Add parallel Print Page Options
'1 Paralipomeno 4 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal.

At naging anak ni Reaias na anak ni Sobal si Jahath: at naging anak ni Jahath si Ahumai; at si Laad. Ito ang mga angkan ng mga Sorathita.

At ito ang mga anak ng ama ni Etham: si Jezreel, at si Isma, at si Idbas: at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi:

At si Penuel na ama ni Gedor, at si Ezer na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ni Ephrata, na ama ni Bethlehem.

At si Asur na ama ni Tecoa ay nagasawa ng dalawa: si Helea, at si Naara.

At ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam, at si Hepher, at si Themeni, at si Ahastari. Ito ang mga anak ni Naara.

At ang mga anak ni Helea ay si Sereth, at si Jesohar, at si Ethnan.

At naging anak ni Coz si Anob, at si Sobeba, at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Arum.

At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid: at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan na Jabes, na sinasabi, Sapagka't ipinanganak kong may kahirapan siya.

10 At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling.

11 At naging anak ni Celub na kapatid ni Sua si Machir, na siyang ama ni Esthon.

12 At naging anak ni Esthon si Beth-rapha, at si Phasea, at si Tehinna, na ama ni Ir-naas. Ito ang mga lalake ni Recha.

13 At ang mga anak ni Cenez: si Othniel, at si Seraiah; at ang anak ni Othniel; si Hathath.

14 At naging anak ni Maonathi si Ophra: at naging anak ni Seraiah si Joab, na ama ng Geharasim; sapagka't sila'y mga manggagawa.

15 At ang mga anak ni Caleb na anak ni Jephone; si Iru, si Ela, at si Naham; at ang anak ni Ela; at si Cenez.

16 At ang mga anak ni Jaleleel: si Ziph, at si Zipha, si Tirias, at si Asareel.

17 At ang mga anak ni Ezra: si Jeter, at si Mered, at si Epher, at si Jalon; at ipinanganak niya si Mariam, at si Sammai, at si Isba, na ama ni Esthemoa.

18 At ipinanganak ng kaniyang asawang Judia si Jered, na ama ni Gedor, at si Heber na ama ni Socho, at si Icuthiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered.

19 At ang mga anak ng asawa ni Odias, na kapatid na babae ni Naham, ay ang ama ni Keila na Garmita, at ni Esthemoa na Maachateo.

20 At ang mga anak ni Simon: si Amnon, at si Rinna, si Benhanan, at si Tilon. At ang mga anak ni Isi: si Zoheth, at si Benzoheth.

21 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda: si Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresa, at ang mga angkan ng sangbahayan ng nagsisigawa ng mainam na kayong lino, sa sangbahayan ni Asbea;

22 At si Jaocim, at ang mga lalake ni Chozeba, at si Joas, at si Saraph, na siyang mga nagpasuko sa Moab, at si Jasubi-lehem. At ang alaalang ito'y matanda na.

23 Ang mga ito'y mga magpapalyok, at mga taga Netaim at Gedera: doo'y nagsisitahan sila na kasama ng hari para sa kaniyang gawain.

24 Ang mga anak ni Simeon: si Nemuel, at si Jamin, si Jarib, si Zera, si Saul:

25 Si Sallum na kaniyang anak, si Mibsam na kaniyang anak, si Misma na kaniyang anak.

26 At ang mga anak ni Misma: si Hamuel na kaniyang anak, si Sachur na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak.

27 At si Simi ay nagkaanak ng labing anim na lalake at anim na anak na babae; nguni't ang kaniyang mga kapatid ay di nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda.

28 At sila'y nagsitahan sa Beer-seba, at sa Molada, at sa Hasar-sual;

29 At sa Bala, at sa Esem, at sa Tholad;

30 At sa Bethuel, at sa Horma, at sa Siclag;

31 At sa Beth-marchaboth, at sa Hasa-susim, at sa Beth-birai, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa paghahari ni David.

32 At ang kanilang mga nayon ay Etam, at Ain, Rimmon, at Tochen, at Asan, limang bayan:

33 At ang lahat ng kanilang mga nayon ay nangasa palibot ng mga bayang yaon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong kanilang talaan ng lahi.

34 At si Mesobab, at si Jamlech, at si Josias na anak ni Amasias;

35 At si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraiah, na anak ni Aziel;

36 At si Elioenai, at si Jacoba, at si Jesohaia, at si Asaias, at si Adiel, at si Jesimiel, at si Benaias;

37 At si Ziza, na anak ni Siphi, na anak ni Allon, na anak ni Jedaia, na anak ni Simri, na anak ni Semaias.

38 Ang mga itong nangabanggit sa pangalan ay mga prinsipe sa kanilang mga angkan: at ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ay lumaking mainam.

39 At sila'y nagsiparoon sa pasukan ng Gador, hanggang sa dakong silanganan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.

40 At sila'y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti, at ang lupain ay maluwang, at tahimik, at payapa; sapagka't ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham.

41 At ang mga itong nangasusulat sa pangalan ay nagsiparoon sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda, at iniwasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na nangasumpungan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nagsitahan na kahalili nila: sapagka't may pastulan doon sa kanilang mga kawan.

42 At ang iba sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Simeon, na limang daang lalake, ay nagsiparoon sa bundok ng Seir, na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia, at si Nearias, at si Rephaias, at si Uzziel, na mga anak ni Isi.

43 At kanilang sinaktan ang nalabi sa mga Amalecita na nakatanan, at tumahan doon hanggang sa araw na ito.

Ang Ibang Lahi ni Juda

Ito ang iba pang lahi ni Juda: sina Perez, Hezron, Carmi, Hur at Shobal. Ang anak ni Shobal na si Reaya ay ama ni Jahat. Si Jahat ang ama nina Ahumai at Lahad. Sila ang pamilya ng mga Zoratita.

Ito ang mga anak[a] ni Etam: sina Jezreel, Ishma at Idbas. Si Hazelelponi ang kapatid nilang babae.

Si Penuel ang ama ni Gedor, at si Ezer ang ama ni Husha. Sila ang mga angkan ni Hur na panganay na anak ni Efrata. Si Hur ang ninuno ng mga taga-Betlehem.

Si Ashur na ama ni Tekoa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. Ang mga anak na lalaki nina Naara at Ashur ay sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Haahashtari. Ang mga anak naman nina Hela at Ashur ay sina Zeret, Zohar,[b] Etnan, at Koz. Si Koz ang ama nina Anub at Hazobeba, at ang pinagmulan ng pamilya ni Aharhel na anak ni Harum.

May isang tao na ang pangalan ay Jabez. Kagalang-galang siya kaysa sa mga kapatid niyang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ina na Jabez[c] dahil sinabi ng kanyang ina, “Labis akong nahirapan sa panganganak ko sa kanya.” 10 Nanalangin si Jabez sa Dios ng Israel, “Pagpalain nʼyo po sana ako at palawakin ang aking nasasakupan. Samahan nʼyo po ako at ilayo sa kapahamakan para hindi ako masaktan.” At dininig ng Dios ang kanyang kahilingan.

11 Si Kelub na kapatid ni Shuha ang ama ni Mehir. Si Mehir ang ama ni Eston, at 12 si Eston ang ama nina Bet Rafa, Pasea at Tehina. Si Tehina ang ama ni Ir Nahash. Sila ang angkan ni Reca.[d]

13 Ang mga anak na lalaki ni Kenaz ay sina Otniel at Seraya. Ang mga anak ni Otniel ay sina Hatat at Meonotai.[e] 14 Si Meonotai ang ama ni Ofra. Si Seraya naman ang ama ni Joab, na nagtatag ng Lambak ng mga Panday.[f] Tinawag itong Lambak ng mga Panday dahil doon nakatira ang maraming panday.

15 Ito ang mga anak na lalaki ni Caleb na anak ni Jefune: sina Iru, Elah at Naam. Ang anak na lalaki ni Elah ay si Kenaz.

16 Ang mga anak na lalaki ni Jehalelel ay sina Zif, Zifa, Tiria at Asarel.

17-18 Ang mga anak na lalaki ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer at Jalon. Asawa ni Mered si Bitia na anak ng Faraon.[g] Ang mga anak nila ay sina Miriam, Shamai at Ishba. Si Ishba ang ama ni Estemoa. May asawa rin si Mered na taga-Judea, at ang mga anak nila ay sina Jered na ama ni Gedor, Heber na ama ni Soco, at Jekutiel na ama ni Zanoa. 19 Napangasawa ni Hodia ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.

20 Ang mga anak na lalaki ni Shimon ay sina Amnon, Rina, Ben Hanan at Tilon. Ang mga angkan ni Ishi ay sina Zohet at Ben Zohet.

21 Ito ang mga angkan ni Shela na anak ni Juda: si Er (na ama ni Leca), at si Laada (na ama ni Maresha), at ang pamilya ng mga tagagawa ng telang linen sa Bet Ashbea. 22 Ito pa ang mga angkan Shela: si Jokim, ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joash, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jashubi Lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.) 23 Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.

Ang Angkan ni Simeon

24 Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Shaul. 25 Si Shaul ang ama ni Shalum, si Shalum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Mishma. 26 Si Mishma ang ama ni Hammuel, si Hammuel ang ama ni Zacur, at si Zacur ang ama ni Shimei. 27 May 16 na anak na lalaki si Shimei at anim na anak na babae. Pero kakaunti lang ang anak ng mga kapatid niya, kaya ang buong angkan nila ay hindi kasindami ng mga mamamayan ng Juda. 28 Tumira sila sa Beersheba, Molada, Hazar, Shual, 29 Bilha, Ezem, Tolad, 30 Betuel, Horma, Ziklag, 31 Bet Marcabot, Hazar Susim, Bet Biri at Shaaraim. Ito ang mga bayan nila hanggang sa paghahari ni David. 32 Tumira rin sila sa limang bayan sa paligid nila: sa Etam, Ayin, Rimon, Token at Ashan, 33 pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat.[h] Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan.

Ito ang iba pang lahi ni Simeon: 34 sina Meshobab, Jamlec, Josha na anak ni Amazia 35 Joel, Jehu na anak ni Joshibia at apo ni Seraya, na apo sa tuhod ni Asiel, 36 Elyoenai, Jaakoba, Jeshohaya, Asaya, Adiel, Jesimiel, Benaya 37 at Ziza na anak ni Shifi at apo ni Allon, at apo sa tuhod ni Jedaya. Si Jedaya ay anak ni Shimri at apo ni Shemaya. 38 Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang pamilya nila, 39 kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa, 40 at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham. 41 Pero noong panahon na si Haring Hezekia ang hari ng Juda, nilusob ang lahi ni Ham ng lahi ni Simeon na ang mga pangalan ay nabanggit sa itaas. Nilusob din nila ang mga Meuneo na doon din nakatira, at nilipol nila sila nang lubusan. Pagkatapos, sila ang tumira roon hanggang ngayon, dahil mayroong pastulan doon para sa kanilang mga tupa. 42 Lumusob ang 500 sa kanila sa kabundukan ng Seir. Pinangunahan sila nina Pelatia, Nearia, Refaya at Uziel na mga anak ni Ishi. 43 Pinatay nila roon ang natitirang mga Amalekita, at doon sila nakatira hanggang ngayon.

Footnotes

  1. 4:3 mga anak: Ito ang nasa ibang mga tekstong Septuagint. Sa Hebreo, ama.
  2. 4:7 Zohar: o, Izar.
  3. 4:9 Jabez: Maaaring ang ibig sabihin, nahirapan.
  4. 4:12 Sila … Reca: o, Sila ang mga mamamayan ng Reca.
  5. 4:13 Meonotai: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa ibang tekstong Septuagint at sa Latin Vulgate.
  6. 4:14 na nagtatag ng Lambak ng mga Panday: o, na ama ni Geharasim.
  7. 4:17-18 Faraon: o hari ng Egipto.
  8. 4:33 Baalat: Ito ang nasa ibang teksto ng Septuagint. Sa Hebreo, Baal.