter
1 Mga Hari 11:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi sumunod na lubos sa Panginoon, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.
7 Nang magkagayo'y ipinagtayo ni Salomon ng (A)mataas na dako si (B)Chemos na karumaldumal ng Moab, (C)sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at si (D)Moloch na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon.
8 At gayon ang ginawa niya sa lahat niyang asawang mga taga ibang lupa, na nagsunog ng mga kamangyan at naghain sa kanikanilang mga dios.
Read full chapter
1 Kings 11:6-8
New International Version
6 So Solomon did evil(A) in the eyes of the Lord; he did not follow the Lord completely, as David his father had done.
7 On a hill east(B) of Jerusalem, Solomon built a high place for Chemosh(C) the detestable god of Moab, and for Molek(D) the detestable god of the Ammonites. 8 He did the same for all his foreign wives, who burned incense and offered sacrifices to their gods.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

