Add parallel Print Page Options

Tungkol sa mga Pagkaing Inialay sa Diyus-diyosan

Tungkol naman sa mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan, alam nating tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapayabang, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatibay. Sinumang nag-aakala na mayroon siyang alam ay hindi pa niya alam ang dapat niyang malaman. Ngunit sinumang umiibig sa Diyos, ang taong ito ay kinikilala ng Diyos. Kaya't tungkol sa pagkain ng mga inialay sa mga diyus-diyosan, alam natin na walang totoong diyos na inilalarawan ng mga diyus-diyosan sa sanlibutan, at walang Diyos maliban sa isa. Sapagkat kahit may tinatawag na mga diyos, sa langit man o sa lupa, gaya ng pagkakaroon ng maraming “mga diyos” at maraming “mga panginoon,” ngunit para sa atin ay may iisang Diyos, ang Ama, na siyang pinagmulan ng lahat ng mga bagay, at para sa kanya tayo'y nabubuhay, at may iisang Panginoon, si Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya, tayo'y nabubuhay.

Subalit hindi lahat ng mga tao ay may ganitong kaalaman. At may ibang nasanay na sa mga diyus-diyosan hanggang ngayon ay kumakain na para bang totoong inialay sa diyus-diyosan ang pagkain, at dahil mahina ang kanilang budhi, inaakala nilang sila'y nadungisan. Ngunit “hindi tayo napapalapit sa Diyos dahil sa pagkain.” Walang nawawala sa atin kung hindi tayo kumain, at wala rin naman tayong napapala kung tayo'y kumain. Ngunit mag-ingat kayo, baka ang kalayaan ninyong ito ay maging sanhi ng pagkakasala ng mahihina. 10 Sapagkat kapag may nakakita sa iyo, ikaw na mayroong alam, na nakikisalo ka sa pagkain sa loob ng templo ng diyus-diyosan, hindi kaya ang kanyang mahinang budhi ay mahikayat na kumain ng mga bagay na inialay sa mga diyus-diyosan? 11 Kaya't sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina; alang-alang sa kapatid na ito ay namatay si Cristo. 12 Sa gayong paraan, dahil sa pagkakasala sa mga kapatid at pagsugat sa kanilang mahinang budhi, ay nagkakasala kayo laban kay Cristo. 13 Kaya't kung ang pagkain ay nagtutulak sa aking kapatid upang magkasala, hinding-hindi na ako kakain ng karne kahit kailan, upang hindi ko maitulak sa pagkakasala ang aking kapatid.

Offer till avgudar

När det sedan gäller kött som har offrats till avgudar, vet vi att vi alla har kunskap. Men kunskap ger högfärd, medan kärleken bygger upp. Den som anser sig veta något, vet ändå inte vad han borde veta. Men den som älskar Gud är känd av honom.

När det gäller frågan om man får äta kött som har offrats till avgudar, så vet vi att en avgud inte är något i världen, och att det bara finns en enda Gud.[a] Även om det finns så kallade gudar, i himlen eller på jorden – och det finns ett stort antal av dessa gudar och herrar – så finns det för oss bara en Gud, Fadern, som är upphovet till allting och i vilken vi lever, och bara en Herre, Jesus Kristus, genom vilken allting och vi själva är till.

Men alla har inte denna kunskap. Några är fortfarande så vana vid avgudar att de äter kött som om det hade offrats till avgudar och orenar så sina egna svaga samveten. Maten för oss inte närmare Gud. Vi blir inte sämre om vi låter bli att äta, och inte heller bättre om vi äter. Men se till att den frihet ni anser er ha inte får en osäker troende att vackla. 10 Om någon med osäkert samvete ser dig, som har kunskapen, äta kött i ett avgudatempel,[b] kan han ju bli styrkt så att han äter offerkött. 11 Genom din kunskap går då en svag troende förlorad, din egen bror eller syster som Kristus har dött för! 12 När ni på det sättet syndar mot era trossyskon och lurar dem att gå emot sina egna osäkra samveten, syndar ni mot Kristus själv. 13 Alltså: Om min mat får min bror eller syster att falla, så avstår jag hellre för evigt från att äta kött, för att inte orsaka någons fall.

Footnotes

  1. 8:4 Paulus verkar dels citera, dels kommentera vissa korinthiers uttryck om avgudar.
  2. 8:10 Man kunde bli inbjuden av sina vänner till en vanlig måltid i templet. Men köttet var alltså offrat till avgudar innan.