1 Cronica 24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Gawain ng mga Pari
24 Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron:
Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar. 2 Pero unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari. 3 Sa tulong nina Zadok na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin. 4 Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa 16 na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar. 5 Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, kaya may mga opisyal ng templo na naglilingkod sa Dios mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.
6 Si Shemaya na anak ni Netanel na Levita ang kalihim. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Zadok na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.
7 Ang unang nabunot ay si Jehoyarib,
ang ikalawa ay si Jedaya,
8 ang ikatlo ay si Harim,
ang ikaapat ay si Seorim,
9 ang ikalima ay si Malkia,
ang ikaanim ay si Mijamin,
10 ang ikapito ay si Hakoz,
ang ikawalo ay si Abijah,
11 ang ikasiyam ay si Jeshua,
ang ikasampu ay si Shecania,
12 ang ika-11 ay si Eliashib,
ang ika-12 ay si Jakim,
13 ang ika-13 ay si Huppa,
ang ika-14 ay si Jeshebeab,
14 ang ika-15 ay si Bilga,
ang ika-16 ay si Imer,
15 ang ika-17 ay si Hezir,
ang ika-18 ay si Hapizez,
16 ang ika-19 ay si Petahia,
ang ika-20 ay si Jehezkel,
17 ang ika-21 ay si Jakin,
ang ika-22 ay si Gamul,
18 ang ika-23 ay si Delaya,
at ang ika-24 ay si Maazia.
19 Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa templo ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Dios ng Israel.
Ang mga Pinuno ng mga Pamilya ng mga Levita
20 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi:
Mula sa angkan ni Amram: si Shubael.
Mula sa angkan ni Shubael: si Jedeya.
21 Mula sa angkan ni Rehabia: si Ishia, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya.
22 Mula sa angkan ni Izar: si Shelomot.
Mula sa angkan ni Shelomot: si Jahat.
23 Mula sa angkan ni Hebron: si Jeria ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jekameam ang ikaapat.
24 Mula sa angkan ni Uziel: si Micas.
Mula sa angkan ni Micas: si Shamir.
25 Mula sa angkan ni Ishia na kapatid na lalaki ni Micas: si Zacarias.
26 Mula sa angkan ni Merari: sina Mahli at Mushi.
Mula sa angkan ni Jaazia: si Beno.
27 Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazia: sina Beno, Shoham, Zacur at Ibri.
28 Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.
29 Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.
30 Mula sa angkan ni Mushi: sina Mahli, Eder at Jerimot.
Iyon ang mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya. 31 Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila para malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.
1 Kronika 24
Bíbélì Mímọ́ Yorùbá Òde Òn
Pínpín àwọn àlùfáà
24 Àwọn wọ̀nyí sì ni pínpín àwọn ọmọ Aaroni:
Àwọn ọmọ Aaroni ni Nadabu, Abihu, Eleasari àti Itamari. 2 Ṣùgbọ́n Nadabu àti Abihu kú kí ó tó di wí pé baba wọn kú, wọn kò sì ní àwọn ọmọ; bẹ́ẹ̀ ni Eleasari àti Itamari sì ṣe gẹ́gẹ́ bí àlùfáà. 3 Pẹ̀lú ìrànlọ́wọ́ Sadoku ọmọ Eleasari àti Ahimeleki ọmọ Itamari, Dafidi sì yà wọ́n nípa nínú ìpín fún ìyàsọ́tọ̀ àwọn iṣẹ́ ìsìn wọn. 4 A rí ọ̀pọ̀ àwọn olórí lára àwọn ọmọ Eleasari ju lára àwọn ọmọ Itamari lọ, wọ́n sì pín wọn lẹ́sẹ lẹ́sẹ: mẹ́rìn-dínlógún olórí láti ìdílé ọmọ Eleasari ìran wọn àti olórí méjọ ìdílé láti ara àwọn ọmọ Itamari. 5 Wọ́n sì pín wọn láìṣègbè nípa yíya ìpín, nítorí àwọn olórí ibi mímọ́ àti àwọn olórí ilé Ọlọ́run wà láàrín àwọn ọmọ méjèèjì Eleasari àti Itamari.
6 Ṣemaiah ọmọ Netaneli, akọ̀wé ọ̀kan lára àwọn ọmọ Lefi sì kọ orúkọ wọn níwájú ọba àti àwọn ìjòyè: Sadoku àlùfáà, Ahimeleki ọmọ Abiatari àti olórí ìdílé àwọn àlùfáà tí a mú láti ọ̀dọ̀ Eleasari àti ọ̀kan láti ọ̀dọ̀ Itamari.
7 Ìpín èkínní jáde sí Jehoiaribu,
èkejì sí Jedaiah,
8 Ẹlẹ́kẹta sì ni Harimu,
ẹ̀kẹrin sì ní Ṣeorimu,
9 Ẹ̀karùnún sì ni Malkiah,
ẹlẹ́kẹfà sì ni Mijamini,
10 Èkeje sì ni Hakosi,
ẹlẹ́kẹjọ sí ni Abijah,
11 Ẹ̀kẹsànán sì ni Jeṣua,
ẹ̀kẹwàá sì ni Ṣekaniah,
12 Ẹ̀kọkànlá sì ni Eliaṣibu,
ẹlẹ́kẹjìlá sì ni Jakimu,
13 Ẹ̀kẹtàlá sì ni Hupa,
ẹlẹ́kẹrìnlá sì ni Jeṣebeabu,
14 Ẹ̀kẹdógún sì ni Bilgah,
ẹ̀kẹrìn-dínlógún sì ni Immeri
15 Ẹ̀kẹtà-dínlógún sì ni Hesiri,
èkejì-dínlógún sì ni Hafisesi,
16 Ẹ̀kọkàndínlógún sì ni Petahiah,
ogún sì ni Jeheskeli,
17 Ẹ̀kọkànlélógún sì ni Jakini,
ẹ̀kẹrìnlélógún sì ni Gamuli,
18 Ẹ̀kẹtàlélógún sì ni Delaiah,
ẹ̀kẹrìnlélógún sì ni Maasiah.
19 Àwọn wọ̀nyí ni a yàn fún iṣẹ́ ìsìn nígbà tí wọ́n wọ ilé Olúwa, gẹ́gẹ́ bí ìlànà àti àṣẹ tí a ti fi fún wọn láti ọwọ́ baba ńlá wọn Aaroni gẹ́gẹ́ bí Olúwa, Ọlọ́run Israẹli, tí pàṣẹ fun un.
Ìyókù nínú àwọn ọmọ Lefi
20 Ìyókù àwọn ọmọ Lefi:
Láti ọ̀dọ̀ àwọn ọmọ Amramu: Ṣubaeli
láti ọ̀dọ̀ àwọn ọmọ Ṣubueli; Jehdeiah.
21 Àti gẹ́gẹ́ bí Rehabiah, láti ọ̀dọ̀ àwọn ọmọ Rehabiah, Iṣiah sì ni alákọ́kọ́.
22 Láti ọ̀dọ̀ àwọn ọmọ Isari: Ṣelomiti;
láti ọ̀dọ̀ àwọn ọmọ Ṣelomoti: Jahati.
23 Àwọn ọmọ Hebroni:
Jeriah alákọ́kọ́, Amariah ẹlẹ́kejì, Jahasieli ẹlẹ́kẹta àti Jekameamu ẹlẹ́kẹrin.
24 Àwọn ọmọ Usieli: Mika;
nínú àwọn ọmọ Mika: Ṣamiri.
25 Àwọn arákùnrin Mika: Iṣi;
nínú àwọn ọmọ Iṣiah: Sekariah.
26 Àwọn ọmọ Merari: Mahili àti Muṣi.
Àwọn ọmọ Jaasiah: Beno.
27 Àwọn ọmọ Merari:
Láti Jaasiah: Beno, Ṣohamu, Sakkuri àti Ibri.
28 Láti Mahili: Eleasari, ẹni tí kò ni àwọn ọmọ.
29 Láti Kiṣi: Àwọn ọmọ Kiṣi: Jerahmeeli.
30 Àti àwọn ọmọ Muṣi: Mahili, Ederi àti Jerimoti.
Èyí ni àwọn ọmọ Lefi, gẹ́gẹ́ bí ìdílé wọn.
31 Wọ́n sì ṣé kèké gẹ́gẹ́ bí àwọn arákùnrin wọn àwọn ọmọ Aaroni ṣe ṣẹ́, níwájú ọba Dafidi àti Sadoku, Ahimeleki, àti olórí ìdílé àwọn àlùfáà àti àwọn ọmọ Lefi. Àwọn ìdílé àgbàgbà arákùnrin wọ́n sì ṣe bẹ́ẹ̀ lórí àwọn arákùnrin wọn kéékèèkéé.
1 Cronica 24
Ang Biblia (1978)
Ang pagkakabahagi ng mga anak ni Aaron.
24 At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. (A)Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.
2 Nguni't si (B)Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya't si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote.
3 At si David na kasama ni (C)Sadoc sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar, ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod.
4 At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar: at ganito nila binahagi: sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim, na mga pangulo (D)sa mga sangbahayan ng mga magulang; at sa mga anak ni Ithamar, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, walo.
5 Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng (E)sapalaran, ng isa't isa sa kanila; sapagka't may mga prinsipe sa santuario, at mga prinsipe ng Dios, sa mga anak ni Eleazar, at gayon din sa mga anak ni Ithamar.
6 At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar.
7 Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib, ang ikalawa'y kay Jedaia;
8 Ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;
9 Ang ikalima ay kay Malchias, ang ikaanim ay kay Miamim;
10 Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias;
11 Ang ikasiyam ay kay Jesua, ang ikasangpu ay kay Sechania;
12 Ang ikalabing isa ay kay Eliasib, ang ikalabing dalawa ay kay Jacim;
13 Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa, ang ikalabing apat ay kay Isebeab;
14 Ang ikalabing lima ay kay Bilga, ang ikalabing anim ay kay Immer;
15 Ang ikalabing pito ay kay Hezir, ang ikalabing walo ay kay Aphses;
16 Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia, ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel;
17 Ang ikadalawangpu't isa ay kay Jachin, ang ikadalawangpu't dalawa ay kay Hamul;
18 Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Delaia, ang ikadalawangpu't apat ay kay Maazia.
19 Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, (F)upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
Ang iba pang mga anak ni Levi.
20 At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.
21 Kay Rehabia: sa mga anak ni Rehabia, si Isias ang pinuno.
22 Sa mga Isharita, si (G)Selomoth; sa mga anak ni Selomoth, si Jath.
23 At sa mga anak ni (H)Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.
24 Ang mga anak ni Uzziel; si Micha; sa mga anak ni (I)Micha, si Samir.
25 Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias.
26 (J)Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno.
27 Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri.
28 Kay Mahali: si Eleazar, (K)na hindi nagkaanak.
29 Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel.
30 At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
31 Ang mga ito nama'y (L)nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Copyright: Bíbélì Mímọ́ ní Èdè Yorùbá Òde-Òní Ẹ̀tọ́ àdàkọ © 2009, 2017 by Biblica, Inc. A lò ó nípa ìgbàyọ̀ǹda láti ọwọ́ Bíbílíkà Inc. Ààbò lórí ẹ̀tọ́ àdàkọ yìí múlẹ̀ jákèjádò àgbáyé. Yoruba Contemporary Bible Copyright © 2009, 2017 by Biblica, Inc.® Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
