Add parallel Print Page Options

Ang Muling Pagkabuhay ni Cristo

15 Ngayon ay ipinapaalala ko sa inyo, mga kapatid, ang tungkol sa ebanghelyo[a] na ipinangaral ko sa inyo, na inyong tinanggap, na siya naman ninyong kinatatayuan. Sa pamamagitan nito ay naliligtas kayo, kung panghahawakan ninyo itong mabuti. Kung hindi, kayo'y sumampalataya nang walang kabuluhan. Sapagkat (A) ibinigay ko sa inyo bilang pangunahin sa lahat ang akin din namang tinanggap: na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa kasulatan, at (B) siya'y inilibing; at muling binuhay pagsapit ng ikatlong araw ayon sa mga kasulatan, at (C) siya'y nagpakita kay Pedro,[b] at pagkatapos ay sa labindalawa. Pagkatapos ay nagpakita siyang minsanan sa mahigit na limang daang kapatid na ang karamihan sa mga ito ay nabubuhay pa hanggang ngayon, bagaman ang mga iba'y namayapa na. Pagkatapos ay nagpakita siya kay Santiago, pagkatapos ay sa lahat ng mga apostol, at (D) sa kahuli-hulihan na parang ipinanganak nang wala sa panahon, ay nagpakita rin siya sa akin. Sapagkat (E) ako ang pinakahamak sa mga apostol, ni hindi ako karapat-dapat na tawaging apostol, sapagkat inusig ko ang iglesya ng Diyos. 10 Ngunit kung ano ako ngayon, ito ay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, at ang kanyang biyaya para sa akin ay hindi nawawalan ng saysay. Sa halip, ako'y nagsikap nang higit kaysa kanilang lahat, gayunma'y hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin. 11 Kaya't maging ako o sila, ganito ang ipinangangaral namin, at ito ang sinasampalatayanan ninyo.

Ang Muling Pagkabuhay ng mga Patay

12 At kung ipinapangaral na si Cristo ay binuhay mula sa mga patay, paanong nasasabi ng ilan sa inyo na hindi muling mabubuhay ang mga patay? 13 Kung hindi muling mabubuhay ang mga patay, kahit si Cristo ay hindi sana muling binuhay. 14 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring kabuluhan ang inyong pananampalataya. 15 Bukod dito, matatagpuan pa kaming mga sinungaling na saksi ng Diyos sapagkat kami ay nagpatotoo tungkol sa Diyos, na muli niyang binuhay si Cristo, na hindi naman niya pala muling binuhay, kung totoo na ang mga patay ay hindi muling binubuhay. 16 Sapagkat kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, kahit si Cristo ay hindi muling binuhay. 17 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang inyong pananampalataya, nananatili pa rin kayo sa inyong mga kasalanan. 18 Kung gayon, ang mga namayapa na kay Cristo ay napahamak. 19 Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay para lamang sa buhay na ito, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng mga tao.

20 Ngunit sa katunayan, si Cristo ay binuhay mula sa mga patay. Siya ang unang bunga ng mga namatay. 21 Sapagkat yamang dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, sa pamamagitan din ng isang tao'y dumating ang muling pagkabuhay ng mga patay. 22 Sapagkat kung paanong dahil kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin dahil kay Cristo ang lahat ay bubuhayin. 23 Ngunit ang bawat isa'y ayon sa kanyang takdang panahon. Si Cristo ang unang bunga; at pagkatapos ay ang mga kabilang kay Cristo sa panahon ng kanyang pagdating. 24 Pagkatapos ay darating ang wakas, kapag kanyang ibibigay na ang kaharian sa Diyos Ama, matapos niyang lipulin ang lahat ng paghahari, pamamahala at kapangyarihan. 25 Sapagkat (F) kailangang maghari siya hanggang mailagay niya ang lahat ng kanyang mga kaaway sa ilalim ng kanyang mga paa. 26 Ang huling kaaway na lilipulin ay ang kamatayan. 27 Sapagkat (G) “ipinasakop niya ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa.” Sa pagsasabi na ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop sa kanya, maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos, na siyang nagpasakop ng lahat ng mga bagay kay Cristo. 28 At kapag ang lahat ng mga bagay ay ipinasakop na sa Anak, ang Anak ay pasasakop din sa Ama na naglagay ng lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang kapangyarihan, upang ang Diyos ay mangibabaw sa lahat.

29 At kung walang muling pagkabuhay, ano'ng gagawin ng mga binabautismuhan para sa mga patay? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, bakit may mga taong binabautismuhan para sa kanila? 30 At bakit namin inilalagay sa panganib ang aming buhay sa bawat sandali? 31 Araw-araw akong humaharap sa kamatayan! Ipinapahayag ko ito, mga kapatid, dahil sa aking pagmamalaki tungkol sa inyo, na tinataglay ko kay Cristo Jesus na ating Panginoon. 32 Kung (H) sa makataong dahilan lamang kaya ako lumaban sa maiilap na hayop sa Efeso, ano ang mapapakinabang ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, “Kumain tayo at uminom, sapagkat bukas tayo ay mamamatay.” 33 Huwag kayong padaya: “Ang masasamang kasamahan ay sumisira ng magagandang asal.” 34 Magpakatino kayo gaya ng nararapat at huwag na kayong magkasala, sapagkat may mga taong hindi pa nakakakilala sa Diyos. Sinasabi ko ito upang mapahiya kayo.

Ang Katawan sa Muling Pagkabuhay

35 Ngunit may magtatanong, “Paano muling bubuhayin ang mga patay? Anong uri ng katawan ang tataglayin nila?” 36 Ikaw na hangal! Dapat munang mamatay ang binhing iyong itinatanim bago ito mabuhay. 37 Kapag ikaw ay nagtatanim, hindi malaking katawan na ng halaman ang iyong itinatanim, kundi binhi lamang, maaaring ng trigo o ng ibang uri ng mga butil. 38 Subalit binibigyan ito ng Diyos ng katawang ayon sa kanyang kagustuhan, at ang bawat uri ng binhi ay binibigyan niya ng sariling katawan. 39 Hindi lahat ng laman ay magkakatulad. May isang uri ng laman ang mga tao, at ibang laman naman ang sa mga hayop, ibang laman sa mga ibon, at iba rin sa mga isda. 40 May mga katawang panlangit, at may mga katawang panlupa, ngunit may sariling kaluwalhatian ang panlangit, at iba naman ang panlupa. 41 May isang uri ng kaningningan ang araw, at iba ang kaningningan ng buwan, at iba rin ang kaningningan ng mga bituin; at ang mga bituin ay magkakaiba rin ng kaningningan.

42 Gayundin naman sa muling pagkabuhay ng mga patay. Itinatanim na may pagkabulok, muling binubuhay nang walang pagkabulok. 43 Itinatanim ito na walang karangalan, binubuhay ito na may kaluwalhatian; itinatanim na may kahinaan, binubuhay na may kapangyarihan. 44 Itinatanim ito bilang katawang pisikal, binubuhay na katawang espirituwal. Kung may katawang pisikal, mayroon ding espirituwal. 45 Gaya ng (I) nasusulat, “Ang unang taong si Adan ay naging buháy na nilalang.”[c] Ang huling Adan ay naging espiritung nagbibigay-buhay. 46 Ngunit hindi una ang espirituwal, kundi ang pisikal, pagkatapos ay ang espirituwal. 47 Ang unang tao ay mula sa alabok ng lupa, ang pangalawa naman ay mula sa langit. 48 Silang mga mula sa alabok ay katulad ni Adan na mula sa alabok; at silang panlangit ay katulad niya na nagmula sa langit. 49 At kung paanong tinaglay natin ang larawan ng taong mula sa alabok, tataglayin din natin ang larawan ng taong mula sa langit.

50 Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos; ni ang may pagkabulok ay magmamana ng walang pagkabulok. 51 Pakinggan ninyo ang (J) sasabihin kong isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mahihimlay, ngunit tayong lahat ay babaguhin— 52 sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta. Sapagkat tutunog ang trumpeta at ang mga patay ay bubuhaying muli na walang pagkasira at tayo'y babaguhin. 53 Sapagkat ang may pagkabulok ay kailangang magbihis ng walang pagkabulok, at itong may kamatayan ay magbihis ng kawalang kamatayan. 54 Ngunit (K) kapag itong may pagkabulok ay mabihisan ng walang pagkabulok at itong may kamatayan ay mabihisan ng kawalang kamatayan, ay mangyayari ang salitang nasusulat,

“Ang kamatayan ay nilamon na ng tagumpay.”
55 “Nasaan na, (L) kamatayan, ang iyong tagumpay?
Nasaan na, kamatayan, ang iyong kamandag?”

56 Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang kapangyarihan ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan. 57 Subalit salamat sa Diyos! Pinagtatagumpay niya tayo sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 58 Kaya, mga kapatid kong minamahal, magpakatatag kayo; huwag kayong patitinag, kayo'y laging sumagana sa gawain ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi mawawalan ng saysay ang inyong pagpapagal para sa Panginoon.

Footnotes

  1. 1 Corinto 15:1 o magandang balita.
  2. 1 Corinto 15:5 Pedro: sa tekstong Griyego Cefas, na ang kahulugan ay bato.
  3. 1 Corinto 15:45 Sa Griyego, kaluluwa.

15 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan,

Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.

Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,

At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;

At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa;

Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na;

Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol;

At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin.

Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios.

10 Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin.

11 Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan.

12 Kung si Cristo nga'y ipinangangaral na siya'y muling binuhay sa mga patay, bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay?

13 Datapuwa't kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:

14 At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral, wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya.

15 Oo, at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios; sapagka't aming sinasaksihan tungkol sa Dios, na kaniyang muling binuhay si Cristo; na hindi siyang muling nabuhay, kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay.

16 Sapagka't kung hindi muling binubuhay ang mga patay, ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo:

17 At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa.

18 Kung gayon nga, ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak.

19 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.

20 Datapuwa't si Cristo nga'y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog.

21 Sapagka't yamang sa pamamagitan ng tao'y dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng tao'y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.

22 Sapagka't kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.

23 Datapuwa't ang bawa't isa'y sa kaniyang sariling katayuan; si Cristo ang pangunahing bunga; pagkatapos ay ang mga kay Cristo, sa kaniyang pagparito.

24 Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan.

25 Sapagka't kinakailangang siya'y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway.

26 Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan.

27 Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.

28 At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.

29 Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa kanila?

30 Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?

31 Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako.

32 Kung ako'y nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid, ayon sa kaugalian ng tao, ano ang pakikinabangin ko? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay, magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo'y mangamamatay.

33 Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.

34 Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka't may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo'y kilusin sa kahihiyan.

35 Datapuwa't sasabihin ng iba, Paanong muling bubuhayin ang mga patay? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila?

36 Ikaw na mangmang, ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay:

37 At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay;

38 Datapuwa't ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling, at sa bawa't binhi ay ang sariling katawan.

39 Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman: kundi may laman sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.

40 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa't iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.

41 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka't ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.

42 Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay. Itinatanim na may kasiraan; binubuhay na maguli na walang kasiraan;

43 Itinatanim na may pagkasiphayo; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian: itinatanim na may kahinaan; binubuhay na maguli na may kapangyarihan:

44 Itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu. Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman.

45 Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay.

46 Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu.

47 Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit.

48 Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit.

49 At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit.

50 Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.

51 Narito, sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga: hindi tayong lahat ay mangatutulog, nguni't tayong lahat ay babaguhin,

52 Sa isang sangdali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka't tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.

53 Sapagka't kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.

54 Datapuwa't pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat, Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.

55 Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo?

56 Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan:

57 Datapuwa't salamat sa Dios, na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo.

58 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.

Воскресение Исо Масеха

15 Братья, хочу ещё раз напомнить вам Радостную Весть, которую я вам возвещал, которую вы приняли и в которой вы утвердились. Она спасительна для вас, если только твёрдо придерживаетесь того, что я вам возвещал, а иначе ваша вера напрасна.

Самое важное, что я получил, я передал вам: Масех умер за наши грехи согласно Писанию. Он был погребён, и был воскрешён на третий день согласно Писанию.[a] Он явился Кифе и потом двенадцати ученикам. После этого Он явился ещё более чем пятистам братьям одновременно. Большинство из них ещё живы, а некоторые уже умерли. Затем Он явился Якубу[b], потом также всем посланникам Масеха, и последнему из всех явился мне, жалкому недоноску.

Ведь я самый наименьший[c] из посланников Масеха и даже не заслуживаю чести называться посланником, потому что я преследовал святой народ Всевышнего. 10 Но по благодати Всевышнего я есть тот, кто я есть, и Его благодать во мне была не напрасной: я трудился больше, чем все остальные, впрочем не я, а благодать Всевышнего, которая со мной. 11 Не имеет значения, кто возвещает: я или они. Главное – вы поверили в то, что мы возвещаем.

Воскресение мёртвых

12 Скажите мне, если о Масехе возвещается, что Он был воскрешён из мёртвых, то как это некоторые из вас могут утверждать, что нет воскресения мёртвых? 13 Если воскресения мёртвых нет, то и Масех не мог быть воскрешён. 14 А если Масех не воскрес, то и всё, что мы возвещаем, не имеет смысла, равно как и ваша вера. 15 Мы сами в таком случае оказываемся лжесвидетелями о Всевышнем, так как мы засвидетельствовали о том, что Всевышний воскресил Масеха, Которого Он не воскрешал, если конечно мёртвых вообще нельзя воскресить. 16 Ведь если мёртвых нельзя воскресить, то и Масех не был воскрешён. 17 А если Масех не был воскрешён, то и вера ваша напрасна и ваши грехи по-прежнему на вас. 18 Тогда и те, кто умер с верой в Масеха, погибли. 19 Если мы надеемся на Масеха лишь в этой жизни, то мы находимся в более жалком положении, чем все прочие люди.

20 Но Масех действительно воскрес из мёртвых! Он – первый плод будущего урожая, тех, кто воскреснет из мёртвых![d] 21 И как смерть пришла в этот мир через одного человека, так через одного Человека пришло и воскресение мёртвых. 22 Как умирают все, кто связан с Адамом, так будут оживлены все, кто связан с Масехом. 23 Но каждый в своём порядке: вначале[e] Масех, а потом, когда Он вернётся, будем воскрешены и мы, принадлежащие Ему. 24 И потом наступит конец, когда Он, уничтожив всякое начальство, всякую власть и силу, передаст Царство Всевышнему, Небесному Отцу! 25 Масеху предназначено царствовать до тех пор, пока Всевышний не повергнет всех врагов к Его ногам.[f] 26 Последний враг, который будет уничтожен, – это смерть. 27 Ведь Всевышний «всё подчинил под ноги Его»[g]. Когда говорится, что «всё подчинил», то, конечно же, это «всё» не включает в себя Того, Кто и подчинил Ему всё. 28 Когда же всё будет Ему подчинено, тогда и Сам Сын будет подчинён Тому, Кто всё подчинил Ему, чтобы Всевышний безраздельно царствовал над всем.

29 Что же тогда делают те, кто принимает обряд погружения в воду[h] за мёртвых?[i] Если мёртвых нельзя воскрешать, зачем люди принимают этот обряд за них? 30 Зачем и нам каждый час рисковать своей жизнью? 31 Я каждый день стою перед лицом смерти. Это верно, братья, как и то, что я хвалюсь вами перед Исо Масехом, нашим Повелителем! 32 Если я только из человеческих побуждений боролся с дикими зверями[j] в Эфесе, то что я этим приобрёл? Если мёртвые не могут быть воскрешены, тогда что же:

«Давайте будем пировать и напиваться,
    потому что завтра умрём»[k]?

33 Смотрите, чтобы вам не оказаться обманутыми: «Плохая компания развращает добрые нравы»[l]. 34 Отрезвитесь, как вам и должно, и перестаньте грешить, ведь некоторые из вас даже не знают Всевышнего, – я говорю это к вашему стыду.

Земное и небесное тело

35 Может, кто-то спросит: «Как это мёртвые могут воскреснуть? Какое у них тогда будет тело?» 36 Спрашивать об этом неразумно. Ведь каждому семени для того, чтобы прорасти, надо сначала умереть! 37 Когда ты сеешь, ты же сеешь не само растение, а лишь семя, пшеничное или какое-либо другое. 38 А Всевышний по Своему усмотрению даёт ему тело – каждому семени своё. 39 Не все тела одинаковы: у людей не такое тело, как у зверей, у зверей не такое, как у птиц, а у птиц не такое, как у рыб. 40 Есть тела небесные и тела земные. У небесных тел своя красота, и у земных тел своя. 41 У солнца тоже своё сияние, у луны своё, у звёзд своё. Звёзды, в свою очередь, тоже отличаются по яркости друг от друга.

42 Так же будет и при воскресении мёртвых. Предаётся земле тело тленное, а воскресает нетленное. 43 Предаётся неприглядное, а воскресает великолепное! Предаётся в слабости, а воскресает в силе, 44 предаётся физическое тело, а воскресает – духовное.

Если есть тело физическое, то есть и тело духовное. 45 Писание говорит, что первый человек, Адам, стал живым существом, но последний Адам (Исо) – духом животворящим. 46 Сначала приходит не духовное, а физическое, и лишь потом – духовное. 47 Первый человек был сотворён из праха земного,[m] а второй Человек – это Человек с небес. 48 Земные люди подобны первому земному человеку, а небесные будут такими же, как Человек, пришедший с небес. 49 И как сейчас мы носим образ земного человека, точно так же мы будем похожи на Человека небесного.

50 Я говорю вам, братья, что плоть и кровь не могут стать наследниками Царства Всевышнего; ничто тленное не может стать наследником нетленного. 51 Послушайте, я открою вам тайну: мы не все умрём, но все будем изменены, 52 внезапно, во мгновение ока, когда прозвучит последняя труба. По сигналу трубы мёртвые воскреснут нетленными, а мы будем изменены. 53 Всё тленное должно превратиться в нетленное, и всё смертное – в бессмертное. 54 Когда тленное облечётся в нетленное и смертное – в бессмертное, тогда исполнятся слова: «Смерть поглощена победой!»[n]

55 «О смерть, где твоя победа?
    О смерть, где твоё жало?»[o]

56 Жало смерти – грех, а сила греха – Закон. 57 Но благодарение Всевышнему! Он даёт нам победу через Повелителя Исо Масеха!

58 Поэтому, мои любимые братья, стойте твёрдо. Ничто не должно вас поколебать. Всегда отдавайте себя полностью на служение Повелителю и знайте, что ваш труд для Повелителя не напрасен.

Footnotes

  1. 1 Кор 15:4 См. Мат. 12:40; Юнус 2:1; ср. также Ос. 6:2.
  2. 1 Кор 15:7 Скорее всего, это был единоутробный брат Исо Масеха (см. Мат. 13:55), важнейший лидер общины верующих в Иерусалиме.
  3. 1 Кор 15:9 Наименьший – возможно, здесь наблюдается игра слов, так как имя Павлус переводится как «маленький», «низкий».
  4. 1 Кор 15:20 Букв.: «Он – первый плод из умерших». Всевышний через пророка Мусо повелел исроильтянам приносить Ему в жертву первые снопы (см. Лев. 23:9-14) и лепёшку, испечённую из муки от первого урожая (см. Чис. 15:17-21). Всё первое было своего рода залогом последующего. Таким же образом воскресение Исо является залогом будущего воскресения всех верующих в Него. См. также сноску на Отк. 1:5.
  5. 1 Кор 15:23 Букв.: «первый плод».
  6. 1 Кор 15:25 См. Заб. 109:1.
  7. 1 Кор 15:27 Заб. 8:7.
  8. 1 Кор 15:29 Или: «обряд омовения».
  9. 1 Кор 15:29 Здесь Павлус не поддерживает тех, кто принимал этот обряд за мёртвых, а просто приводит их в пример как один из аргументов, подтверждающих воскресение.
  10. 1 Кор 15:32 Многие толкователи видят здесь метафору: Павлус сравнивает с дикими зверями людей, противников пути Всевышнего.
  11. 1 Кор 15:32 Ис. 22:13. См. также Ис. 56:12.
  12. 1 Кор 15:33 Павлус здесь приводит цитату из комедии «Таис» древнегреческого поэта Менандра (342–292 гг. до н. э.).
  13. 1 Кор 15:47 См. Нач. 2:7.
  14. 1 Кор 15:54 Ис. 25:8.
  15. 1 Кор 15:55 Ос. 13:14.