Add parallel Print Page Options

19 Ngunit sa iglesya, mas nanaisin ko pang bumigkas ng limang salita na nauunawaan, upang makapagturo ako sa iba, kaysa sampung libong mga salita sa ibang wika.

20 Mga kapatid, huwag kayong mag-isip na parang mga bata. Tungkol sa kasamaan ay maging musmos kayo, ngunit sa pag-iisip ay maging tulad kayo ng mga taong nasa hustong gulang. 21 Sa (A) Kautusan ay nasusulat,

“Sa pamamagitan ng mga taong may kakaibang wika,
    at sa pamamagitan ng mga labi ng mga banyaga
ay magsasalita ako sa bayang ito,
    subalit hindi nila ako pakikinggan,”

sabi ng Panginoon.

Read full chapter