Add parallel Print Page Options

Ang Ipinapangaral ni Pablo

Mga kapatid, nang ako'y pumunta riyan, ipinahayag ko sa inyo ang hiwaga[a] ng Diyos hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o ng malawak na karunungan. Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong wala akong ibang ipapaalam sa inyo maliban kay Jesu-Cristo at ang kanyang kamatayan sa krus. Noong(A) ako'y nariyan, ako'y nanghihina at nanginginig sa takot. Sa aking pananalita at pangangaral ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati at karunungan ng tao. Subalit nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu upang ang inyong pananampalataya ay masandig sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa karunungan ng tao.

Ang Karunungan ng Diyos

Gayunpaman, sa mga taong matatag na sa buhay espirituwal ay nangangaral kami ng salita ng karunungan, hindi karunungan ng mundong ito, o ng mga tagapamahala sa mundong ito na ang kapangyarihan ay lilipas. Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan. Walang(B) isa man sa mga tagapamahala sa daigdig na ito ang nakaunawa sa karunungang iyon, sapagkat kung naunawaan nila iyon, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. Subalit(C) tulad ng nasusulat,

“Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga,
    ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao
    ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.”

10 Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang mga pinakamalalim na bagay na may kinalaman sa Diyos. 11 Walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. 12 Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin.

13 Kaya nga, kami ay nangangaral hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Ang ipinapaliwanag namin ay mga katotohanang espirituwal para sa mga nagtataglay ng Espiritu. 14 Sapagkat ang taong hindi nagtataglay ng Espiritu ay hindi kayang tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. 15 Nauunawaan ng taong nagtataglay ng Espiritu ang kahalagahan ng lahat ng bagay, ngunit hindi siya nauunawaan ng taong hindi nagtataglay ng Espiritu.

16 “Sino(D) ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
    Sino ang makapagpapayo sa kanya?”

Ngunit nasa atin[b] ang pag-iisip ni Cristo.

Footnotes

  1. 1 Corinto 2:1 hiwaga: Sa ibang manuskrito'y patotoo .
  2. 1 Corinto 2:16 atin: o kaya'y amin .

Skillnaden mellan Guds vishet och människors vishet

När jag kom till er, syskon, var det inte med övertygande vältalighet eller vishet som jag berättade om Guds hemlighet[a] för er. Nej, jag hade bestämt mig för att inte veta av något annat när jag var hos er än Jesus Kristus, och honom som korsfäst. Jag var svag och rädd och bävade djupt när jag stod där inför er. Mitt budskap och min förkunnelse var inga övertygande visdomsord, utan de gav bevis på Ande och kraft, för att er tro inte skulle bygga på mänsklig vishet utan på Guds kraft.

Vi förkunnar dock vishet för de mogna, men den visheten hör inte till den här tidsåldern eller den här tidsålderns förgängliga makthavare. Nej, vi talar med visdomen från Gud. Den har legat fördold, men sedan tidernas början har Gud bestämt att den skulle bli till härlighet för oss. Ingen av den här tidsålderns makthavare förstod den, men om de hade förstått, skulle de inte ha korsfäst härlighetens Herre. Men det står skrivet:

”Det inget öga har sett,
    inget öra har hört
och inget människohjärtat kunnat ana,
    det har Gud berett åt dem som älskar honom.”[b]

10 Men Gud har visat oss det genom sin Ande, för Anden utforskar allt, också djupen hos Gud.

11 För vem kan veta vad som finns i människan, förutom människans ande? Inte heller vet någon vad som finns hos Gud, förutom Guds Ande. 12 Men vi har inte fått denna världens ande, utan Guds egen Ande, så att vi kan veta vad Gud i sin nåd har gett oss.

13 När vi berättar om allt detta, använder vi oss därför inte av ord som vi lärt oss genom mänsklig vishet, utan ord som Anden har lärt oss, och vi tolkar det andliga med andliga ord.[c] 14 Men en oandlig människa tar inte emot det som kommer från Guds Ande; det är dårskap för henne, och hon kan inte förstå det, eftersom det måste bedömas på ett andligt sätt. 15 Den andliga människan bedömer allt, men henne själv kan ingen bedöma. 16 Det står ju skrivet:

”Vem känner till hur Herren tänker?
    Vem kan ge honom råd?”[d]

Men vi har Kristus sinne.

Footnotes

  1. 2:1 Enligt andra handskrifter: Guds vittnesbörd.
  2. 2:9 Se Jes 64:4.
  3. 2:13 Eller: …för andliga människor.
  4. 2:16 Se Jes 40:13.

Si Cristo na Ipinako sa Krus

Mga kapatid, nang pumunta ako sa inyo, hindi ako dumating na nagbabalita sa inyo ng hiwaga[a] ng Diyos ayon sa kahusayan ng pananalita o ng karunungan. Sapagkat napagpasyahan ko noong kasama ninyo ako na walang anumang makilala, maliban kay Jesu-Cristo, siya na ipinako sa krus. Ako nga'y nakasama ninyo nang may kahinaan, may takot, at matinding panginginig. Ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng mga mapanghikayat na salita ng karunungan, kundi sa pagpapakita ng kapangyarihan ng Espiritu, upang ang inyong pananampalataya ay hindi mapasalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Diyos.

Ang Pagpapahayag ng Banal na Espiritu ng Diyos

Ngunit sa mga nasa hustong gulang ay nagsasalita kami ng karunungan, gayunma'y hindi ang karunungan ng kapanahunang ito, o ng mga pinuno sa kapanahunang ito, na pawang mawawalan ng kabuluhan. Sa halip, ang sinasabi namin ay ang hiwaga at itinagong karunungan ng Diyos, na kanyang itinalaga bago pa nagkaroon ng mga panahon para sa kaluwalhatian natin. Wala ni isa man sa mga pinuno ng kapanahunang ito ang nakaalam nito, sapagkat kung ito'y nalaman nila, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. Subalit tulad ng nasusulat,

“Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga,
    at hindi pumasok sa puso ng tao,
ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa kanila na nagmamahal sa kanya.”

10 Ngunit ipinahayag ito sa amin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu; sapagkat sinisiyasat ng Espiritu ang lahat ng bagay, pati ang malalalim na bagay tungkol ng Diyos. 11 Sapagkat sino ang nakaaalam ng mga iniisip ng isang tao, kundi ang espiritu ng tao na nasa kanya? Gayundin naman, walang nakaaalam ng mga iniisip ng Diyos, kundi ang Espiritu ng Diyos. 12 Kami ay tumanggap, hindi ng espiritu ng sanlibutan, kundi ng Espiritung mula sa Diyos, upang malaman namin ang mga bagay na walang bayad na ipinagkaloob sa amin ng Diyos. 13 At ang mga bagay namang ito ay ipinapahayag namin hindi sa pamamagitan ng mga salitang ayon sa pagtuturo ng karunungan ng tao, kundi sa pagtuturo ng Espiritu, na aming ipinapaunawa ang mga bagay na espirituwal sa mga espirituwal. 14 Ngunit ang taong di-espirituwal ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos, sapagkat kahangalan ang mga iyon sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan, yamang ang mga iyon ay hinahatulan sa espirituwal na paraan. 15 Hinahatulan naman ng taong espirituwal ang lahat ng mga bagay, at hindi siya hinahatulan ng sinuman. 16 “Sapagkat sino ang nakaaalam sa pag-iisip ng Panginoon, upang magpayo sa kanya?” Subalit taglay namin[b] ang pag-iisip ni Cristo.

Footnotes

  1. 1 Corinto 2:1 Sa ibang manuskrito, patotoo, at sa iba, pagliligtas.
  2. 1 Corinto 2:16 o natin.