1 Paralipomeno 15:16-18
Ang Dating Biblia (1905)
16 At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.
17 Sa gayo'y inihalal ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid ay si Ethan na anak ni Cusaias;
18 At kasama nila, ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay, si Zacharias, si Ben, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, si Eliab, at si Benaias, at si Maasias, at si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, na mga tagatanod-pinto.
1 Cronica 15:16-18
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Inutusan ni David ang mga pinuno ng mga Levita na pumili ng mang-aawit mula sa kapwa nila Levita, sa pag-awit ng masasayang awitin na tinugtugan ng mga lira, alpa at pompyang. 17 Kaya pinili ng mga Levita si Heman na anak ni Joel, si Asaf na anak ni Berekia, at si Etan na anak ni Kusaya na mula sa angkan ni Merari. 18 Ang piniling tutulong sa kanila ay ang mga kamag-anak nilang sina Zacarias, Jaaziel, Shemiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Benaya, Maaseya, Matitia, Elifelehu, Mikneya, at ang mga guwardya ng pintuan ng Tolda na sina Obed Edom at Jeyel.
1 Cronica 15:16-18
Ang Biblia (1978)
Ang kaban ay dinala ng mga Levita sa Jerusalem.
16 At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.
17 Sa gayo'y inihalal ng mga Levita (A)si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid (B)ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid (C)ay si Ethan na anak ni Cusaias;
18 At kasama nila, ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay, si Zacharias, si Ben, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, si Eliab, at si Benaias, at si Maasias, at si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, na mga tagatanod-pinto.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978