Add parallel Print Page Options

18 Nagpapasalamat ako sa aking Diyos na ako ay nakapag­sasalita ng ibang wika nang higit sa inyong lahat. 19 Subalit iibigin ko pang magsalita sa iglesiya ng limang salita na nauunawaan ko kaysa sampung libong salita sa ibang wika. Ito ay upang makapagturo ako sa iba.

20 Mga kapatid, huwag kayong maging mga bata sa pag-iisip. Subalit maging mga sanggol kayo sa masamang hangarin, ngunit sa pag-iisip ay maging mga lalaking may sapat na gulang na.

Read full chapter