Add parallel Print Page Options

Ang Ministeryo ng mga Apostol

Kaya't ituring ninyo kami bilang mga lingkod ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos.

Bukod dito, kailangan sa mga katiwala na sila ay matagpuang tapat.

Subalit para sa akin ay isang napakaliit na bagay ang ako'y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao. Ako man ay hindi humahatol sa aking sarili.

Read full chapter

Ang Gawain ng mga Apostol

Kaya't dapat kaming ituring ng tao bilang mga tagapaglingkod ni Cristo, at mga katiwala ng mga hiwaga ng Diyos. Bukod dito, inaasahan sa mga katiwala na sila'y matagpuang tapat. Ngunit para sa akin ay napakaliit na bagay ang hatulan ninyo ako o ng hukuman ng tao. Ni hindi nga ako humahatol sa aking sarili.

Read full chapter