Add parallel Print Page Options

20 Mga kapatid, huwag kayong mag-isip na parang mga bata. Tungkol sa kasamaan ay maging musmos kayo, ngunit sa pag-iisip ay maging tulad kayo ng mga taong nasa hustong gulang. 21 Sa (A) Kautusan ay nasusulat,

“Sa pamamagitan ng mga taong may kakaibang wika,
    at sa pamamagitan ng mga labi ng mga banyaga
ay magsasalita ako sa bayang ito,
    subalit hindi nila ako pakikinggan,”

sabi ng Panginoon. 22 Kaya nga, ang pagsasalita sa iba't ibang wika ay tanda hindi para sa mga sumasampalataya kundi sa mga hindi sumasampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng propesiya ay hindi para sa mga hindi sumasampalataya, kundi sa mga sumasampalataya.

Read full chapter