Add parallel Print Page Options

15 Ito ay sinasabi namin sa inyo ayon sa salita ng Panginoon na tayong nabubuhay at nanatili hanggang sa pagdating ng Panginoon ay hindi mauuna sa anumang paraan sa mga natutulog. 16 Ito ay sapagkat ang Panginoon din ang siyang bababa mula sa langit na may isinisigaw na utos, na may tinig ng pinunong-anghel at may trumpeta ng Diyos. Ang mga patay kay Cristo ay unang magbabangon. 17 Pagkatapos nito, tayong mga buhay at naririto pa ay kasama nilang aagawin sa mga alapaap upang salubungin natin ang Panginoon sa hangin. Sa gayon, makakasama natin ang Panginoon magpakailanman.

Read full chapter

15 Ito ang sinasabi namin sa inyo na aral ng Panginoon: tayong mga buháy pa at nananatili sa pagdating ng Panginoon ay hindi mauunang makipagtagpo sa Panginoon kaysa mga namayapa. 16 Kasabay ng malakas na utos at ng tinig ng arkanghel at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, babalik ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Cristo. 17 Pagkatapos nito, tayo na nanatiling buháy ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Pagkatapos noon ay makakapiling na natin ang Panginoon magpakailanman.

Read full chapter