Add parallel Print Page Options

Magmahalan Tayo

11 Ito ang mensaheng narinig ninyo mula pa noong una: dapat tayong magmahalan. 12 Hindi tayo dapat maging katulad ni Cain na kakampi ng Masama. Pinaslang niya ang kanyang kapatid. Bakit niya ito pinaslang? Sapagkat ang mga gawa niya ay masasama, at ang mga gawa naman ng kanyang kapatid ay matutuwid. 13 Huwag kayong magtaka, mga kapatid, kung napopoot sa inyo ang sanlibutan.

Read full chapter