1 Corinto 10:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Babala sa Pagsamba sa mga Dios-diosan
10 Mga kapatid, gusto kong malaman ninyo ang nangyari sa aming mga ninuno noon na kasama ni Moises. Ginabayan sila ng Dios sa pamamagitan ng isang ulap na nanguna sa kanila, at tinulungan sila sa kanilang pagtawid sa Dagat na Pula. 2 Sa pamamagitan ng ulap at ng dagat ay parang binautismuhan sila bilang mga tagasunod ni Moises. 3 Kumain silang lahat ng pagkaing mula sa Dios.
Read full chapter
1 Corinto 10:1-3
Ang Biblia (1978)
10 Sapagka't hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, (A)na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, (B)at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;
2 At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;
3 At (C)lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;
Read full chapter
1 Corinto 10:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Babala Laban sa Pagsamba sa Diyus-diyosan
10 Mga (A) kapatid, nais kong malaman ninyo na ang ating mga ninuno ay napasailalim ng ulap, at silang lahat ay tumawid sa dagat, 2 at lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat. 3 Silang (B) lahat ay kumain ng parehong pagkaing espirituwal;
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.