1 Corinto 16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Tulong para sa mga Kapatid
16 At (A) tungkol naman sa ambag para sa mga banal: gawin din ninyo kung ano ang itinagubilin ko sa mga iglesya sa Galacia. 2 Tuwing unang araw ng linggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ng halaga ayon sa kanyang kinita, upang huwag nang magkaroon ng mga ambagan pagpunta ko. 3 At pagdating ko riyan, ang mga taong inyong mapili ay aking isusugo na may dalang mga sulat upang maghatid ng inyong kaloob sa Jerusalem. 4 Kung kinakailangan kong pumunta ay sasamahan nila ako.
Plano ni Pablo sa Paglalakbay
5 Dadalawin (B) ko kayo pagdaan ko sa Macedonia, sapagkat daraan ako roon. 6 At maaaring tumigil muna ako riyan sa inyo o kaya'y magpalipas ng taglamig, upang ako'y maihatid ninyo, saan man ako pumunta. 7 Ayaw kong maging sandali lang ang ating pagkikita; kung loloobin ng Panginoon, ibig kong magtagal-tagal diyan na kasama ninyo. 8 Ngunit (C) titigil ako sa Efeso hanggang araw ng Pentecostes, 9 sapagkat (D) nabuksan para sa akin ang isang maluwang na pintuan tungo sa makabuluhang gawain, bagama't maraming sumasalungat.
10 Pagdating (E) ni Timoteo, sikapin ninyo na wala siyang anumang dapat ipangamba sa piling ninyo, sapagkat tulad ko ay ginagampanan niya ang gawain ng Panginoon. 11 Kaya't huwag siyang hamakin ng sinuman. Mapayapa ninyo siyang ihatid sa kanyang paglalakbay upang makabalik siya sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.
12 Tungkol naman kay kapatid na Apolos, nakiusap akong mabuti sa kanya na puntahan kayo kasama ng ibang mga kapatid. Wala pa siyang balak na pumunta riyan ngayon. Ngunit darating siya kapag nagkaroon na siya ng pagkakataon.
Pagwawakas at Pagbati
13 Magbantay kayo, manindigan kayo sa pananampalataya, magpakatapang kayo, magpakatatag kayo. 14 Gawin ninyo ang lahat nang may pag-ibig.
15 Alam ninyo (F) na ang sambahayan ni Estefanas ang mga unang bunga ng pangangaral sa Acaia. Inilaan na nila ang kanilang sarili sa paglilingkod sa mga banal. Kaya't nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, 16 na magpailalim kayo sa pamumuno ng gayong uri ng mga tao at sa bawat isang nagpapagal at nakikiisa sa gawain. 17 Natutuwa ako sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat kanilang pinunan ang inyong kakulangan. 18 Pinaginhawa rin nila ang aking espiritu at ang sa inyo. Pahalagahan ninyo ang pagkilala sa katulad nila.
19 Binabati (G) kayo ng mga iglesya sa Asia. Malugod kayong binabati sa Panginoon nina Aquila at Priscila[a] gayundin ng iglesyang nagtitipon sa kanilang bahay. 20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Magbatian kayo nang may banal na halik.
21 Ako mismong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay. 22 Sumpain ang sinumang hindi nagmamahal sa Panginoon. Dumating ka nawa, Panginoon! 23 Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Jesus. 24 Sumainyo nawang lahat ang aking pag-ibig kay Cristo Jesus. Amen.
Footnotes
- 1 Corinto 16:19 o Prisca.
1 Corinto 16
Ang Biblia, 2001
Ambagan para sa mga Banal
16 Ngayon,(A) tungkol sa ambagan para sa mga banal, ay gawin din ninyo gaya ng aking itinagubilin sa mga iglesya sa Galacia.
2 Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ayon sa kanyang makakaya, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan pagdating ko.
3 At pagdating ko, ang sinumang inyong pipiliin, ay sila ang aking isusugo na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem.
4 Kung nararapat na ako ay pumaroon din ay sasamahan nila ako.
Plano ni Pablo sa Paglalakbay
5 Ako'y(B) dadalaw sa inyo pagkaraan ko sa Macedonia, sapagkat balak kong dumaan sa Macedonia;
6 at marahil ako'y titigil sa inyo o maaaring magpalipas ng tagginaw, upang ako'y matulungan ninyo, saan man ako pumunta.
7 Ayaw kong makita kayo ngayon na dadaanan lamang, sapagkat ako'y umaasa na makagugol ng ilang panahon na kasama ninyo, kung itutulot ng Panginoon.
8 Subalit(C) ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes,
9 sapagkat(D) isang maluwag na pintuan para sa mabisang paggawa ang nabuksan sa akin, at marami ang mga kaaway.
10 Kapag(E) si Timoteo ay dumating, sikapin ninyo na wala siyang anumang kinakatakutan sa gitna ninyo, sapagkat siya'y gumagawa ng gawain ng Panginoon, na gaya ko.
11 Sinuman ay huwag humamak sa kanya. Suguin ninyo siya sa kanyang paglalakbay na may kapayapaan upang siya'y makarating sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.
12 Tungkol naman kay kapatid na Apolos, pinakiusapan ko siyang mabuti na dalawin kayo kasama ng ibang mga kapatid, subalit hindi pa niya nais na pumariyan ngayon. Ngunit siya'y darating kapag mayroon na siyang pagkakataon.
Pagwawakas at Pagbati
13 Magmatyag kayo, manindigan kayong matibay sa pananampalataya, magpakalalaki kayo, magpakatatag kayo.
14 Lahat ng inyong ginagawa ay gawin ninyo sa pag-ibig.
15 Mga(F) kapatid, ngayon ay nakikiusap ako sa inyo. Nalalaman ninyo na ang sambahayan ni Estefanas ang mga unang bunga ng Acaia, at kanilang itinalaga ang kanilang sarili sa paglilingkod sa mga banal.
16 Hinihiling ko sa inyo na kayo ay pasakop sa gayong mga tao at sa bawat isa na gumagawang kasama nila.
17 Ako'y natutuwa sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
18 Sapagkat pinaginhawa nila ang aking espiritu at ang sa inyo. Kaya't magbigay kayo ng pagkilala sa gayong mga tao.
19 Binabati(G) kayo ng mga iglesya sa Asia. Kayo'y buong pusong binabati sa Panginoon nina Aquila at Prisca[a] kasama ng iglesyang nasa kanilang bahay.
20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Magbatian kayo ng banal na halik.
21 Akong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito sa aking sariling kamay.
22 Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya. Maranatha.[b]
23 Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawa.
24 Ang aking pag-ibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Amen.
Footnotes
- 1 Corinto 16:19 o Priscila .
- 1 Corinto 16:22 MARANATHA: Salitang Aramaico na ang kahulugan ay Panginoon pumarito ka .
1 Corinthiërs 16
BasisBijbel
Collecte voor de gelovigen
16 Nu iets over de collecte voor de gelovigen. Doe hetzelfde als wat ik tegen de gemeenten in Galatië gezegd heb: 2 leg steeds op de eerste dag van de week iets apart. Kijk zelf hoeveel je kan missen en bewaar dat goed. Dan is het niet nodig om nog gauw wat bij elkaar te zoeken, als ik kom. 3 Als ik dan bij jullie ben, kiezen jullie mensen uit die jullie geschenk naar Jeruzalem zullen brengen. Ik zal brieven aan hen meegeven. Daarin zal ik uitleggen wie zij zijn en wat de bedoeling is. 4 Maar als het nodig is dat ik zelf óók naar Jeruzalem ga, kunnen zij met mij meereizen.
5 Ik wil nu eerst Macedonië doorreizen. Ik ben van plan daarna naar jullie toe te komen. 6 Ik zal dan proberen om wat langer bij jullie te blijven. Misschien wel de hele winter. Dan kunnen jullie mij daarna op weg helpen wanneer ik verder reis. 7 Want ik wil jullie dit keer wat langer bezoeken, en niet alleen op doorreis. Tenminste, als de Heer dat goed vindt. 8 Maar tot Pinksteren ben ik nog in Efeze. 9 Want de Heer heeft mij daar grote mogelijkheden gegeven voor het vertellen van het goede nieuws. Hij heeft daar als het ware de deur wijd open gezet. Maar er zijn ook veel mensen die mij tegenwerken.
10 Als Timoteüs bij jullie komt, zorg er dan voor dat hij zich bij jullie welkom voelt. Want hij doet hetzelfde werk voor de Heer als ik. 11 Behandel hem niet alsof hij niet meetelt omdat hij nog jong is. Help hem in vrede verder, zodat hij naar mij toe kan komen. Want ik wacht met de broeders op hem.
12 Wat betreft Apollos: ik heb hem al een paar keer gevraagd met een aantal broeders naar jullie toe te gaan, maar het kwam hem nu niet uit. Maar hij zal komen zodra hij kan.
Slot
13 Let goed op jezelf. Sta stevig in het geloof. Wees volwassen en sterk! 14 Doe alles vol liefde voor elkaar.
15 Ik wil jullie nog iets vragen. Jullie weten dat het gezin van Stefanas het eerste gezin was dat in Achaje in Jezus ging geloven. Daarna zijn zij de andere gelovigen gaan dienen. 16 Ik wil graag dat jullie je door mensen als Stefanas laten leiden. Ook door de andere mensen die met hen voor de Heer werken. 17 Ik ben erg blij dat Stefanas, Fortunatus en Achaïkus zijn gekomen. Nu mis ik jullie niet meer zo erg. 18 Ze hebben me blij gemaakt en bemoedigd, net zoals ze bij jullie gedaan hebben. Laat je dus door zulke mensen leiden.
19 Jullie moeten de groeten hebben van de gemeenten in Asia (= Turkije). Jullie krijgen ook de hartelijke groeten in de Heer van Aquila en Priscilla en van de gemeenten die bij hen in huis samenkomen. Jullie krijgen de groeten van alle broeders en zusters. 20 Groet elkaar met een heilige kus.
21 Ook ik, Paulus, schrijf jullie zelf een groet.[a] 22 Als iemand niet van de Heer houdt, is hij vervloekt. Jezus komt! 23 Ik bid dat de Heer Jezus in alles goed voor jullie zal zijn. 24 Ik houd van jullie allemaal die bij Jezus Christus horen.
Footnotes
- 1 Corinthiërs 16:21 Paulus had deze brief door iemand anders laten opschrijven. Alleen deze laatste regels schreef hij zelf.
1 Corinto 16
Ang Biblia (1978)
16 Ngayon tungkol (A)sa ambagan sa (B)mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng (C)iniutos ko sa (D)mga iglesia ng (E)Galacia.
2 Tuwing unang (F)araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, (G)ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang (H)huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
3 At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong (I)abuloy sa Jerusalem:
4 At kung nararapat na ako naman ay pumaroon, sila'y isasama ko.
5 Nguni't ako'y paririyan sa inyo, (J)pagkaraan ko sa Macedonia; sapagka't magdaraan ako sa Macedonia;
6 Datapuwa't marahil ako'y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw, upang ako'y tulungan ninyo sa aking paglalakbay (K)saan man ako pumaroon.
7 Sapagka't hindi ko ibig na kayo'y makita ngayon (L)sa paglalakbay; sapagka't inaasahan kong ako'y makikisama sa inyong kaunting panahon, kung itutulot ng Panginoon.
8 Datapuwa't ako'y titigil sa (M)Efeso hanggang sa (N)Pentecostes;
9 Sapagka't (O)sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at (P)marami ang mga kaaway.
10 Ngayon (Q)kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya (R)ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:
11 (S)Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya. Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay, upang siya'y makaparito sa akin: sapagka't inaasahan ko siya'y kasama ng mga kapatid.
12 Nguni't tungkol sa (T)kapatid na si Apolos, ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya'y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid: at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon; nguni't paririyan pagkakaroon niya ng panahon.
13 (U)Magsipagingat kayo, (V)mangagpakatibay kayo sa pananampalataya, (W)kayo'y mangagpakalalake, (X)kayo'y mangagpakalakas.
14 (Y)Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa.
15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (Z)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (AA)pangunahing bunga ng (AB)Acaya, at nangagsitalaga (AC)sa paglilingkod sa mga banal),
16 Na (AD)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.
17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (AE)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
18 Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.
19 Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia. Kayo'y binabating malabis sa Panginoon ni (AF)Aquila at ni Prisca[a] (AG)pati ng iglesiang nasa kanilang bahay.
20 Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. (AH)Kayo'y mangagbatian ng halik na banal.
21 Ang bati ko, ni (AI)Pablo na sinulat ng aking sariling kamay.
22 Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon, (AJ)ay maging takuwil siya. (AK)Maranatha[b]
23 Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
24 Ang aking pagibig kay (AL)Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
Footnotes
- 1 Corinto 16:19 Pricila.
- 1 Corinto 16:22 Maran-atha—ang ating Panginoon ay paririto.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
© stichting BasisBijbel 2013 Gecorrigeerde tekst © 2015 Alle rechten voorbehouden Uitgegeven bij de ZakBijbelBond: 2016
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
