Add parallel Print Page Options

Ang Patotoo tungkol sa Anak ng Diyos

Si Jesu-Cristo ang siyang pumarito sa pamamagitan ng tubig at ng dugo; hindi lamang sa pamamagitan ng tubig kundi ng tubig at ng dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. Sapagkat may tatlong nagpapatotoo:[a] ang Espiritu, ang tubig at ang dugo, at ang tatlong ito ay nagkakaisa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Juan 5:7 Sa ilang manuskrito ay may dagdag na, sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu; at ang tatlong ito'y iisa. At mayroong tatlong nagpapatotoo sa lupa.