Font Size
1 Corinto 1:18-20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Corinto 1:18-20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos
18 Sapagkat ang mensahe ng krus ay kahangalan sa mga napapahamak, ngunit para sa ating mga naliligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos. 19 Sapagkat nasusulat,
“Ang karunungan ng marurunong ay aking wawasakin,
at ang talino ng matatalino ay aking bibiguin.”
20 Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang dalubhasa sa batas? Nasaan ang magaling makipagtalo ng kapanahunang ito? Hindi ba't ginawa ng Diyos na kahangalan ang karunungan ng sanlibutan?
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.