Add parallel Print Page Options

14 Kayo'y aking sinulatan, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y aking sinulatan, mga binata, sapagka't kayo'y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama.

15 Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, (A)ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. (B)Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.

16 Sapagka't ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at (C)ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.

Read full chapter