1 Cronica 24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Gawain ng mga Pari
24 Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron:
Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 2 Pero unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari. 3 Sa tulong nina Zadok na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin. 4 Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa 16 na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar. 5 Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, kaya may mga opisyal ng templo na naglilingkod sa Dios mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.
6 Si Shemaya na anak ni Netanel na Levita ang kalihim. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Zadok na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.
7 Ang unang nabunot ay si Jehoyarib,
ang ikalawa ay si Jedaya,
8 ang ikatlo ay si Harim,
ang ikaapat ay si Seorim,
9 ang ikalima ay si Malkia,
ang ikaanim ay si Mijamin,
10 ang ikapito ay si Hakoz,
ang ikawalo ay si Abijah,
11 ang ikasiyam ay si Jeshua,
ang ikasampu ay si Shecania,
12 ang ika-11 ay si Eliashib,
ang ika-12 ay si Jakim,
13 ang ika-13 ay si Huppa,
ang ika-14 ay si Jeshebeab,
14 ang ika-15 ay si Bilga,
ang ika-16 ay si Imer,
15 ang ika-17 ay si Hezir,
ang ika-18 ay si Hapizez,
16 ang ika-19 ay si Petahia,
ang ika-20 ay si Jehezkel,
17 ang ika-21 ay si Jakin,
ang ika-22 ay si Gamul,
18 ang ika-23 ay si Delaya,
at ang ika-24 ay si Maazia.
19 Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa templo ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Dios ng Israel.
Ang mga Pinuno ng mga Pamilya ng mga Levita
20 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi:
Mula sa angkan ni Amram: si Shubael.
Mula sa angkan ni Shubael: si Jedeya.
21 Mula sa angkan ni Rehabia: si Ishia, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya.
22 Mula sa angkan ni Izar: si Shelomot.
Mula sa angkan ni Shelomot: si Jahat.
23 Mula sa angkan ni Hebron: si Jeria ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jekameam ang ikaapat.
24 Mula sa angkan ni Uziel: si Micas.
Mula sa angkan ni Micas: si Shamir.
25 Mula sa angkan ni Ishia na kapatid na lalaki ni Micas: si Zacarias.
26 Mula sa angkan ni Merari: sina Mahli at Mushi.
Mula sa angkan ni Jaazia: si Beno.
27 Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazia: sina Beno, Shoham, Zacur at Ibri.
28 Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.
29 Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.
30 Mula sa angkan ni Mushi: sina Mahli, Eder at Jerimot.
Iyon ang mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya. 31 Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila para malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.
1 Chroniques 24
Segond 21
Répartition des prêtres en classes
24 Voici les classes des descendants d'Aaron. Les fils d'Aaron étaient Nadab, Abihu, Eléazar et Ithamar. 2 Nadab et Abihu moururent avant leur père, sans avoir de fils. Quant à Eléazar et Ithamar, ils exercèrent la fonction de prêtre.
3 David répartit les descendants d'Aaron en les classant d’après le service qu'ils avaient à faire. Il fut aidé dans cette tâche par Tsadok, un des descendants d'Eléazar, et par Achimélec, un des descendants d'Ithamar. 4 On trouva parmi les fils d'Eléazar plus de chefs que parmi les fils d'Ithamar, et on les répartit en classes: les fils d'Eléazar eurent 16 chefs de famille, et les fils d'Ithamar 8. 5 On eut recours au tirage au sort pour les répartir les uns avec les autres, car les responsables du sanctuaire et les serviteurs de Dieu étaient aussi bien des descendants d'Eléazar que d'Ithamar. 6 Shemaeja, fils de Nathanaël, le secrétaire membre de la tribu de Lévi, les inscrivit en présence du roi et des princes, du prêtre Tsadok et d’Achimélec, fils d'Abiathar, ainsi que des chefs de famille des prêtres et des Lévites. On tira au sort à tour de rôle une famille pour Eléazar et une pour Ithamar.
7 Le premier sort tomba sur Jehojarib; le deuxième, sur Jedaeja; 8 le troisième, sur Harim; le quatrième, sur Seorim; 9 le cinquième, sur Malkija; le sixième, sur Mijamin; 10 le septième, sur Hakkots; le huitième, sur Abija; 11 le neuvième, sur Josué; le dixième, sur Shecania; 12 le onzième, sur Eliashib; le douzième, sur Jakim; 13 le treizième, sur Huppa; le quatorzième, sur Jeshébeab; 14 le quinzième, sur Bilga; le seizième, sur Immer; 15 le dix-septième, sur Hézir; le dix-huitième, sur Happitsets; 16 le dix-neuvième, sur Pethachja; le vingtième, sur Ezéchiel; 17 le vingt et unième, sur Jakin; le vingt-deuxième, sur Gamul; 18 le vingt-troisième, sur Delaja; le vingt-quatrième, sur Maazia.
19 C'est ainsi qu'ils furent répartis en classes pour leur service, pour entrer dans la maison de l'Eternel en se conformant à la règle suivie par leur ancêtre Aaron d'après les ordres que lui avait donnés l'Eternel, le Dieu d'Israël.
Chefs des Lévites
20 Voici les chefs du reste des Lévites. Pour les descendants d'Amram: Shubaël; pour les descendants de Shubaël: Jechdia; 21 pour Rechabia, pour ses descendants: le chef Jishija. 22 Pour les Jitseharites: Shelomoth; pour les descendants de Shelomoth: Jachath. 23 Les descendants d'Hébron étaient Jerija, Amaria le deuxième, Jachaziel le troisième, Jekameam le quatrième. 24 Fils d'Uziel: Michée, dont les descendants avaient pour chef Shamir, 25 et le frère de Michée, Jishija, dont les descendants avaient pour chef Zacharie. 26 Descendants de Merari: Machli et Mushi, ainsi que les descendants de Jaazija, son fils. 27 Descendants de Merari par son fils Jaazija: Shoham, Zaccur et Ibri. 28 Pour Machli: Eléazar, qui n'eut pas de fils; 29 pour Kis et ses descendants, Jerachmeel. 30 Fils de Mushi: Machli, Eder et Jerimoth.
Voilà les Lévites en fonction de leurs familles. 31 Tout comme les fils d'Aaron, leurs frères, ils eurent eux aussi recours au tirage au sort en présence du roi David, de Tsadok et d’Achimélec ainsi que des chefs de famille des prêtres et des Lévites. Il en alla de même pour chaque chef de maison comme pour le plus petit de ses frères.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Version Segond 21 Copyright © 2007 Société Biblique de Genève by Société Biblique de Genève
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
