Add parallel Print Page Options

27 At kayo ay tumanggap ng kaloob mula sa kanya, nananatili sa inyo, at hindi ninyo kailangan ang sinuman upang magturo sa inyo. Subalit ang ipinagkaloob niya sa inyo ang magtuturo sa inyo tungkol sa lahat ng bagay. Ito ay totoo at hindi kasinungalingan; at gaya ng itinuro nito sa inyo, manatili kayo sa kaloob na ito.

Mga anak ng Diyos

28 At ngayon, mga anak, manatili kayo sa kanya, upang sa panahong siya'y mahayag ay magkaroon tayo ng katiyakan at hindi tayo mapahiya sa harapan niya sa kanyang pagdating.

29 Kung alam ninyo na siya'y matuwid, matitiyak ninyo na ang bawat gumagawa ng katuwiran ay anak ng Diyos.

Read full chapter