Add parallel Print Page Options

Ang Tulong para sa mga Kapatid

16 At (A) tungkol naman sa ambag para sa mga banal: gawin din ninyo kung ano ang itinagubilin ko sa mga iglesya sa Galacia. Tuwing unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ng halaga ayon sa kanyang kinita, upang huwag nang magkaroon ng mga ambagan pagpunta ko. At pagdating ko riyan, ang mga taong inyong mapili ay aking isusugo na may dalang mga sulat upang maghatid ng inyong kaloob sa Jerusalem. Kung kinakailangan kong pumunta ay sasamahan nila ako.

Plano ni Pablo sa Paglalakbay

Dadalawin (B) ko kayo pagdaan ko sa Macedonia, sapagkat daraan ako roon. At maaaring tumigil muna ako riyan sa inyo o kaya'y magpalipas ng taglamig, upang ako'y maihatid ninyo, saan man ako pumunta. Ayaw kong maging sandali lang ang ating pagkikita; kung loloobin ng Panginoon, ibig kong magtagal-tagal diyan na kasama ninyo. Ngunit (C) titigil ako sa Efeso hanggang araw ng Pentecostes, sapagkat (D) nabuksan para sa akin ang isang maluwang na pintuan tungo sa makabuluhang gawain, bagama't maraming sumasalungat.

10 Pagdating (E) ni Timoteo, sikapin ninyo na wala siyang anumang dapat ipangamba sa piling ninyo, sapagkat tulad ko ay ginagampanan niya ang gawain ng Panginoon. 11 Kaya't huwag siyang hamakin ng sinuman. Mapayapa ninyo siyang ihatid sa kanyang paglalakbay upang makabalik siya sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.

12 Tungkol naman kay kapatid na Apolos, nakiusap akong mabuti sa kanya na puntahan kayo kasama ng ibang mga kapatid. Wala pa siyang balak na pumunta riyan ngayon. Ngunit darating siya kapag nagkaroon na siya ng pagkakataon.

Pagwawakas at Pagbati

13 Magbantay kayo, manindigan kayo sa pananampalataya, magpakatapang kayo, magpakatatag kayo. 14 Gawin ninyo ang lahat nang may pag-ibig.

15 Alam ninyo (F) na ang sambahayan ni Estefanas ang mga unang bunga ng pangangaral sa Acaia. Inilaan na nila ang kanilang sarili sa paglilingkod sa mga banal. Kaya't nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, 16 na magpailalim kayo sa pamumuno ng gayong uri ng mga tao at sa bawat isang nagpapagal at nakikiisa sa gawain. 17 Natutuwa ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat kanilang pinunan ang inyong kakulangan. 18 Pinaginhawa rin nila ang aking espiritu at ang sa inyo. Pahalagahan ninyo ang pagkilala sa katulad nila.

19 Binabati (G) kayo ng mga iglesya sa Asia. Malugod kayong binabati sa Panginoon nina Aquila at Priscila[a] gayundin ng iglesyang nagtitipon sa kanilang bahay. 20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Magbatian kayo nang may banal na halik.

21 Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay. 22 Sumpain ang sinumang hindi nagmamahal sa Panginoon. Dumating ka nawa, Panginoon! 23 Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Jesus. 24 Sumainyo nawang lahat ang aking pag-ibig kay Cristo Jesus. Amen.

Footnotes

  1. 1 Corinto 16:19 o Prisca.

捐钱给圣徒的事

16 关于捐献给圣徒的事,从前我怎样吩咐加拉太的众教会,你们也要照着去行。 每逢七日的第一日,你们各人要按着自己的收入抽一些出来留着,免得我来的时候才现凑。 我来到之后,你们选中了甚么人,我就派他们带着书信,把你们的捐款送到耶路撒冷去。 如果我也应该去,他们就可以和我一同去。

保罗的行程

我现在正要路过马其顿。过了马其顿,我就会到你们那里去。 我也许会和你们同住一些时候,甚至和你们一同过冬;这样,我无论要到哪里去,你们都可以给我送行。 我不愿意只是顺路见见你们,主若许可,我盼望和你们同住一个时期。 不过我要在以弗所住到五旬节, 因为这里有又宽大又有果效的门为我开了,同时反对的人也很多。

10 如果提摩太来了,你们务要使他在你们那里不会惧怕,因为他像我一样是作主的工作的。 11 所以,谁也不要小看他。你们要送他平平安安地前行,使他到我这里来,因为我正在等着他和弟兄们一同来。 12 至于亚波罗弟兄,我曾再三劝他要和弟兄们一同到你们那里去;但他不愿意现在就去,机会到了,他是会去的。

劝勉和问安

13 你们要警醒,要在信仰上站立得稳,要作大丈夫,要刚强。 14 你们所作的一切,都要凭爱心去作。

15 弟兄们,你们知道司提反一家人是亚该亚初结的果子,他们专心地服事圣徒。 16 我劝你们要顺服这样的人,和所有与他们一同工作一同劳苦的人。 17 司提反、福徒拿都和亚该古都来了,所以我很快乐,因为他们补上了你们的不足, 18 使我和你们的心都得着畅快。这样的人你们要敬重他们。

19 亚西亚的众教会都问候你们。亚居拉和百基拉,以及他们家里的教会在主里再三问候你们。 20 所有的弟兄都问候你们。你们要用圣洁的亲吻彼此问安。

21 我保罗亲笔问候你们。 22 如果有人不爱主,他就该受咒诅。主啊,愿你来! 23 愿主耶稣基督的恩惠与你们同在。 24 我的爱在基督耶稣里也与你们同在。(有古卷加“阿们”。)