Add parallel Print Page Options

11 Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.

12 Ibig ko ngang sabihin ito, na (A)ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay (B)Apolos; at ako'y kay (C)Cefas; at ako'y kay Cristo.

13 Nabahagi baga si Cristo? (D)ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o (E)binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?

Read full chapter

11 Sapagkat iniulat sa akin ng mga kasamahan ni Cloe ang tungkol sa inyo, na sa inyo'y may mga pagtatalu-talo, mga kapatid ko.

12 Ang(A) ibig kong sabihin ay ang bawat isa sa inyo ay nagsasabi, “Ako'y kay Pablo,” o “Ako'y kay Apolos,” at “Ako'y kay Cefas,” at “Ako nama'y kay Cristo.”

13 Si Cristo ba ay nahati? Si Pablo ba ay ipinako sa krus dahil sa inyo? O kayo ba ay binautismuhan sa pangalan ni Pablo?

Read full chapter

11 Sapagkat nabalitaan ko, mga kapatid, ang tungkol sa inyo mula sa sambahayan ni Cloe, na may pagtatalu-talo sa inyo. 12 Ganito ang ibig kong sabihin, may ilan sa inyo na nagsasabi, “Kay Pablo ako,” o “Kay Apolos ako,” at “Kay Pedro[a] ako,” at ang iba naman “Kay Cristo ako.” 13 Nahahati ba si Cristo? Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? O binautismuhan ba kayo sa pangalan ni Pablo?

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Corinto 1:12 Pedro: sa tekstong Griyego, Cefas, na ang kahulugan ay bato.

11 For it hath been signified unto me, my brethren, of you, by them that are of the house of Chloe, that there are contentions among you.

12 Now this I say, that every one of you saith: I indeed am of Paul; and I am of Apollo; and I am of Cephas; and I of Christ.

13 Is Christ divided? Was Paul then crucified for you? or were you baptized in the name of Paul?

Read full chapter