1 Corinto 16:15-17
Ang Dating Biblia (1905)
15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya, at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal),
16 Na kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.
17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
Read full chapter
1 Corinto 16:15-17
Ang Salita ng Diyos
15 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid. Kilala ninyo ang sambahayan ni Estefanas. Alam ninyo na ito ang unang bunga ng Acaya at itinalaga nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa mga banal. 16 Ipinamamanhik ko na magpasakop din kayo sa kanila at sa bawat isang gumagawa at nagpapagal na kasama namin. 17 Ako ay nagagalak sa pagdating nina Estefanas, Fortunato at Acaico dahil ang inyong kakulangan ay pinunan nila.
Read full chapter
1 Corinto 16:15-17
Ang Biblia (1978)
15 Ipinamamanhik ko nga sa inyo, mga kapatid (nalalaman ninyo na (A)ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang (B)pangunahing bunga ng (C)Acaya, at nangagsitalaga (D)sa paglilingkod sa mga banal),
16 Na (E)kayo'y pasakop naman sa mga gayon, at sa bawa't tumutulong sa gawa at nagpapagal.
17 At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico: (F)sapagka't ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
Read full chapter
1 Corinthians 16:15-17
New International Version
15 You know that the household of Stephanas(A) were the first converts(B) in Achaia,(C) and they have devoted themselves to the service(D) of the Lord’s people.(E) I urge you, brothers and sisters, 16 to submit(F) to such people and to everyone who joins in the work and labors at it. 17 I was glad when Stephanas, Fortunatus and Achaicus arrived, because they have supplied what was lacking from you.(G)
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

