Add parallel Print Page Options

Na siya namang magpapatibay (A)sa inyo hanggang sa katapusan, upang huwag kayong mapagwikaan (B)sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo.

Ang Dios ay (C)tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa (D)pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin.

10 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita (E)ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

Read full chapter

Siya rin ang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan, upang walang anumang maiparatang sa inyo sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Mapagkakatiwalaan ang Diyos, at sa pamamagitan niya ay tinawag kayo upang makiisa sa kanyang Anak, si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

Pagkakampi-kampi sa Loob ng Iglesya

10 Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkasundo kayong lahat sa inyong sinasabi, at huwag kayong magkaroon ng pagkakampi-kampihan, kundi kayo'y mabuklod sa iisang pag-iisip at hangarin.

Read full chapter

Siya rin ang magpapalakas sa inyo hanggang sa katapusan, na hindi masusumbatan sa araw ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Ang Diyos ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo tungo sa pakikisama ng kanyang Anak, si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

Pagkakabaha-bahagi sa Iglesya

10 Mga kapatid, ngayon ay nananawagan ako sa inyo sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kayong lahat ay magsalita ng isang bagay lamang, at huwag magkaroon sa inyo ng mga pagkakabaha-bahagi, kundi kayo'y magkaisa sa isang pag-iisip at layunin lamang.

Read full chapter