Add parallel Print Page Options

14 Sumusulat ako sa inyo, munting mga anak,
    sapagkat kilala na ninyo ang Ama.
Sumusulat ako sa inyo, mga ama,
    sapagkat kilala na ninyo siya na buhat pa sa simula ay naroon na.
Sumusulat ako sa inyo, mga kabataan,
    sapagkat kayo ay malalakas.
    Ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo,
    at napagtagumpayan na ninyo ang Masama.

15 Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, maging ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung inibig ng sinuman ang sanlibutan, wala sa kanya ang pag-ibig ng Ama. 16 Sapagkat ang lahat ng nasa sanlibutan—ang pagnanasa ng laman, at ang pagnanasa ng mga mata, at ang kapalaluan sa buhay ay hindi mula sa Ama kundi sa sanlibutan.

Read full chapter