Add parallel Print Page Options

Mag-ibigan sa Isa’t isa

11 Ito ang pangaral na inyong narinig buhat pa sa pasimula, na dapat tayong mag-ibigan sa isa’t isa.

12 Huwag nating tularan si Cain na galing sa kaniya na masama. At malupit niyang pinatay ang kaniyang kapatid. Bakit malupit niyang pinatay ang kaniyang kapatid? Ito ay sapagkat masasama ang kaniyang mga gawa at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid. 13 Mga kapatid ko, huwag kayong magtaka kapag kinapopootan kayo ng sangkatauhan.

Read full chapter