1 Cronica 25
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Musikero
25 Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun para ipahayag ang mensahe ng Dios na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:
2 Mula sa mga anak na lalaki ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netania at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios kung ipinag-uutos ito ng hari.
3 Mula sa mga anak na lalaki ni Jedutun: sina Gedalia, Zeri, Jeshaya, Shimei,[a] Hashabia at Matitia – anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Dios na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.
4 Mula sa mga anak na lalaki ni Heman: sina Bukia, Matania, Uziel, Shebuel,[b] Jerimot, Hanania, Hanani, Eliata, Giddalti, Romamti Ezer, Joshbekasha, Malloti, Hotir at Mahaziot. 5 Silang lahat ang anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Dios sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng 14 na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Dios sa kanya.
6 Ang lahat ng lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Dios. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari. 7 Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon. 8 Nagpalabunutan sila para malaman ang kanya-kanyang tungkulin, bata man o matanda, guro man o mag-aaral.
9 Ang unang nabunot sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak[c] – 12 sila.
Ang ikalawa ay si Gedalia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
10 Ang ikatlo ay si Zacur at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
11 Ang ikaapat ay si Izri[d] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
12 Ang ikalima ay si Netania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
13 Ang ikaanim ay si Bukia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
14 Ang ikapito ay si Jesarela[e] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
15 Ang ikawalo ay si Jeshaya at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
16 Ang ikasiyam ay si Matania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
17 Ang ikasampu ay si Shimei at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
18 Ang ika-11 ay si Azarel[f] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
19 Ang ika-12 ay si Hashabia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
20 Ang ika-13 ay si Shebuel[g] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
21 Ang ika-14 ay si Matitia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
22 Ang ika-15 ay si Jerimot[h] at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
23 Ang ika-16 ay si Hanania at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
24 Ang ika-17 ay si Joshbekasha at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
25 Ang ika-18 ay si Hanani at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
26 Ang ika-19 ay si Malloti at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
27 Ang ika-20 ay si Eliata at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
28 Ang ika-21 ay si Hotir at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
29 Ang ika-22 ay si Gedalti at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
30 Ang ika-23 ay si Mahaziot at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
31 Ang ika-24 ay si Romamti Ezer at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
Footnotes
- 25:3 Shimei: Wala ito sa karamihang tekstong Hebreo, ngunit makikita ito sa isang tekstong Hebreo at sa iilang tekstong Septuagint.
- 25:4 Shebuel: o, Shubael.
- 25:9 at ang mga … kamag-anak: Wala ito sa Hebreo, pero makikita sa Septuagint.
- 25:11 Izri: o, Zeri.
- 25:14 Jesarela: o, Azarela.
- 25:18 Azarel: o, Uziel.
- 25:20 Shebuel: o, Shubael.
- 25:22 Jerimot: o, Jeremot.
1 Kronika 25
Bíbélì Mímọ́ Yorùbá Òde Òn
Àwọn akọrin
25 Pẹ̀lúpẹ̀lú Dafidi àti àwọn olórí àwọn ọmọ-ogun, ó sì yà díẹ̀ sọ́tọ̀ lára àwọn ọmọ Asafu, Hemani àti Jedutuni fún ìsìn àsọtẹ́lẹ̀, pẹ̀lú dùùrù, ohun èlò orin olókùn àti kimbali. Èyí sì ní àwọn iye àwọn ọkùnrin ẹni tí ó ṣe oníṣẹ́ ìsìn yìí:
2 Nínú àwọn ọmọ Asafu:
Sakkuri, Josẹfu, Netaniah àti Asarela, àwọn ọmọ Asafu ni wọ́n wà lábẹ́ ìbojútó Asafu, ẹni tí ó sọtẹ́lẹ̀ lábẹ́ ìbojútó ọba.
3 Gẹ́gẹ́ bí ti Jedutuni, nínú àwọn ọmọkùnrin rẹ̀:
Gedaliah, Seri, Jeṣaiah, Ṣimei, Haṣabiah àti Mattitiah, mẹ́fà nínú gbogbo wọn, lábẹ́ ìbojútó baba wọn Jedutuni, ẹni tí ó sọtẹ́lẹ̀, ẹni tí ó lo dùùrù láti dúpẹ́ àti láti yin Olúwa:
4 Gẹ́gẹ́ bí ti Hemani, nínú àwọn ọmọ rẹ̀:
Bukkiah, Mattaniah, Usieli, Ṣubueli àti Jerimoti; Hananiah, Hanani, Eliata, Giddalti, àti Romamtieseri, Joṣbekaṣa, Malloti, Hotiri, Mahasiotu. 5 Gbogbo àwọn wọ̀nyí sì ni ọmọ Hemani àti wòlíì ọba. Wọ́n sì fi wọ́n fún nípa ìlérí Ọlọ́run láti máa gbé ìwo sókè. Ọlọ́run sì fún Hemani ní ọmọkùnrin mẹ́rìnlá àti àwọn ọmọbìnrin mẹ́ta.
6 Gbogbo àwọn ọkùnrin yìí ni wọ́n wà lábẹ́ ìbojútó àwọn baba wọn fún ohun èlò orin ilé Olúwa, pẹ̀lú kimbali, ohun èlò orin olókùn àti dùùrù, fún ìsìn ilé Olúwa.
Asafu, Jedutuni àti Hemani sì wà lábẹ́ ọba. 7 Àwọn ìdílé wọn pẹ̀lú gbogbo àwọn tí ó mòye àti àwọn tí a kọ́ ní ohun èlò orin fún Olúwa, iye wọn sì jẹ́ ọ̀rìnlélúgba ó-lé-mẹ́jọ (288). 8 Kékeré àti àgbà bákan náà, olùkọ́ àti gẹ́gẹ́ bí ti akẹ́kọ̀ọ́, ṣẹ́ kèké fún iṣẹ́ wọn.
9 Kèké èkínní èyí tí ó jẹ́ ti Asafu, jáde sí Josẹfu, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ jẹ́, méjìlá
èkejì sì ni Gedaliah, òun àti àwọn ìdílé rẹ̀ àti àwọn ọmọ rẹ̀, méjìlá
10 ẹlẹ́kẹta sí Sakkuri, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé, méjìlá
11 ẹlẹ́kẹrin sí Isiri, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ jẹ́, méjìlá
12 ẹlẹ́karùnún sí Netaniah, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ jẹ́, méjìlá
13 ẹlẹ́kẹfà sí Bukkiah, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ jẹ́, méjìlá
14 ẹlẹ́keje sí Jasarela, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ jẹ́, méjìlá
15 ẹlẹ́kẹjọ sí Jeṣaiah, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ jẹ́, méjìlá
16 ẹlẹ́kẹsànán sí Mattaniah, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ jẹ́, méjìlá
17 ẹlẹ́kẹwàá sí Ṣimei, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ jẹ́, méjìlá
18 ẹlẹ́kọkànlá sí Asareeli, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
19 ẹlẹ́kẹjìlá sí Haṣabiah, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
20 ẹlẹ́kẹtàlá sí Ṣubueli, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
21 ẹlẹ́kẹrìnlá sí Mattitiah, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
22 ẹlẹ́kẹdógún sí Jerimoti, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
23 ẹlẹ́kẹrìn-dínlógún sí Hananiah, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
24 ẹlẹ́kẹtà-dínlógún sí Joṣbekaṣa, àwọn ọmọ rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
25 ẹlẹ́kejì-dínlógún sí Hanani, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
26 ẹlẹ́kọkàndínlógún sí Malloti, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
27 ogún sí Eliata, àwọn ọmọ rẹ̀ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
28 ẹlẹ́kọkànlélógún sí Hotiri, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
29 ẹlẹ́kejìlélógún sí Giddalti, àwọn ọmọ rẹ̀ àti àwọn ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
30 ẹlẹ́kẹtàlélógún sí Mahasiotu, àwọn ọmọ rẹ àti ìdílé rẹ̀ sì jẹ́, méjìlá
31 ẹlẹ́kẹrìnlélógún sí Romamtieseri àwọn ọmọ rẹ̀, àti àwọn ìdílé rẹ̀, sì jẹ́, méjìlá.
1 Cronica 25
Ang Biblia (1978)
Ang mga tumutungkol sa pagawit.
25 Bukod dito'y si David at ang mga punong kawal ng hukbo ay nagsipaghiwalay sa paglilingkod ng ilan sa mga anak ni (A)Asaph, at ni Heman, at ni Jeduthun; na magsisipuri na may mga alpa, at mga salterio, at may mga simbalo: at ang bilang ng nagsigawa ng ayon sa kanilang paglilingkod.
2 Sa mga anak ni Asaph: si Zachur, at si Jose, at si Methanias, at si Asareela, na mga anak ni Asaph; sa ilalim ng kapangyarihan ni Asaph na siyang pumuri ayon sa utos ng hari.
3 Kay Jeduthun: ang mga anak ni Jeduthun; si Gedalias, at si Sesi, at si Jesaias, si Hasabias, at si Mathithias, (B)anim; sa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama na si Jeduthun na may alpa, na siyang pumuri na may pagpapasalamat at pagpapaunlak sa Panginoon.
4 Kay Heman: ang mga anak ni Heman: si Buccia, at si Mathania, si Uzziel, si (C)Sebuel, at si Jerimoth, si Hananias, si Hanani, si Eliatha, si Gidalthi, at si Romamti-ezer, si Josbecasa, si Mallothi, si Othir, si Mahazioth:
5 Lahat ng mga ito'y mga anak ni Haman na tagakita ng hari sa mga salita ng Dios, upang magtaas ng sungay. At ibinigay ng Dios kay Heman ay labing apat na anak na lalake at tatlong anak na babae.
6 Lahat ng mga ito'y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon, na may mga simbalo, mga salterio, at mga alpa, sa paglilingkod sa bahay ng Dios; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Jeduthun, at si Heman.
7 At ang bilang nila, pati ng kanilang mga kapatid na mga tinuruan sa pagawit sa Panginoon, lahat na bihasa ay dalawang daan at walongpu't walo.
8 At sila'y nagsapalaran sa ganang kanilang mga katungkulan, silang lahat na parapara, kung paano ang maliit ay gayon din ang malaki, ang guro na gaya ng mga alagad.
Ang dalawangpu at apat na bahagi ng mangaawit.
9 Ang (D)una ngang kapalaran ay kay Asaph na nahulog (E)kay Jose; ang ikalawa'y kay Gedalias; siya at ang kaniyang mga kapatid at mga anak ay labing dalawa:
10 Ang ikatlo ay kay Zachur, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
11 Ang ikaapat ay kay Isri, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
12 Ang ikalima ay kay Nethanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
13 Ang ikaanim ay kay Buccia, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
14 Ang ikapito ay kay Jesarela, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
15 Ang ikawalo ay kay Jesahias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
16 Ang ikasiyam ay kay Mathanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
17 Ang ikasangpu ay kay Simi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
18 Ang ikalabing isa ay kay Azareel, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.
19 Ang ikalabing dalawa ay kay Hasabias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.
20 Ang ikalabing tatlo ay kay Subael, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
21 Ang ikalabing apat ay kay Mathithias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
22 Ang ikalabing lima ay kay Jerimoth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
23 Ang ikalabing anim ay kay Hananias sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
24 Ang ikalabing pito ay kay Josbecasa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
25 Ang ikalabing walo ay kay Hanani, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
26 Ang ikalabing siyam ay kay Mallothi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
27 Ang ikadalawangpu ay kay Eliatha, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
28 Ang ikadalawangpu't isa ay kay Othir, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
29 Ang ikadalawangpu't dalawa'y kay Giddalthi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
30 Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Mahazioth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
31 Ang ikadalawangpu't apat ay kay Romamti-ezer, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.
1 Cronica 25
Ang Biblia, 2001
Ang mga Mang-aawit sa Templo
25 Ibinukod din ni David at ng mga punong-kawal ng hukbo para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak nina Asaf, Heman, at Jedutun na magpapahayag ng propesiya sa saliw ng mga alpa, mga lira, at ng mga pompiyang. Ang talaan ng gumawa ng gawain at ang kanilang mga tungkulin ay sina:
2 Sa mga anak ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netanias, at Asarela, na mga anak ni Asaf; sa ilalim ng pamumuno ni Asaf na nagpahayag ng propesiya ayon sa utos ng hari.
3 Kay Jedutun, ang mga anak ni Jedutun: sina Gedalias, Zeri, Jeshaias, Hashabias, at Matithias, anim;[a] sa ilalim ng pamumuno ng kanilang amang si Jedutun na nagpahayag ng propesiya sa saliw ng lira, na may pagpapasalamat at pagpupuri sa Panginoon.
4 Kay Heman, ang mga anak ni Heman: sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamtiezer, Josbecasa, Maloti, Hotir, at Mahaziot.
5 Lahat ng mga ito'y mga anak ni Heman na propeta[b] ng hari, ayon sa pangako ng Diyos na itaas siya. Sapagkat binigyan ng Diyos si Heman ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae.
6 Silang lahat ay nasa ilalim ng pamumuno ng kanilang ama sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, na may mga pompiyang, mga lira, at mga alpa sa paglilingkod sa bahay ng Diyos; sina Asaf, Jedutun, at Heman ay nasa ilalim ng pamumuno ng hari.
7 Ang bilang nila kasama ang kanilang mga kapatid na mga sinanay sa pag-awit sa Panginoon, lahat ng bihasa ay dalawandaan at walumpu't walo.
8 Sila'y nagpalabunutan sa kanilang mga katungkulan, hamak at dakila, maging ang guro at mag-aaral.
Ang Dalawampu at Apat na Bahagi ng Mang-aawit
9 Ang unang sapalaran ay napunta kay Asaf hanggang kay Jose; ang ikalawa'y kay Gedalias; siya at ang kanyang mga kapatid at mga anak ay labindalawa;
10 ang ikatlo ay kay Zacur, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
11 ang ikaapat ay kay Isri, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
12 ang ikalima ay kay Netanias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
13 ang ikaanim ay kay Bukias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
14 ang ikapito ay kay Jesarela, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
15 ang ikawalo ay kay Jeshaias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
16 ang ikasiyam ay kay Matanias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
17 ang ikasampu ay kay Shimei, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
18 ang ikalabing-isa ay kay Azarel, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
19 ang ikalabindalawa ay kay Hashabias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
20 ang ikalabintatlo ay kay Subael, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
21 ang ikalabing-apat ay kay Matithias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
22 ang ikalabinlima ay kay Jerimot, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
23 ang ikalabing-anim ay kay Hananias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
24 ang ikalabimpito ay kay Josbecasa, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
25 ang ikalabingwalo ay kay Hanani, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
26 ang ikalabinsiyam ay kay Maloti, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
27 ang ikadalawampu ay kay Eliata, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
28 ang ikadalawampu't isa ay kay Hotir, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
29 ang ikadalawampu't dalawa ay kay Gidalti, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
30 ang ikadalawampu't tatlo ay kay Mahaziot, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;
31 ang ikadalawampu't apat ay kay Romamtiezer, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa.
Footnotes
- 1 Cronica 25:3 Ang ikaanim ay si Shimei na binanggit sa talata 17.
- 1 Cronica 25:5 Sa Hebreo ay tagakita .
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright: Bíbélì Mímọ́ ní Èdè Yorùbá Òde-Òní Ẹ̀tọ́ àdàkọ © 2009, 2017 by Biblica, Inc. A lò ó nípa ìgbàyọ̀ǹda láti ọwọ́ Bíbílíkà Inc. Ààbò lórí ẹ̀tọ́ àdàkọ yìí múlẹ̀ jákèjádò àgbáyé. Yoruba Contemporary Bible Copyright © 2009, 2017 by Biblica, Inc.® Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
