1 Corinto 5:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Hindi tama ang pagyayabang ninyo. Hindi nʼyo ba alam ang kasabihang, “Ang kaunting pampaalsa ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina”? 7 Kaya alisin ninyo ang lumang pampaalsa na walang iba kundi ang kasalanan, upang maging bago at malinis kayo. Sa katunayan, nilinis na kayo dahil inialay si Cristo para sa atin. Tulad siya ng tupang iniaalay tuwing Pista ng Paglampas ng Anghel. 8 Kaya ipagdiwang natin ang pistang ito hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa kundi ng tinapay na walang pampaalsa, na ang ibig sabihin ay talikuran na natin ang dati nating mga kasalanan at kasamaan, at mamuhay na tayo nang malinis at tapat.
Read full chapter
1 Corinto 5:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Hindi tama ang inyong pagmamalaki. Hindi ba ninyo alam na ang kaunting pampaalsa ay nagpapaalsa sa buong masa? 7 Alisin ninyo ang lumang pampaalsa, upang kayo'y maging bagong masa, na talaga namang kayo'y walang pampaalsa. Sapagkat si Cristo na kordero ng ating paskuwa ay naialay na. 8 Kaya't magdiwang tayo ng pista, nang walang lumang pampaalsa, ni pampaalsa ng maruming pag-iisip at kasamaan. Sa halip, magdiwang tayo nang may tinapay ng kalinisan at katotohanan, isang tinapay na walang pampaalsa.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.