Add parallel Print Page Options

Ang Lahi ni Juda

Ito ang mga anak ni Jacob: Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulun, Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad, at Asher. Ang mga anak ni Juda kay Bat-sua na isang Canaanita ay sina Er, Onan at Sela. Ang panganay niyang si Er ay naging masama sa paningin ni Yahweh kaya ito'y pinatay. Sina Peres at Zera naman ang naging mga anak niya kay Tamar na kanyang manugang, kaya limang lahat ang anak ni Juda.

Ang mga anak ni Peres ay sina Hezron at Hamul. Ang kay Zera naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Darda. Limang lahat ang naging anak ni Zera. Anak(A) ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan,[a] ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Israel dahil sa paglabag sa utos ng Diyos na may kinalaman sa mga bagay na itinakdang wasakin. Si Azarias naman ay anak ni Etan.

Ang Angkan na Pinagmulan ni David

Ang mga anak ni Hezron ay tatlo: sina Jerameel, Ram at Caleb. 10 Anak ni Ram si Aminadab na ama ni Naason, isang pinuno sa lipi ni Juda. 11 Anak ni Naason si Salma na ama naman ni Boaz. 12 Si Boaz ang ama ni Obed na ama naman ni Jesse. 13 Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, pangalawa si Abinadab at si Simea ang pangatlo. 14 Ang pang-apat ay si Netanel, panglima si Radai, 15 pang-anim si Ozem at pampito si David. 16 Dalawa ang kapatid nilang babae: sina Zervias at Abigail. Tatlo ang anak ni Zervias: sina Abisai, Joab at Asahel. 17 Ang anak naman ni Abigail ay si Amasa na ang ama ay si Jeter na isang Ismaelita.

Ang Lahi ni Hezron

18 Si Caleb na anak ni Hezron ay nagkaanak ng isang babae kay Azuba na ang pangalan ay Jeriot. Ang mga anak niyang lalaki ay sina Jeser, Sobab at Ardon. 19 Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata, at naging anak nila si Hur. 20 Si Hur ang ama ni Uri na siya namang ama ni Bezalel.

21 Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Gilead. Naging anak niya si Segub 22 na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ni Gilead. 23 Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang mga Nayon ni Jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa angkan ni Maquir na ama ni Gilead. 24 Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb si Efrata na biyuda ng kanyang ama, at naging anak nila si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa.

Ang Lahi ni Jerameel

25 Ito ang mga anak ni Jerameel, ang panganay ni Hezron: sina Ram, Buna, Orem, Ozem at Ahias. 26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na Atara ang pangalan; siya ang ina ni Onam. 27 Ang panganay na anak ni Jerameel ay si Ram, at sina Maaz, Jamin at Equer ang mga anak nito. 28 Mga anak ni Onam sina Samai at Jada. Ang mga anak naman ni Samai ay sina Nadab at Abisur. 29 Asawa ni Abisur si Abihail at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid. 30 Mga anak ni Nadab sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak. 31 Anak ni Apaim si Isi at ang kay Isi naman ay si Sesan na ama ni Ahlai. 32 Ang mga anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay na walang anak si Jeter. 33 Ang mga anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga anak at salinlahi ni Jerameel. 34 Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Jarha ang pangalan. 35 Ipinakasal niya ito sa kanyang anak na dalaga at naging anak nila si Atai. 36 Si Atai ang ama ni Natan na ama naman ni Zabad. 37 Si Zabad ang ama ni Eflal na ama ni Obed. 38 Si Obed ang ama ni Jehu na ama naman ni Azarias. 39 Si Azarias ang ama ni Helez na ama ni Eleasa. 40 Si Eleasa ang ama ni Sismai na ama naman ni Sallum. 41 Si Sallum ang ama ni Jecamias na ama ni Elisama.

Ang Lahi ni Caleb

42 Ang anak na panganay ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Si Zif ay ama ni Maresa at anak naman ni Maresa si Hebron. 43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem at Sema. 44 Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam, at si Requem naman ang ama ni Samai. 45 Ang anak ni Samai ay si Maon na ama naman ni Beth-sur. 46 Naging asawang-lingkod ni Caleb si Efa, at nagkaanak sila ng tatlo: sina Haran, Moza at Gasez. Gasez din ang ngalan ng naging anak ni Haran. 47 Ang mga anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf. 48 Kay Maaca, isa pang asawang-lingkod ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa: sina Seber at Tirhana. 49 Naging anak niya rito si Saaf na ama ni Madmana at si Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang babaing anak ni Caleb ay si Acsa.

50 Ito ang angkan ni Caleb: si Hur ang panganay na anak niya kay Efrata. Naging anak naman ni Hur sina Sobal na nagtatag ng Lunsod ng Jearim, 51 si Salma na nagtatag ng Bethlehem at si Haref na nagtatag ng Beth-gader. 52 Si Sobal ang ama ni Haroe, ang pinagmulan ng kalahati ng Menuho. 53 Kay Sobal din nagmula ang ilang angkang nanirahan sa Lunsod ng Jearim tulad ng mga Itrita, mga Putita, mga Sumatita, mga Misraita, mga Zorita at mga Estaolita. 54 Ang mga angkan naman ni Salma na nagtatag ng Bethlehem ay ang Netofatita, Atrot-bet-joab, at ang kalahati ng mga Manahatita at Zorita. 55 Ang angkan ng mga eskriba na tumira sa Jabes ay ang mga Tiratita, Simatita at Sucatita. Ito ang mga Kenita buhat sa Hamat, ang pinagmulan ng angkan ni Recab.

Footnotes

  1. 1 Cronica 2:7 ACAN: Sa tekstong Hebreo ay “Acar” ang nakasulat, na ang ibig sabihin ay “kapahamakan”.

Mga anak ni Hesron.

Ito ang mga anak ni Israel: (A)si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda, at si Issachar, at si Zabulon;

Si Dan, si Jose, at si Benjamin, si Neftali, si Gad at si Aser.

(B)Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya.

At ipinanganak sa kaniya ni (C)Thamar na kaniyang manugang na babae si Phares at si Zara. Lahat na anak ni Juda ay lima.

Ang mga anak ni Phares: si Hesron at si Hamul.

At ang mga anak ni Zara: si Zimri, at si Ethan, at si Heman, at si Calcol, at si Darda: lima silang lahat.

At ang mga anak ni Carmi: si Achar, na mangbabagabag ng Israel, na (D)gumawa ng pagsalangsang sa itinalagang bagay.

At ang mga anak ni Ethan: si Azaria.

Ang mga anak naman ni Hesron, na mga ipinanganak sa kaniya: si Jerameel, at (E)si Ram, at si Chelubai.

10 At naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Nahason, na prinsipe ng mga anak ng Juda;

11 At naging anak ni Nahason si (F)Salma, at naging anak ni Salma si (G)Booz;

12 At naging anak ni Booz si Obed, at naging anak ni Obed si Isai;

13 At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si (H)Eliab, at si Abinadab ang ikalawa, at si Sima ang ikatlo;

14 Si Nathanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;

15 Si Osem ang ikaanim, si (I)David ang ikapito:

16 At (J)ang kanilang mga kapatid na babae si Sarvia at si Abigail. At ang mga naging anak ni Sarvia; si Abisai, at si Joab, at si Asael, tatlo.

17 (K)At ipinanganak ni Abigail si Amasa: at ang ama ni Amasa ay si Jether na Ismaelita.

18 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth: at ang mga ito ang kaniyang mga anak: si Jeser, at si Sobad, at si Ardon.

19 At namatay si Azuba, at nagasawa si Caleb kay Ephrata, na siyang nanganak kay Hur sa kaniya.

20 At naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.

21 At pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Machir na ama ni Galaad; na siya niyang naging asawa, nang siya'y may anim na pung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kaniya.

22 At naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawang pu't tatlong bayan sa lupain ng Galaad.

23 At sinakop ni Gesur at ni Aram (L)ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ng Cenath, at ang mga nayon niyaon, sa makatuwid baga'y anim na pung bayan. Lahat ng ito'y mga anak ni Machir na ama ni Galaad.

24 At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-ephrata ay ipinanganak nga ni Abia na asawa ni Hesron sa kaniya si Ashur na ama ni Tecoa.

Ang mga anak ni Juda:—ni Jerameel; ni Caleb; at ni David.

25 At ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram ang panganay, at si Buna, at si Orem, at si Osem, si Achia.

26 At si Jerameel ay nagasawa ng iba, na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.

27 At ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay si Maas, at si Jamin, at si Acar.

28 At ang mga anak ni Onam ay si Sammai, at si Jada. At ang mga anak ni Sammai: si Nadab, at si Abisur.

29 At ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kaniya si Aban, at si Molib.

30 At ang mga anak ni Nadab: si Seled, at si Aphaim: nguni't si Seled ay namatay na walang anak.

31 At ang mga anak ni Aphaim: si Isi. At ang mga anak ni Isi; si Sesan. (M)At ang mga anak ni Sesan: si Alai.

32 At ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Sammai: si Jether, at si Jonathan: at si Jether ay namatay na walang anak.

33 At ang mga anak ni Jonathan: si Peleth, at si Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.

34 Si Sesan nga ay hindi nagkaanak ng mga lalake, kundi mga babae. At si Sesan ay may isang alipin na taga Egipto, na ang pangalan ay Jarha.

35 At pinapagasawa ni Sesan ang kaniyang anak na babae kay Jarha na kaniyang alipin at ipinanganak niya si Athai sa kaniya.

36 At naging anak ni Athai si Nathan, at naging anak ni Nathan si Zabad;

37 At naging anak ni Zabad si Ephlal, at naging anak ni Ephlal, si Obed.

38 At naging anak ni Obed si Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias;

39 At naging anak ni Azarias si Heles, at naging anak ni Heles si Elasa;

40 At naging anak ni Elasa si Sismai, at naging anak ni Sismai si Sallum;

41 At naging anak ni Sallum si Jecamia, at naging anak ni Jecamia si Elisama.

42 At ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay, na siyang ama ni Ziph; at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron.

43 At ang mga anak ni Hebron: si Core, at si Thaphua, at si Recem, at si Sema.

44 At naging anak ni Sema si Raham, na ama ni Jorcaam; at naging anak ni Recem si Sammai.

45 At ang anak ni Sammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Beth-zur.

46 At ipinanganak ni Epha, na babae ni Caleb, si Haran, at si Mosa, at si Gazez: at naging anak ni Haran si Gazez.

47 At ang mga anak ni Joddai: si Regem, at si Jotham, at si Gesan, at si Pelet, at si Epha, at si Saaph.

48 Ipinanganak ni Maacha, na babae ni Caleb, si Sebet, at si Thirana.

49 Ipinanganak din niya si Saaph na ama ni Madmannah, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Ghiba; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acha.

50 Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay (N)ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;

51 Si Salma na ama ni Beth-lehem, si Hareph na ama ni Beth-gader.

52 At si Sobal na ama ni Chiriath-jearim ay nagkaanak; si Haroeh, na kalahati ng mga Manahethita.

53 At ang mga angkan ni Chiriathjearim: ang mga Ithreo, at ang mga Phuteo, at ang mga Samateo, at ang mga Misraiteo; na mula sa kanila ang mga Soratita at ang mga Estaolita.

54 Ang mga anak ni Salma: ang Beth-lehem, at ang mga Netophatita, ang Atroth-beth-joab, at ang kalahati ng mga Manahethita, ang mga Soraita.

55 At ang mga angkan ng mga kalihim na nagsisitahan sa Jabes: ang mga Thiratheo, ang mga Simatheo, at ang mga Sucatheo. Ito (O)ang mga Cineo, na nagsipagmula kay Hamath, na ama ng (P)sangbahayan ni Rechab.

Ang mga Anak ni Israel

Ito ang mga anak ni Israel: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zebulon;

Dan, Jose, Benjamin, Neftali, Gad at Aser.

Ang mga anak ni Juda ay sina Er, Onan, at Shela na ang tatlong ito ay isinilang sa kanya ni Batsua na Cananea. Si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya ito.

At ipinanganak sa kanya ni Tamar na kanyang manugang na babae si Perez at si Zera. Lima lahat ang anak na lalaki ni Juda.

Ang mga anak na lalaki ni Perez ay sina Hesron at Hamul.

Ang mga anak na lalaki ni Zera ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol, at Dara;[a] lima silang lahat.

Ang(A) mga anak na lalaki ni Carmi ay sina Acar, ang nanggulo sa Israel, na lumabag tungkol sa itinalagang bagay.

Ang anak ni Etan ay si Azarias.

Ang mga anak naman ni Hesron, na isinilang sa kanya ay sina Jerameel, Ram, at Celubai.

10 Naging anak ni Ram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naashon, na pinuno ng mga anak ni Juda;

11 naging anak ni Naashon si Salma, at naging anak ni Salma si Boaz;

12 naging anak ni Boaz si Obed, at naging anak ni Obed si Jesse;

13 naging anak ni Jesse ang kanyang panganay na si Eliab, si Abinadab ang ikalawa, si Shimea ang ikatlo;

14 si Natanael ang ikaapat, si Radai ang ikalima;

15 si Osem ang ikaanim, si David ang ikapito.

16 At ang kanilang mga kapatid na babae ay sina Zeruia at Abigail. Ang mga naging anak ni Zeruia ay sina Abisai, Joab, at Asahel, tatlo.

17 Ipinanganak ni Abigail si Amasa; at ang ama ni Amasa ay si Jeter na Ismaelita.

18 At nagkaanak si Caleb na anak ni Hesron kay Azuba na asawa niya, at kay Jerioth. Ang mga ito ang kanyang mga anak: sina Jeser, Sobad, at Ardon.

19 Nang mamatay si Azuba, nag-asawa si Caleb kay Efrata, na siyang nagsilang kay Hur sa kanya.

20 Naging anak ni Hur si Uri, at naging anak ni Uri si Bezaleel.

21 Pagkatapos ay sumiping si Hesron sa anak na babae ni Makir na ama ni Gilead, na siya niyang naging asawa nang siya'y may animnapung taong gulang; at ipinanganak niya si Segub sa kanya.

22 Naging anak ni Segub si Jair, na nagkaroon ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ng Gilead.

23 Ngunit sinakop ni Geshur at ni Aram ang mga bayan ni Jair sa kanila, pati ang Kenat, at ang mga nayon niyon, samakatuwid baga'y animnapung lunsod. Lahat ng ito'y mga anak ni Makir na ama ni Gilead.

24 At pagkamatay ni Hesron sa Caleb-efrata ay ipinanganak ni Abias na asawa ni Hesron si Ashur na ama ni Tekoa.

Ang mga Anak nina Juda, Jerameel, Caleb at David

25 Ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram, ang panganay, at sina Buna, Orem, Osem, at Ahias.

26 Si Jerameel ay may iba pang asawa na ang pangalan ay Atara; siya ang ina ni Onam.

27 Ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay sina Maas, Jamin, at Eker.

28 Ang mga anak ni Onam ay sina Shammai, at Jada. Ang mga anak ni Shammai ay sina Nadab, at Abisur.

29 Ang pangalan ng asawa ni Abisur ay Abihail; at ipinanganak niya sa kanya sina Aban, at Molid.

30 Ang mga anak ni Nadab ay sina Seled, at Afaim. Ngunit si Seled ay namatay na walang anak.

31 Ang anak[b] ni Afaim ay si Ishi. At ang anak[c] ni Ishi ay si Sesan. Ang anak[d] ni Sesan ay si Alai.

32 Ang mga anak ni Jada, na kapatid ni Shammai ay sina Jeter at Jonathan. Si Jeter ay namatay na walang anak.

33 Ang mga anak ni Jonathan ay sina Pelet, at Zaza. Ito ang mga anak ni Jerameel.

34 Si Sesan ay hindi nagkaanak ng mga lalaki, kundi mga babae. Si Sesan ay may isang alipin na taga-Ehipto, na ang pangalan ay Jarha.

35 At pinapag-asawa ni Sesan ang kanyang anak na babae kay Jarha na kanyang alipin at naging anak nila ni Jarha si Attai.

36 Si Attai ang ama ni Natan, at naging anak ni Natan si Zabad;

37 si Zabad ang ama ni Eflal, at naging anak ni Eflal si Obed.

38 Si Obed ang ama ni Jehu, at naging anak ni Jehu si Azarias.

39 Si Azarias ang ama ni Heles, at naging anak ni Heles si Elesa.

40 Si Elesa ang ama ni Sismai, at naging anak ni Sismai si Shallum.

41 Si Shallum ang ama ni Jekamias, at naging anak ni Jekamias si Elisama.

42 Ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesha na kanyang panganay, na siyang ama ni Zif. Ang kanyang anak ay si Maresha[e] na ama ni Hebron.[f]

43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Kora, Tapua, Rekem, at Shema.

44 Si Shema ang ama ni Raham, na ama ni Jokneam; at naging anak ni Rekem si Shammai.

45 Ang anak ni Shammai ay si Maon; at si Maon ay ama ni Bet-zur.

46 At ipinanganak ni Efa, na asawang-lingkod ni Caleb, sina Haran, Mosa, at Gazez; at naging anak ni Haran si Gazez.

47 Ang mga anak ni Joddai ay sina Regem, Jotam, Gesan, Pelet, Efa, at Saaf.

48 Ipinanganak ni Maaca, na asawang-lingkod ni Caleb, sina Sebet, at Tirana.

49 Ipinanganak din niya si Saaf na ama ni Madmana, si Seva na ama ni Macbena, at ang ama ni Gibea; at ang anak na babae ni Caleb ay si Acsa.

50 Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Efrata: si Sobal na ama ni Kiryat-jearim;

51 si Salma na ama ni Bethlehem, si Haref na ama ni Betgader.

52 At si Sobal na ama ni Kiryat-jearim ay nagkaroon ng iba pang mga anak na lalaki: si Haroe, na kalahati ng mga Menuhot.

53 At ang mga angkan ni Kiryat-jearim: ang mga Itreo, mga Futeo, at ang mga Sumateo, at ang mga Misraiteo; mula sa kanila ang mga Soratita at mga Estaolita.

54 Ang mga anak ni Salma: ang Bethlehem, ang mga Netofatita, ang Atrot-betjoab, at ang kalahati ng mga Manahetita, ang mga Soraita.

55 At ang mga angkan ng mga eskriba na naninirahan sa Jabez: ang mga Tirateo, mga Shimateo, at ang mga Sucateo. Ito ang mga Kineo na nagmula kay Hamat na ama ng sambahayan ni Recab.

Footnotes

  1. 1 Cronica 2:6 o Darda .
  2. 1 Cronica 2:31 Sa Hebreo ay mga anak .
  3. 1 Cronica 2:31 Sa Hebreo ay mga anak .
  4. 1 Cronica 2:31 Sa Hebreo ay mga anak .
  5. 1 Cronica 2:42 o Mesha .
  6. 1 Cronica 2:42 Sa Hebreo ay ang ama ni Hebroa .
'1 Paralipomeno 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.