Print Page Options

Ang sangbahayan ni David.

14 At si (A)Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng mga sugo kay David, at nagpadala ng mga puno ng sedro, at mga mananabas ng bato, at mga anluwagi, upang ipagtayo siya ng bahay.

At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel; sapagka't ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas, dahil sa kaniyang bayang Israel.

At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem: at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae.

At (B)ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: si Smua, at si Sobab, si Nathan, at si Salomon.

At si Ibhar, at si Elisua, at si Elphelet;

At si Noga, at si Nepheg, at si Japhias;

At si Elisama, at si (C)Beeliada, at si Eliphelet.

At (D)nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay pinahiran ng langis na maging hari sa buong Israel, ay nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David: at nabalitaan ni David, at nilabas sila.

Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim.

10 At si David ay sumangguni sa Dios, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? at iyo bang ibibigay sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka: sapagka't aking ibibigay sila sa iyong kamay.

11 Sa gayo'y nagsiahon sila sa Baalperasim, at sinaktan sila ni David doon; at sinabi ni David, Nilansag ng Dios ang aking mga kaaway na gaya ng baha ng tubig. Kaya't kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim.

12 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga dios; at nagutos si David, at (E)sinunog sa apoy ang mga yaon.

13 At nanganamsam pa uli ang mga Filisteo sa libis.

14 At si David ay sumangguni uli sa Dios; at sinabi ng Dios sa kaniya, Huwag kang aahong kasunod nila; lihisan mo sila, at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales.

15 At mangyayari, na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay lalabas sa pakikipagbaka: sapagka't ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.

16 At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios: at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo (F)mula sa Gabaon hanggang sa Gezer.

17 At ang kabantugan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain; at sinidlan ng Panginoon ng (G)takot sa kaniya ang lahat na bansa.

Ang Sambahayan ni David(A)

14 Si Hiram na hari ng Tiro ay nagpadala ng mga sugo kay David, at ng mga puno ng sedro, mga tagatapyas ng bato at mga karpintero upang ipagtayo siya ng bahay.

At nabatid ni David na itinatag siya ng Panginoon bilang hari ng Israel, at ang kanyang kaharian ay itinaas nang mataas alang-alang sa kanyang bayang Israel.

Si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem. Si David ay nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

Ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: sina Samua, Sobab, Natan, Solomon,

sina Ibhar, Elisua, Elfelet;

Noga, Nefeg, Jafia;

Elisama, Beeliada, at Elifelet.

Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay binuhusan ng langis upang maging hari sa buong Israel, nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David. Nabalitaan ito ni David at siya'y lumabas laban sa kanila.

Ang mga Filisteo ay dumating at gumawa ng pagsalakay sa libis ng Refaim.

10 At si David ay sumangguni sa Diyos, na nagsasabi, “Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa aking kamay?” At sinabi ng Panginoon sa kanya, “Umahon ka, sapagkat ibibigay ko sila sa iyong kamay.”

11 Kaya't umahon sila sa Baal-perazim[a] at doo'y nagapi sila ni David. At sinabi ni David, “Sinambulat ng Diyos ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng aking kamay na gaya ng sumambulat na baha.” Kaya't kanilang tinawag ang dakong iyon na Baal-perazim.[b]

12 Kanilang iniwan doon ang kanilang mga diyos at ipinag-utos ni David na sunugin ang mga iyon.

13 At muling sumalakay ang mga Filisteo sa libis.

14 Nang si David ay muling sumangguni sa Diyos, sinabi ng Diyos sa kanya, “Huwag kang aahong kasunod nila; lumigid ka at salakayin mo sila sa tapat ng mga puno ng balsamo.

15 Kapag iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng balsamo, ikaw nga ay lalabas sa pakikipaglaban, sapagkat ang Diyos ay humayo sa unahan mo upang lupigin ang hukbo ng mga Filisteo.”

16 Ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kanya ng Diyos; at kanilang pinatay ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gibeon hanggang sa Gezer.

17 At ang katanyagan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain; nilagyan ng Panginoon ng takot sa kanya ang lahat ng mga bansa.

Footnotes

  1. 1 Cronica 14:11 Ang kahulugan ay Panginoon ng Pagsambulat .
  2. 1 Cronica 14:11 Ang kahulugan ay Panginoon ng Pagsambulat .

推罗王助大卫建造宫殿(A)

14 推罗王希兰派使者来见大卫,给他送上香柏木、石匠和木匠,要为他建造宫殿。 那时,大卫知道耶和华已经坚立他作王统治以色列,又为了以色列民的缘故,使他的国高举。

大卫在耶路撒冷所生的儿子(B)

大卫在耶路撒冷又娶了多位妻子,并且生了很多儿女。 以下这些就是他在耶路撒冷所生的孩子的名字:沙母亚、朔罢、拿单、所罗门、 益辖、以利书亚、以法列、 挪迦、尼斐、雅非亚、 以利沙玛、以利雅大和以利法列。

大卫两次战胜非利士人(C)

非利士人听见了大卫受膏作王统治以色列人,就全体上来搜寻大卫;大卫听见了,就出来迎击他们。 非利士人来到,侵进了利乏音谷。 10 大卫求问 神说:“我可以上去攻打非利士人吗?你把他们交在我手里吗?”耶和华对他说:“你可以上去,我必把他们交在你的手里。” 11 非利士人上到巴力.毘拉心来,大卫在那里击败了他们。大卫说:“ 神借着我击溃我的敌人,好象水冲破堤岸一般。”因此他们给那地方起名叫巴力.毘拉心。 12 非利士人把他们的神像遗弃在那里,大卫吩咐人用火把它们烧了。

13 非利士人又再入侵那山谷。 14 大卫又求问 神, 神对他说:“不可在后面追赶他们,要绕过他们,从桑林对面攻打他们。 15 你一听见桑林树梢上有脚步的声音,就要出战,因为 神已经在你前面出去击杀非利士人的军队了。” 16 于是大卫照着 神所吩咐他的去作,他们攻击非利士人的军队,从基遍起,一直攻打到基色。 17 因此大卫的名声传遍各地,耶和华使万国都惧怕他。

'1 Paralipomeno 14 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

14 At si Hiram na hari sa Tiro ay nagsugo ng mga sugo kay David, at nagpadala ng mga puno ng sedro, at mga mananabas ng bato, at mga anluwagi, upang ipagtayo siya ng bahay.

At nahalata ni David na itinatag siyang hari ng Panginoon sa Israel; sapagka't ang kaniyang kaharian ay itinaas ng mataas, dahil sa kaniyang bayang Israel.

At si David ay kumuha pa ng mga asawa sa Jerusalem: at si David ay nagkaanak pa ng mga lalake at mga babae.

At ito ang mga pangalan ng mga naging anak niya sa Jerusalem: si Smua, at si Sobab, si Nathan, at si Salomon.

At si Ibhar, at si Elisua, at si Elphelet;

At si Noga, at si Nepheg, at si Japhias;

At si Elisama, at si Beeliada, at si Eliphelet.

At nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay pinahiran ng langis na maging hari sa buong Israel, ay nagsiahon ang lahat ng Filisteo upang hanapin si David: at nabalitaan ni David, at nilabas sila.

Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nanganamsam sa libis ng Raphaim.

10 At si David ay sumangguni sa Dios, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? at iyo bang ibibigay sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka: sapagka't aking ibibigay sila sa iyong kamay.

11 Sa gayo'y nagsiahon sila sa Baal-perasim, at sinaktan sila ni David doon; at sinabi ni David, Nilansag ng Dios ang aking mga kaaway na gaya ng baha ng tubig. Kaya't kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim.

12 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga dios; at nagutos si David, at sinunog sa apoy ang mga yaon.

13 At nanganamsam pa uli ang mga Filisteo sa libis.

14 At si David ay sumangguni uli sa Dios; at sinabi ng Dios sa kaniya, Huwag kang aahong kasunod nila; lihisan mo sila, at pumaroon ka sa kanila sa tapat ng mga puno ng morales.

15 At mangyayari, na pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay lalabas sa pakikipagbaka: sapagka't ang Dios ay yumaon sa unahan mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.

16 At ginawa ni David kung ano ang iniutos sa kaniya ng Dios: at kanilang sinaktan ang hukbo ng mga Filisteo mula sa Gabaon hanggang sa Gezer.

17 At ang kabantugan ni David ay lumaganap sa lahat ng lupain; at sinidlan ng Panginoon ng takot sa kaniya ang lahat na bansa.