1 Corinto 1:16-18
Ang Dating Biblia (1905)
16 At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni Estefanas: maliban sa mga ito, di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa.
17 Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo.
18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.
Read full chapter
1 Corinto 1:16-18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Binautismuhan ko rin ang sambahayan ni Estefanas. Bukod sa kanila ay hindi ko na alam kung may binautismuhan pa akong iba. 17 Sapagkat hindi ako isinugo ni Cristo upang magbautismo, kundi upang ipangaral ang ebanghelyo, hindi sa pamamagitan ng karunungan ng pananalita, upang ang krus ni Cristo ay huwag mawalan ng kapangyarihan.
Si Cristo ang Kapangyarihan at Karunungan ng Diyos
18 Sapagkat ang mensahe ng krus ay kahangalan sa mga napapahamak, ngunit para sa ating mga naliligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.