Add parallel Print Page Options

20 Nang magkagayo'y biglang nabulagta si Saul sa lupa, at siya'y natakot na mainam, dahil sa mga salita ni Samuel; at nawalan siya ng lakas; sapagka't hindi siya kumain ng tinapay buong araw, ni buong gabi man.

Read full chapter

13 At kanilang kinuha ang kanilang mga buto at (A)ibinaon sa ilalim ng isang (B)puno ng tamarisko sa Jabes, at (C)nagayuno silang pitong araw.

Read full chapter

Ang panalangin ng mga Levita sa pagkilala sa mga nagdaang kahabagan ng Panginoon.

Nang ikadalawang pu't apat na araw nga ng (A)buwang ito ay nagpupulong ang mga anak ni Israel na may pagaayuno, at may (B)pananamit na magaspang, (C)at may lupa sa ulo nila.

(D)At ang binhi ni Israel ay nagsihiwalay sa lahat na taga ibang bayan, at nagsitayo at nangagpahayag ng kanilang mga kasalanan, at ng mga kasamaan ng kanilang mga magulang.

Read full chapter

Ang tawag sa pagaayuno at pananalangin.

12 Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, (A)magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na (B)may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:

Read full chapter