1 Cronica 4
Ang Biblia (1978)
Mga anak ni Juda (karugtong).
4 Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal.
2 At naging anak ni Reaias na anak ni Sobal si Jahath: at naging anak ni Jahath si Ahumai; at si Laad. Ito ang mga angkan ng mga Sorathita.
3 At ito ang mga anak ng ama ni Etham: si Jezreel, at si Isma, at si Idbas: at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi:
4 At si Penuel na ama ni Gedor, at si Ezer na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ni Ephrata, na (A)ama ni Beth-lehem.
5 At si Asur na ama ni Tecoa ay nagasawa ng dalawa: si Helea, at si Naara.
6 At ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam, at si Hepher, at si Themeni, at si Ahastari. Ito ang mga anak ni Naara.
7 At ang mga anak ni Helea ay si Sereth, at si Jesohar, at si Ethnan.
8 At naging anak ni Coz si Anob, at si Sobeba, at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Arum.
9 At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid: at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan na Jabes,[a] na sinasabi, Sapagka't ipinanganak kong may kahirapan siya.
10 At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling.
11 At naging anak ni Celub na kapatid ni Sua si Machir, na siyang ama ni Esthon.
12 At naging anak ni Esthon si Beth-rapha, at si Phasea, at si Tehinna, na ama ni Ir-naas. Ito ang mga lalake ni Recha.
13 At ang mga anak ni Cenez: si Othniel, at si Seraiah; at ang anak ni Othniel; si Hathath.
14 At naging anak ni Maonathi si Ophra: at naging anak ni Seraiah si Joab, na ama ng Geharasim; sapagka't sila'y mga manggagawa.
15 At ang mga anak ni Caleb na anak ni Jephone; si Iru, si Ela, at si Naham; at ang anak ni Ela; at si Cenez.
16 At ang mga anak ni Jaleleel: si Ziph, at si Zipha, si Tirias, at si Asareel.
17 At ang mga anak ni Ezra: si Jeter, at si Mered, at si Epher, at si Jalon; at ipinanganak niya si Mariam, at si Sammai, at si Isba, na ama ni Esthemoa.
18 At ipinanganak ng kaniyang asawang Judia si Jered, na ama ni Gedor, at si Heber na ama ni Socho, at si Icuthiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered.
19 At ang mga anak ng asawa ni Odias, na kapatid na babae ni Naham, ay ang ama ni Keila na Garmita, at ni Esthemoa na Maachateo.
20 At ang mga anak ni Simon: si Amnon, at si Rinna, si Benhanan, at si Tilon. At ang mga anak ni Isi: si Zoheth, at si Benzoheth.
21 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda: si Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresa, at ang mga angkan ng sangbahayan ng nagsisigawa ng mainam na kayong lino, sa sangbahayan ni Asbea;
22 At si Jaocim, at ang mga lalake ni Chozeba, at si Joas, at si Saraph, na siyang mga nagpasuko sa Moab, at si Jasubi-lehem. At ang alaalang ito'y matanda na.
23 Ang mga ito'y mga magpapalyok, at mga taga Netaim at Gedera: doo'y nagsisitahan sila na kasama ng hari para sa kaniyang gawain.
Ang mga anak ni Simeon.
24 Ang mga anak ni Simeon: si Nemuel, at si Jamin, si Jarib, si Zera, si Saul:
25 Si Sallum na kaniyang anak, si Mibsam na kaniyang anak, si Misma na kaniyang anak.
26 At ang mga anak ni Misma: si Hamuel na kaniyang anak, si Sachur na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak.
27 At si Simi ay nagkaanak ng labing anim na lalake at anim na anak na babae; nguni't ang kaniyang mga kapatid ay di nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda.
28 At (B)sila'y nagsitahan sa Beer-seba, at sa Molada, at sa Hasar-sual;
29 At sa Bala, at sa Esem, at sa Tholad;
30 At sa Bethuel, at sa Horma, at sa Siclag;
31 At sa Beth-marchaboth, at sa Hasa-susim, at sa Beth-birai, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa paghahari ni David.
32 At ang kanilang mga nayon ay Etam, at Ain, Rimmon, at Tochen, at Asan, limang bayan:
33 At ang lahat ng kanilang mga nayon ay nangasa palibot ng mga bayang yaon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong kanilang talaan ng lahi.
34 At si Mesobab, at si Jamlech, at si Josias na anak ni Amasias;
35 At si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraiah, na anak ni Aziel;
36 At si Elioenai, at si Jacoba, at si Jesohaia, at si Asaias, at si Adiel, at si Jesimiel, at si Benaias;
37 At si Ziza, na anak ni Siphi, na anak ni Allon, na anak ni Jedaia, na anak ni Simri, na anak ni Semaias.
38 Ang mga itong nangabanggit sa pangalan ay mga prinsipe sa kanilang mga angkan: at ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ay lumaking mainam.
39 At sila'y nagsiparoon sa pasukan ng Gador, hanggang sa dakong silanganan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.
40 At sila'y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti, at ang lupain ay maluwang, at tahimik, at payapa; sapagka't ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham.
41 At ang mga itong nangasusulat sa pangalan ay nagsiparoon sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda, at iniwasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na nangasumpungan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nagsitahan na kahalili nila: sapagka't may pastulan doon sa kanilang mga kawan.
42 At ang iba sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Simeon, na limang daang lalake, ay nagsiparoon sa (C)bundok ng Seir, na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia, at si Nearias, at si Rephaias, at si Uzziel, na mga anak ni Isi.
43 At kanilang sinaktan ang nalabi sa mga Amalecita na nakatanan, at tumahan doon hanggang sa araw na ito.
Footnotes
- 1 Cronica 4:9 Sa makatuwid baga'y Hirap .
1 Cronica 4
Ang Biblia, 2001
Ang mga Anak ni Juda
4 Ang mga anak ni Juda ay sina Perez, Hesron, Carmi, Hur, at Sobal.
2 At naging anak ni Reaya na anak ni Sobal si Jahat. Naging anak ni Jahat sina Ahumai at Laad. Ito ang mga angkan ng mga Soratita.
3 Si Etam ang ama ng mga ito: sina Jezreel, Isma, at Idbas, at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi;
4 at si Penuel na ama ni Gedor, at si Eser na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ng Efrata, na ama ng Bethlehem.
5 Si Ashur na ama ni Tekoa ay nag-asawa ng dalawa: sina Hela at Naara.
6 At ipinanganak sa kanya ni Naara sina Ahuzam, Hefer, Themeni, at Ahastari. Ito ang mga anak ni Naara.
7 Ang mga anak ni Hela ay sina Zeret, Izar at Ethnan.
8 Naging anak ni Koz sina Anob, at Zobeba; at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.
9 Si Jabez ay higit na kagalang-galang kaysa kanyang mga kapatid; at tinawag ng kanyang ina ang kanyang pangalan na Jabez,[a] na sinasabi, “Sapagkat ipinanganak ko siya nang may kahirapan.”
10 At si Jabez ay dumalangin sa Diyos ng Israel, na nagsasabi, “O ako nawa'y iyong pagpalain, at palawakin ang aking nasasakupan na ang iyong kamay ay sumaakin, at ingatan mo ako sa kasamaan, upang huwag akong maghirap!” At ipinagkaloob ng Diyos sa kanya ang kanyang hiniling.
11 Naging anak ni Kelub na kapatid ni Sua si Macir, na siyang ama ni Eston.
12 At naging anak ni Eston sina Betrafa, Pasea, Tehina, na ama ni Irnahas. Ito ang mga lalaki ng Reca.
13 At ang mga anak ni Kenaz: sina Otniel at Seraya; at ang anak ni Otniel ay si Hatat.
14 Naging anak ni Meonathi si Ofra; naging anak ni Seraya si Joab, na ama ng Geharasim;[b] sapagkat sila'y mga manggagawa.
15 Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefone ay sina Iru, Ela, at Naham; at ang anak[c] ni Ela ay si Kenaz.
16 Ang mga anak ni Jehalelel ay sina Zif, Zifa, Tirias, at Asarel.
17 Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer, at Jalon; at ipinanganak niya sina Miriam, Shammai, at Isba, na ama ni Estemoa.
18 At ipinanganak ng kanyang asawang Judio si Jered, na ama ni Gedor, at si Eber na ama ni Soco, at si Jekutiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered.
19 Ang mga anak ng asawa ni Hodias, na kapatid na babae ni Naham, ay ang ama ni Keila na Garmita, at ni Estemoa na Maacatita.
20 Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan, at Tilon. At ang mga anak ni Ishi ay sina Zohet, at Benzohet.
21 Ang mga anak ni Shela na anak ni Juda ay sina Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresha, at ang mga angkan ng sambahayan ng nagsisigawa ng pinong lino sa Bet-asbea;
22 at si Jokim, at ang mga lalaki ng Cozeba, at si Joas, si Saraf, na siyang nagpasuko sa Moab, at si Jasubilehem. Ang mga talaan nga ay luma na.
23 Ang mga ito'y mga magpapalayok at mga taga-Netaim at Gedera. Doo'y naninirahan sila na kasama ng hari para sa kanyang gawain.
Ang mga Anak ni Simeon
24 Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera, Shaul;
25 si Shallum na kanyang anak, si Mibsam na kanyang anak, si Misma na kanyang anak.
26 Ang mga anak ni Misma ay si Hamuel na kanyang anak, si Zacur na kanyang anak, si Shimei na kanyang anak.
27 At si Shimei ay nagkaanak ng labing-anim na lalaki at anim na babae; ngunit ang kanyang mga kapatid ay hindi nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda.
28 At(A) sila'y nanirahan sa Beer-seba, sa Molada, sa Hazar-shual;
29 sa Bilha, Ezem, Tolad;
30 sa Betuel, Horma, Siclag;
31 sa Bet-marcabot, Hazar-susim, Bet-beri, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa maghari si David.
32 Ang mga nayon ng mga ito ay Etam, Ain, Rimon, Tocen, at Asan; limang bayan.
33 Ang lahat ng kanilang mga nayon ay nasa palibot ng mga bayang iyon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong talaan ng kanilang lahi.
34 Sina Mesobab, Jamlec, at si Josha na anak ni Amasias;
35 si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraya, na anak ni Aziel;
36 sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaia, Asaya, Adiel, Jesimiel, at si Benaya;
37 at si Ziza na anak ni Sifi, na anak ni Allon, na anak ni Jedias, na anak ni Simri, na anak ni Shemaya.
38 Ang mga nabanggit na ito sa pangalan ay mga pinuno sa kanilang mga angkan, at ang mga sambahayan ng kanilang mga magulang ay nadagdagan ng marami.
39 Sila'y nagtungo sa pasukan ng Gedor, hanggang sa dakong silangan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.
40 Sila'y nakatagpo roon ng mabuting pastulan. Ang lupain ay maluwang, tahimik, at payapa, sapagkat ang mga unang nanirahan doon ay nagmula kay Ham.
41 Ang mga nakatalang ito sa pangalan ay dumating sa mga araw ni Hezekias na hari ng Juda, at winasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na natagpuan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nanirahang kapalit nila; sapagkat may pastulan doon para sa kanilang mga kawan.
42 At ang iba sa kanila, ang limang daang lalaki sa mga anak ni Simeon, ay pumunta sa bundok ng Seir, ang kanilang mga pinuno ay sina Pelatias, Nearias, Refaias, at si Uziel, na mga anak ni Ishi.
43 Kanilang pinuksa ang nalabi sa mga Amalekita na nakatakas, at nanirahan sila roon hanggang sa araw na ito.
Footnotes
- 1 Cronica 4:9 Ang kahulugan ay Hirap .
- 1 Cronica 4:14 o Libis ng mga Manggagawa .
- 1 Cronica 4:15 Sa Hebreo ay mga anak .
1 Chronicles 4
King James Version
4 The sons of Judah; Pharez, Hezron, and Carmi, and Hur, and Shobal.
2 And Reaiah the son of Shobal begat Jahath; and Jahath begat Ahumai, and Lahad. These are the families of the Zorathites.
3 And these were of the father of Etam; Jezreel, and Ishma, and Idbash: and the name of their sister was Hazelelponi:
4 And Penuel the father of Gedor, and Ezer the father of Hushah. These are the sons of Hur, the firstborn of Ephratah, the father of Bethlehem.
5 And Ashur the father of Tekoa had two wives, Helah and Naarah.
6 And Naarah bare him Ahuzam, and Hepher, and Temeni, and Haahashtari. These were the sons of Naarah.
7 And the sons of Helah were, Zereth, and Jezoar, and Ethnan.
8 And Coz begat Anub, and Zobebah, and the families of Aharhel the son of Harum.
9 And Jabez was more honourable than his brethren: and his mother called his name Jabez, saying, Because I bare him with sorrow.
10 And Jabez called on the God of Israel, saying, Oh that thou wouldest bless me indeed, and enlarge my coast, and that thine hand might be with me, and that thou wouldest keep me from evil, that it may not grieve me! And God granted him that which he requested.
11 And Chelub the brother of Shuah begat Mehir, which was the father of Eshton.
12 And Eshton begat Bethrapha, and Paseah, and Tehinnah the father of Irnahash. These are the men of Rechah.
13 And the sons of Kenaz; Othniel, and Seraiah: and the sons of Othniel; Hathath.
14 And Meonothai begat Ophrah: and Seraiah begat Joab, the father of the valley of Charashim; for they were craftsmen.
15 And the sons of Caleb the son of Jephunneh; Iru, Elah, and Naam: and the sons of Elah, even Kenaz.
16 And the sons of Jehaleleel; Ziph, and Ziphah, Tiria, and Asareel.
17 And the sons of Ezra were, Jether, and Mered, and Epher, and Jalon: and she bare Miriam, and Shammai, and Ishbah the father of Eshtemoa.
18 And his wife Jehudijah bare Jered the father of Gedor, and Heber the father of Socho, and Jekuthiel the father of Zanoah. And these are the sons of Bithiah the daughter of Pharaoh, which Mered took.
19 And the sons of his wife Hodiah the sister of Naham, the father of Keilah the Garmite, and Eshtemoa the Maachathite.
20 And the sons of Shimon were, Amnon, and Rinnah, Benhanan, and Tilon. And the sons of Ishi were, Zoheth, and Benzoheth.
21 The sons of Shelah the son of Judah were, Er the father of Lecah, and Laadah the father of Mareshah, and the families of the house of them that wrought fine linen, of the house of Ashbea,
22 And Jokim, and the men of Chozeba, and Joash, and Saraph, who had the dominion in Moab, and Jashubilehem. And these are ancient things.
23 These were the potters, and those that dwelt among plants and hedges: there they dwelt with the king for his work.
24 The sons of Simeon were, Nemuel, and Jamin, Jarib, Zerah, and Shaul:
25 Shallum his son, Mibsam his son, Mishma his son.
26 And the sons of Mishma; Hamuel his son, Zacchur his son, Shimei his son.
27 And Shimei had sixteen sons and six daughters: but his brethren had not many children, neither did all their family multiply, like to the children of Judah.
28 And they dwelt at Beersheba, and Moladah, and Hazarshual,
29 And at Bilhah, and at Ezem, and at Tolad,
30 And at Bethuel, and at Hormah, and at Ziklag,
31 And at Bethmarcaboth, and Hazarsusim, and at Bethbirei, and at Shaaraim. These were their cities unto the reign of David.
32 And their villages were, Etam, and Ain, Rimmon, and Tochen, and Ashan, five cities:
33 And all their villages that were round about the same cities, unto Baal. These were their habitations, and their genealogy.
34 And Meshobab, and Jamlech, and Joshah, the son of Amaziah,
35 And Joel, and Jehu the son of Josibiah, the son of Seraiah, the son of Asiel,
36 And Elioenai, and Jaakobah, and Jeshohaiah, and Asaiah, and Adiel, and Jesimiel, and Benaiah,
37 And Ziza the son of Shiphi, the son of Allon, the son of Jedaiah, the son of Shimri, the son of Shemaiah;
38 These mentioned by their names were princes in their families: and the house of their fathers increased greatly.
39 And they went to the entrance of Gedor, even unto the east side of the valley, to seek pasture for their flocks.
40 And they found fat pasture and good, and the land was wide, and quiet, and peaceable; for they of Ham had dwelt there of old.
41 And these written by name came in the days of Hezekiah king of Judah, and smote their tents, and the habitations that were found there, and destroyed them utterly unto this day, and dwelt in their rooms: because there was pasture there for their flocks.
42 And some of them, even of the sons of Simeon, five hundred men, went to mount Seir, having for their captains Pelatiah, and Neariah, and Rephaiah, and Uzziel, the sons of Ishi.
43 And they smote the rest of the Amalekites that were escaped, and dwelt there unto this day.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
