Añadir traducción en paralelo Imprimir Opciones de la página

15 Ito ang sinasabi namin sa inyo na aral ng Panginoon: tayong mga buháy pa at nananatili sa pagdating ng Panginoon ay hindi mauunang makipagtagpo sa Panginoon kaysa mga namayapa. 16 Kasabay ng malakas na utos at ng tinig ng arkanghel at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, babalik ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Cristo. 17 Pagkatapos nito, tayo na nanatiling buháy ay titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Pagkatapos noon ay makakapiling na natin ang Panginoon magpakailanman.

Read full chapter

15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (A)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka't (B)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (C)arkanghel, at may (D)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (E)unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (F)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (G)sasa Panginoon tayo magpakailan man.

Read full chapter