1 Corinto 1:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Dapat Magkaisa ang mga Mananampalataya
10 Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkaisa kayong lahat, na walang hidwaang mamagitan sa inyo. Magkaisa kayo sa isip at layunin. 11 Sinasabi ko ito, dahil may nagbalita sa akin mula sa tahanan ni Cloe na may mga nag-aalitan sa inyo. 12 Ito ang ibig kong sabihin: Ang iba daw sa inyo ay nagsasabi, “Kay Pablo ako”; ang iba naman ay “Kay Apolos ako.” May iba ring nagsasabi, “Kay Pedro[a] ako”; at ang iba naman ay “Kay Cristo ako.”
Read full chapterFootnotes
- 1:12 Pedro: sa Griego, Cefas.
1 Corinto 1:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pagkakampi-kampi sa Loob ng Iglesya
10 Nakikiusap ako sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na magkasundo kayong lahat sa inyong sinasabi, at huwag kayong magkaroon ng pagkakampi-kampihan, kundi kayo'y mabuklod sa iisang pag-iisip at hangarin. 11 Sapagkat nabalitaan ko, mga kapatid, ang tungkol sa inyo mula sa sambahayan ni Cloe, na may pagtatalu-talo sa inyo. 12 Ganito ang ibig kong sabihin, may ilan sa inyo na nagsasabi, “Kay Pablo ako,” o “Kay Apolos ako,” at “Kay Pedro[a] ako,” at ang iba naman “Kay Cristo ako.”
Read full chapterFootnotes
- 1 Corinto 1:12 Pedro: sa tekstong Griyego, Cefas, na ang kahulugan ay bato.
1 Corinto 1:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita (A)ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.
11 Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.
12 Ibig ko ngang sabihin ito, na (B)ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay (C)Apolos; at ako'y kay (D)Cefas; at ako'y kay Cristo.
Read full chapter
1 Corinthians 1:10-12
New International Version
A Church Divided Over Leaders
10 I appeal to you, brothers and sisters,[a](A) in the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree with one another in what you say and that there be no divisions among you,(B) but that you be perfectly united(C) in mind and thought. 11 My brothers and sisters, some from Chloe’s household(D) have informed me that there are quarrels among you. 12 What I mean is this: One of you says, “I follow Paul”;(E) another, “I follow Apollos”;(F) another, “I follow Cephas[b]”;(G) still another, “I follow Christ.”
Footnotes
- 1 Corinthians 1:10 The Greek word for brothers and sisters (adelphoi) refers here to believers, both men and women, as part of God’s family; also in verses 11 and 26; and in 2:1; 3:1; 4:6; 6:8; 7:24, 29; 10:1; 11:33; 12:1; 14:6, 20, 26, 39; 15:1, 6, 50, 58; 16:15, 20.
- 1 Corinthians 1:12 That is, Peter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

