Add parallel Print Page Options

Ang Pag-ibig

13 Kung makapagsalita man ako ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, wala naman akong pag-ibig, ako'y nagiging isang maingay na pompiyang, o batingaw na umaalingawngaw. Kung mayroon man akong kaloob ng propesiya at nauunawaan ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman, at taglayin ko man ang lahat ng pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan. Kahit ipamigay ko pa ang lahat ng aking ari-arian, at ibigay ko ang aking katawan upang sunugin,[a] ngunit wala naman akong pag-ibig, wala itong pakinabang sa akin.

Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait; hindi mapanibughuin, hindi mapagmalaki o mayabang; hindi magaspang ang asal; hindi nag-iisip para sa sariling kapakanan, hindi mayayamutin, hindi nagbibilang ng kamalian. Hindi ito nagagalak sa kasamaan, kundi nakikigalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtitiis sa lahat, nagtitiwala sa lahat, may pag-asa sa lahat at may tiyaga sa lahat.

Ang pag-ibig ay walang katapusan. Ngunit maging ang mga propesiya ay matatapos; maging ang iba't ibang wika ay titigil; maging ang kaalaman ay lilipas. Sapagkat bahagi lamang ang ating nalalaman at bahagi lamang ang ipinahahayag nating propesiya; 10 ngunit kapag ang lubusan ay dumating na, lilipas na ang bahagi lamang. 11 Nang ako'y bata pa, nagsasalita ako tulad ng isang bata, nag-iisip ako tulad ng isang bata, nangangatwiran ako tulad ng isang bata. Nang sumapit na ako sa hustong gulang ay tinalikuran ko na ang mga bagay ng pagkabata. 12 Sapagkat malabo pa ang ating nakikita sa salamin, ngunit pagkatapos nito ay makakakita tayo nang mukhaan. Ang nalalaman ko ngayon ay bahagi lamang, ngunit pagkatapos ay lubos akong makauunawa kung paanong ako ay lubos na nauunawaan. 13 Samantala, nananatili ang tatlong ito: pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Footnotes

  1. 1 Corinto 13:3 Sa ibang manuskrito upang ako ay magmalaki.

Гимн любви

13 Если я говорю языками человеческими и ангельскими, но во мне нет любви, то я в таком случае не что иное, как звенящая медь, как бряцающие тарелки. Если у меня есть дар пророчества и я знаю все тайны, если мне даны все знания и у меня есть вера, способная передвигать горы, а нет любви, то я ничто. Если я раздам всё своё имущество беднякам и отдам моё тело на сожжение, но во мне нет любви, то моё самопожертвование не принесёт мне никакой пользы.

Любовь терпелива, добра, она не завидует и не хвалится, она не гордится, не может быть грубой, она не ищет выгоды себе, она не вспыльчива и не помнит зла. Любовь не радуется неправде, но радуется истине. Она всё покрывает, всему верит, всегда надеется и всё переносит.

Любовь не перестанет существовать никогда, хотя и пророчества прекратятся, и языки умолкнут, и дар знания станет ненужным. Ведь наши знания неполны, и наши пророчества частичны, 10 и когда наступит совершенство, тогда всё частичное исчезнет. 11 Когда я был ребёнком, я и говорил как ребёнок, я и мыслил по-детски и рассуждал по-детски. Но когда я стал взрослым, то оставил всё детское позади. 12 Мы сейчас видим неясно, как отражение в тусклом зеркале, тогда же увидим лицом к лицу. Сейчас я знаю лишь отчасти, тогда же буду знать так же совершенно, как меня знает Всевышний.

13 А сейчас существуют[a] эти три: вера, надежда и любовь, но важнее из них – любовь.

Footnotes

  1. 1 Кор 13:13 Или: «Итак, будут вечно существовать».