1 Cronica 7:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Lahi ni Isacar
7 May apat na anak na lalaki si Isacar: sina Tola, Pua, Jashub at Shimron. 2 Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jamai, Ibsam at Shemuel.[a] Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa mga angkan ni Tola.
3 Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahia. Si Izrahia at ang kanyang apat na anak na sina Micael, Obadias, Joel at Ishia, ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya.
Read full chapterFootnotes
- 7:2 Shemuel: o, Samuel.
1 Cronica 7:1-3
Ang Biblia (1978)
Ang mga anak ni Issachar.
7 At sa mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, si Jabsub, at si Simron, apat.
2 At sa mga anak ni Thola: si Uzzi, at si Rephaias, at si Jeriel, at si Jamai, at si Jibsam, at si Samuel, mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y ni Thola; mga makapangyarihang lalaking may tapang sa kanilang mga lahi: (A)ang kanilang bilang sa mga kaarawan ni David ay dalawang pu't dalawang libo at anim na raan.
3 At ang mga anak ni Uzzi: si Izrahias: at ang mga anak ni Izrahias: si Michael, at si Obadias, at si Joel, si Isias, lima: silang lahat ay mga pinuno.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
