Add parallel Print Page Options

Propesiya at Pagsasalita ng Iba't ibang Wika

14 Pakamithiin ninyo ang pag-ibig at naisin ninyong magkaroon ng mga kaloob na espirituwal, lalung-lalo na ang kayo'y makapagpahayag ng propesiya. Sapagkat ang nagsasalita sa iba't ibang wika ay hindi sa mga tao nagsasalita kundi sa Diyos, sapagkat walang nakakaunawa sa taong iyon, yamang sa Espiritu ay nagsasalita siya ng mga hiwaga. Ngunit ang nagpapahayag ng propesiya ay sa mga tao nagsasalita upang sila'y maging matatag, masigla at mabigyang-kaaliwan. Ang nagsasalita sa ibang wika ay nagpapatibay lamang ng sarili, ngunit ang nagpapahayag ng propesiya ay nagpapatibay ng iglesya. Nais ko rin naman sanang kayong lahat ay magsalita sa iba't ibang wika, ngunit mas nais ko na kayo ay magpahayag ng propesiya. Ang nagpapahayag ng propesiya ay higit kaysa nagsasalita ng iba't ibang wika, malibang may nagpapaliwanag nito upang mapatatag ang iglesya.

Subalit ngayon, mga kapatid, kung dumating ako sa inyo at nagsasalita sa iba't ibang wika, ano'ng pakinabang ninyo sa akin? Wala nga, malibang ako'y may dalang pahayag, o kaalaman, propesiya, o isang aral. Maging ang mga instrumentong walang buhay katulad ng plauta o alpa, kung hindi magbigay ng malinaw na tunog, di ba't hindi malalaman ng sinuman kung ano ang tinutugtog? Sapagkat kung hindi malinaw ang tunog ng trumpeta, sino ang maghahanda para sa digmaan? Gayundin naman sa inyo. Kung sa pagsasalita ninyo sa isang wika ay gumagamit kayo ng mga salitang hindi nauunawaan, paano malalaman ng mga tao ang ibig ninyong sabihin? Kung gayon, sa hangin lamang kayo magsasalita. 10 Sadyang napakaraming uri ng mga wika sa daigdig, at lahat ng mga ito ay may kahulugan. 11 Ngunit kung hindi ko alam ang kahulugan ng wikang ginagamit, ako ay magiging banyaga sa nagsasalita, at ang nagsasalita ay magiging banyaga sa akin. 12 Gayundin naman sa inyo. Yamang nagnanais kayong magkaroon ng mga espirituwal na kaloob, maging masagana sana kayo sa mga kaloob na makapagpapatatag sa iglesya. 13 Kaya't ang nakapagsasalita sa ibang wika ay dapat manalangin na magkaroon din siya ng kakayahang makapagpaliwanag. 14 Sapagkat kung ako'y nananalangin sa ibang wika, nananalangin ang aking espiritu, ngunit wala namang ibinabahagi ang aking pag-iisip. 15 Ano kung gayon ang aking gagawin? Ako'y mananalangin sa espiritu, at mananalangin din ako sa aking pag-iisip. Aawit ako sa espiritu, at aawit din ako sa aking pag-iisip. 16 Kung hindi gayon, kapag nagpupuri ka sa pamamagitan ng espiritu, paano makapagsasabi ng “Amen” sa iyong pagpapasalamat ang isang taong walang kaalaman, kung hindi naman niya nauunawaan ang sinasabi mo? 17 Maaaring ikaw ay lubos na nakapagpapasalamat, ngunit ang iba naman ay hindi napapalakas. 18 Nagpapasalamat ako sa Diyos na nagsasalita ako sa mga wika nang higit kaysa inyong lahat. 19 Ngunit sa iglesya, mas nanaisin ko pang bumigkas ng limang salita na nauunawaan, upang makapagturo ako sa iba, kaysa sampung libong mga salita sa ibang wika.

20 Mga kapatid, huwag kayong mag-isip na parang mga bata. Tungkol sa kasamaan ay maging musmos kayo, ngunit sa pag-iisip ay maging tulad kayo ng mga taong nasa hustong gulang. 21 Sa (A) Kautusan ay nasusulat,

“Sa pamamagitan ng mga taong may kakaibang wika,
    at sa pamamagitan ng mga labi ng mga banyaga
ay magsasalita ako sa bayang ito,
    subalit hindi nila ako pakikinggan,”

sabi ng Panginoon. 22 Kaya nga, ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay tanda hindi para sa mga sumasampalataya kundi sa mga hindi sumasampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng propesiya ay hindi para sa mga hindi sumasampalataya, kundi sa mga sumasampalataya. 23 Kaya't kung nagkakatipon ang buong iglesya at ang lahat ay nagsasalita sa iba't ibang wika, at pumasok ang mga walang kaalaman o mga di-nanampalataya, hindi kaya nila sabihing kayo'y nababaliw? 24 Subalit kung ang lahat ay nagpapahayag ng propesiya at may pumasok na di-mananampalataya, o isang walang kaalaman, siya ay mahihikayat ng lahat na siya'y isang makasalanan. Siya ay pananagutin ng lahat, 25 yamang nailantad ang mga lihim ng kanyang puso, at ang taong iyon ay yuyukod,[a] at kanyang sasambahin ang Diyos, at siya'y magpapahayag, “Tunay na kasama ninyo ang Diyos.”

Kaayusan sa Pagsamba

26 Kaya ano'ng ibig kong sabihin, mga kapatid? Sa inyong pagkakatipon, bawat isa ay may awit, may aral, may pahayag, may wika, o kaya'y may pagpapaliwanag. Dapat isagawa ang lahat ng mga bagay para sa pagpapatibay ng iglesya. 27 Kung mayroong nagsasalita ng ibang wika, dapat ay dalawa o pinakamarami na ang tatlo, at isa-isa silang magsasalita. Kailangang may magpaliwanag ng mga sinabi. 28 Ngunit kung walang tagapagpaliwanag, tumahimik na lamang sa iglesya ang tagapagsalita at makipag-usap sa kanyang sarili, at sa Diyos. 29 Hayaang magpahayag ng propesiya ang dalawa o tatlong tao, habang inuunawa naman ng iba ang ipinapahayag. 30 Kung may dumating na pahayag sa isang nakaupo, dapat munang tumahimik ang nauna. 31 Sapagkat kayong lahat ay maaaring magpahayag ng propesiya, nang sunud-sunod, upang ang lahat ay matuto, at ang lahat ay mapasigla. 32 Ang mga espiritu ng mga propeta ay nasa pamamahala ng mga propeta, 33 sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan.

Gaya sa lahat ng mga kapulungan ng mga banal, 34 ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga iglesya. Sapagkat hindi sila pinahihintulutang magsalita, sa halip ay magpasakop, alinsunod sa sinasabi ng Kautusan. 35 Kung mayroon silang nais malaman, magtanong sila sa kani-kanilang mga asawa sa bahay; sapagkat hindi naaangkop para sa isang babae ang magsalita sa iglesya. 36 Sa inyo ba nanggaling ang salita ng Diyos? O dumating lamang ito sa inyo?

37 Kung inaakala ng sinuman na siya'y isang propeta, o may kaloob na espirituwal, dapat niyang kilalanin na ang mga isinusulat ko sa inyo ay utos ng Panginoon. 38 Ang hindi kumilala nito ay hindi rin dapat kilalanin. 39 Kaya, mga kapatid, naisin ninyong mabuti ang makapagpahayag ng propesiya, ngunit huwag ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa iba't ibang mga wika. 40 Gayunma'y dapat isagawa ang lahat ng mga bagay sa karapat-dapat at maayos na paraan.

Footnotes

  1. 1 Corinto 14:25 Sa Griyego isusubsob ang mukha.

Prophecy and Tongues

14 (A)Pursue love, and (B)earnestly desire the (C)spiritual gifts, especially that you may (D)prophesy. For (E)one who speaks in a tongue speaks not to men but to God; for no one understands him, but he utters mysteries in the Spirit. On the other hand, the one who prophesies speaks to people for their upbuilding and encouragement and consolation. The one who speaks in a tongue builds up himself, but the one who prophesies builds up the church. Now I want you all to speak in tongues, but (F)even more to prophesy. The one who prophesies is greater than the one who speaks in tongues, unless someone interprets, so that the church may be built up.

Now, brothers,[a] if I come to you speaking in tongues, how will I benefit you unless I bring you some (G)revelation or knowledge or prophecy or (H)teaching? If even lifeless instruments, such as the flute or the harp, do not give distinct notes, how will anyone know what is played? And (I)if the bugle gives an indistinct sound, who will get ready for battle? So with yourselves, if with your tongue you utter speech that is not intelligible, how will anyone know what is said? For you will be (J)speaking into the air. 10 There are doubtless many different languages in the world, and none is without meaning, 11 but if I do not know the meaning of the language, I will be (K)a foreigner to the speaker and the speaker a foreigner to me. 12 So with yourselves, since you are eager for manifestations of the Spirit, strive to excel in building up the church.

13 Therefore, one who speaks in a tongue should pray that he may interpret. 14 For if I pray in a tongue, my spirit prays but my mind is unfruitful. 15 What am I to do? I will pray with my spirit, but I will pray with my mind also; (L)I will sing praise with my spirit, but I will (M)sing with my mind also. 16 Otherwise, if you give thanks with your spirit, how can anyone in the position of an outsider[b] say (N)“Amen” to (O)your thanksgiving when he does not know what you are saying? 17 For you may be giving thanks well enough, but the other person is not being built up. 18 I thank God that I speak in tongues more than all of you. 19 Nevertheless, in church I would rather speak five words with my mind in order to instruct others, than ten thousand words in a tongue.

20 Brothers, (P)do not be children in your thinking. (Q)Be infants in evil, but in your thinking be (R)mature. 21 (S)In the Law it is written, (T)“By people of strange tongues and by the lips of foreigners will I speak to this people, and even then they will not listen to me, says the Lord.” 22 Thus tongues are a sign not for believers but for unbelievers, while prophecy is a sign[c] not for unbelievers but for believers. 23 If, therefore, the whole church comes together and all speak in tongues, and outsiders or unbelievers enter, (U)will they not say that you are out of your minds? 24 But if all prophesy, and an unbeliever or outsider enters, he is convicted by all, he is called to account by all, 25 (V)the secrets of his heart are disclosed, and so, (W)falling on his face, he will worship God and (X)declare that God is really among you.

Orderly Worship

26 What then, brothers? When you come together, each one has (Y)a hymn, (Z)a lesson, (AA)a revelation, (AB)a tongue, or (AC)an interpretation. (AD)Let all things be done for building up. 27 If any speak in (AE)a tongue, let there be only two or at most three, and each in turn, and let someone interpret. 28 But if there is no one to interpret, let each of them keep silent in church and speak to himself and to God. 29 Let two or three prophets speak, and let the others (AF)weigh what is said. 30 If a revelation is made to another sitting there, (AG)let the first be silent. 31 For you can all prophesy one by one, so that all may learn and all be encouraged, 32 and the spirits of prophets are subject to prophets. 33 For God is not a God of (AH)confusion but of peace.

As in (AI)all the churches of the saints, 34 (AJ)the women should keep silent in the churches. For they are not permitted to speak, but (AK)should be in submission, as (AL)the Law also says. 35 If there is anything they desire to learn, let them ask their husbands at home. For it is shameful for a woman to speak in church.

36 Or was it from you that the word of God came? Or are you the only ones it has reached? 37 (AM)If anyone thinks that he is a prophet, or spiritual, he should acknowledge that the things I am writing to you are a command of the Lord. 38 If anyone does not recognize this, he is not recognized. 39 So, my brothers, (AN)earnestly desire to prophesy, and do not forbid speaking in tongues. 40 (AO)But all things should be done decently and (AP)in order.

Footnotes

  1. 1 Corinthians 14:6 Or brothers and sisters; also verses 20, 26, 39
  2. 1 Corinthians 14:16 Or of him that is without gifts
  3. 1 Corinthians 14:22 Greek lacks a sign