Add parallel Print Page Options

10 Sa ganitong paraan nahahayag ang mga anak ng Diyos at ang mga anak ng diyablo. Ang sinumang hindi gumagawa ng matuwid at hindi umiibig sa kaniyang kapatid ay hindi sa Diyos.

Mag-ibigan sa Isa’t isa

11 Ito ang pangaral na inyong narinig buhat pa sa pasimula, na dapat tayong mag-ibigan sa isa’t isa.

12 Huwag nating tularan si Cain na galing sa kaniya na masama. At malupit niyang pinatay ang kaniyang kapatid. Bakit malupit niyang pinatay ang kaniyang kapatid? Ito ay sapagkat masasama ang kaniyang mga gawa at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid.

Read full chapter