1 Corinto 4:16-18
Ang Dating Biblia (1905)
16 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, na kayo'y maging mga tagatulad sa akin.
17 Dahil dito'y aking sinugo sa inyo si Timoteo, na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siya ang sa inyo'y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo, gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa't iglesia.
18 Ang mga iba nga'y nangagpapalalo, na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo.
Read full chapter
1 Corinto 4:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Kaya't nakikiusap ako, tumulad kayo sa akin. 17 Dahil dito, pinapunta ko sa inyo si Timoteo na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon, na siyang magpapaalala sa inyo ng aking pagtalima kay Cristo Jesus[a] katulad ng itinuturo ko sa bawat iglesya sa lahat ng dako. 18 Ngunit may mayayabang na para bang hindi na ako darating sa inyo.
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 4:17 Sa ibang manuskrito Cristo; sa iba, Panginoong Jesus.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.