1 Corinto 8:1-3
Magandang Balita Biblia
Tungkol sa Pagkaing Inihandog sa Diyus-diyosan
8 Ngayon, ipaliliwanag ko naman sa inyo ang tungkol sa mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan. Alam nating “may kaalaman tayong lahat,” gaya ng sabi ng iba. Ang kaalamang ito ay nagtutulak sa tao na maging mapagmataas, subalit ang pag-ibig ay nakakapagpatatag. 2 Ang nag-aakalang may nalalaman siya ay hindi pa nakakaalam ng dapat niyang malaman. 3 Ngunit ang umiibig sa Diyos ay kilala ng Diyos.
Read full chapter
1 Corinto 8:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Tungkol sa mga Pagkaing Inialay sa Diyus-diyosan
8 Tungkol naman sa mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan, alam nating tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapayabang, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatibay. 2 Sinumang nag-aakala na mayroon siyang alam ay hindi pa niya alam ang dapat niyang malaman. 3 Ngunit sinumang umiibig sa Diyos, ang taong ito ay kinikilala ng Diyos.
Read full chapter
1 Corinto 8:1-3
Ang Biblia, 2001
Tungkol sa mga Pagkaing Inihain sa Diyus-diyosan
8 Ngayon, tungkol sa mga pagkaing inihain sa mga diyus-diyosan: nalalaman natin na tayong lahat ay may kaalaman. Ang kaalaman ay nagpapalaki ng ulo, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatibay.
2 Kung ang sinuman ay nag-aakala na siya'y may nalalamang anuman, hindi pa niya nalalaman ang nararapat niyang malaman;
3 subalit kung ang sinuman ay nagmamahal sa Diyos, ang taong ito ay kilala niya.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.