1 Corinto 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Gawain ng mga Apostol
4 Kaya't dapat kaming ituring ng tao bilang mga tagapaglingkod ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. 2 Bukod dito, inaasahan sa mga katiwala na sila'y matagpuang tapat. 3 Ngunit para sa akin ay napakaliit na bagay ang hatulan ninyo ako o ng hukuman ng tao. Ni hindi nga ako humahatol sa aking sarili. 4 Sapagkat wala akong nalalamang anuman laban sa aking sarili, ngunit hindi ibig sabihin nito na ako'y walang sala. Ang humahatol sa akin ay ang Panginoon. 5 Kaya't huwag kayong humatol ng anuman nang wala pa sa takdang panahon, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siyang magdadala ng liwanag ng mga bagay na nakatago sa kadiliman, at magbubunyag sa mga hangarin ng mga puso. Pagkatapos, ang bawat isa ay magkakaroon ng papuri mula sa Diyos.
6 Ang mga bagay na ito, mga kapatid, ay ginamit kong halimbawa sa aking sarili at kay Apolos para sa inyo, upang sa pamamagitan namin ay matutuhan ninyo ito: Huwag lumampas sa mga bagay na nasusulat. Sa gayon, ang sinuman sa inyo ay hindi maging palalò laban sa iba. 7 Sapagkat sino ang nagsasabing naiiba ka? At ano ang mayroon ka na hindi mo tinanggap? At kung tinanggap mo, bakit mo ipinagmamalaki na parang hindi mo ito tinanggap? 8 Nasa inyo na ang lahat ng gusto ninyo! Mayayaman na kayo! Naging mga hari kayo kahit wala kami! Naging hari nga sana kayo upang kami ay naging hari ding kasama ninyo. 9 Sapagkat sa palagay ko, kaming mga apostol ay ipinakita ng Diyos na pinakahuli sa lahat, tulad ng mga taong nahatulan ng kamatayan, sapagkat kami ay naging isang palabas na pinanonood ng sanlibutan, ng mga anghel, at ng mga tao. 10 Kami'y mga hangal dahil kay Cristo! Ngunit kayo'y marurunong kay Cristo. Kami ay mahihina, ngunit kayo'y malalakas! Kayo ay pinararangalan ngunit kami ay hinahamak! 11 Hanggang sa oras na ito ay nagugutom kami, nauuhaw, mga hubad, binubugbog, at mga pagala-gala, 12 at nagpapagod kami sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng sarili naming mga kamay. Kapag kami'y nilalait, gumaganti kami ng pagpapala, kapag pinahihirapan, kami'y nagtitiis; 13 at kapag inaalipusta, magalang kaming sumasagot. Hanggang ngayon ay para kaming mga basura ng daigdig, dumi ng lahat ng mga bagay.
14 Hindi ko isinusulat ang mga ito upang kayo'y hiyain, kundi upang kayo ay pagpayuhan bilang aking mga minamahal na anak. 15 Sapagkat kahit magkaroon pa kayo kay Cristo ng libu-libong mga tagapagturo ay hindi naman marami ang inyong ama; sapagkat kay Cristo Jesus ako ang naging ama ninyo sa pamamagitan ng ebanghelyo. 16 Kaya't nakikiusap ako, tumulad kayo sa akin. 17 Dahil dito, pinapunta ko sa inyo si Timoteo na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siyang magpapaalala sa inyo ng aking pagtalima kay Cristo Jesus[a] katulad ng itinuturo ko sa bawat iglesya sa lahat ng dako. 18 Ngunit may mayayabang na para bang hindi na ako darating sa inyo. 19 Ngunit ako'y darating agad sa inyo, kung loloobin ng Panginoon, at malalaman ko, hindi lamang ang sinasabi ng mga taong nagyayabang diyan, kundi ang kanilang kapangyarihan. 20 Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi sa pananalita lamang, kundi sa kapangyarihan. 21 Ano'ng gusto ninyo? Pumunta ako riyan na may dalang pamalo, o may pagmamahal at may kaamuan?
Footnotes
- 1 Corinto 4:17 Sa ibang manuskrito Cristo; sa iba, Panginoong Jesus.
1 Corinthians 4
New International Reader's Version
True Apostles of Christ
4 So here is how you should think of us. We serve Christ. We are trusted with the mysteries God has shown us. 2 Those who have been given a trust must prove that they are faithful. 3 I care very little if I am judged by you or by any human court. I don’t even judge myself. 4 I don’t feel I have done anything wrong. But that doesn’t mean I’m not guilty. The Lord judges me. 5 So don’t judge anything before the appointed time. Wait until the Lord returns. He will bring to light what is hidden in the dark. He will show the real reasons why people do what they do. At that time each person will receive their praise from God.
6 Brothers and sisters, I have used myself and Apollos as examples to help you. You can learn from us the meaning of the saying, “Don’t go beyond what is written.” Then you won’t be proud that you follow one of us instead of the other. 7 Who makes you different from anyone else? What do you have that you did not receive? And if you did receive it, why do you brag as though you did not?
8 You already have everything you want, don’t you? Have you already become rich? Have you already begun to rule? And did you do that without us? I wish that you really had begun to rule. Then we could also rule with you! 9 It seems to me that God has put us apostles on display at the end of a parade. We are like people sentenced to die in front of a crowd. We have been made a show for the whole creation to see. Angels and people are staring at us. 10 We are fools for Christ. But you are so wise in Christ! We are weak. But you are so strong! You are honored. But we are looked down on! 11 Up to this very hour we are hungry and thirsty. We are dressed in rags. We are being treated badly. We have no homes. 12 We work hard with our own hands. When others curse us, we bless them. When we are attacked, we put up with it. 13 When others say bad things about us, we answer with kind words. We have become the world’s garbage. We are everybody’s trash, right up to this moment.
Paul Warns Against Pride
14 I am not writing this to shame you. You are my dear children, and I want to warn you. 15 Suppose you had 10,000 believers in Christ watching over you. You still wouldn’t have many fathers. I became your father by serving Christ Jesus and telling you the good news. 16 So I’m asking you to follow my example. 17 That’s the reason I have sent Timothy to you. He is like a son to me, and I love him. He is faithful in serving the Lord. He will remind you of my way of life in serving Christ Jesus. And that agrees with what I teach everywhere in every church.
18 Some of you have become proud. You act as if I weren’t coming to you. 19 But I will come very soon, if that’s what the Lord wants. Then I will find out how those proud people are talking. I will also find out what power they have. 20 The kingdom of God is not a matter of talk. It is a matter of power. 21 Which do you want? Should I come to you to correct and punish you? Or should I come in love and with a gentle spirit?
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Copyright © 1995, 1996, 1998, 2014 by Biblica, Inc.®. Used by permission. All rights reserved worldwide.