Add parallel Print Page Options

Ang Angkan ni David

Si David ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Jezreelita. Ang pangalawa ay si Daniel na anak naman niya kay Abigail na taga-Carmel. Ang pangatlo ay si Absalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak naman kay Haguit. Ang panlima ay si Sefatias, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak naman niya kay Egla. Anim(A) ang naging anak ni David sa Hebron sa loob ng pito at kalahating taon ng paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Jerusalem. Doo'y(B) apat ang naging anak niya kay Batsheba[a] na anak ni Amiel. Ito'y sina Simea, Sobab, Natan at Solomon. Siyam pa ang naging anak niya sa Jerusalem. Ito'y sina Ibhar, Elisama, Elifelet, Noga, Nefeg, Jafia, Elisama, Eliada at Elifelet. Ang mga ito ang mga anak ni David bukod pa sa mga anak niya sa kanyang mga asawang-lingkod. Iisa ang anak niyang babae, si Tamar.

Ang Angkan ni Haring Solomon

10 Ito ang angkan ni Solomon: anak ni Solomon si Rehoboam na ama ni Abias, at anak naman ni Abias si Asa na ama ni Jehoshafat. 11 Anak ni Jehoshafat si Joram na ama ni Ahazias. Anak naman ni Ahazias si Joas. 12 Anak ni Joas si Amazias na ama ni Azarias, na ama naman ni Jotam. 13 Anak ni Jotam si Ahaz na ama ni Ezequias na ama naman ni Manases. 14 Anak ni Manases si Ammon na ama ni Josias. 15 Apat ang naging anak ni Josias: sina Johanan, Jehoiakim, Zedekias at Sallum. 16 Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias na ama ni Zedekias.

Ang Angkan ni Haring Jeconias

17 Naging bihag sa Babilonia si Jeconias. Ang pito niyang anak ay sina Selatiel, 18 Malquiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama at Nedabias. 19 Ang mga anak naman ni Pedaya ay sina Zerubabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zerubabel, sina Mesulam at Hananias at isang babae, si Selomit. 20 Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias at Jusab-hesed.

21 Mga anak ni Hananias sina Pelatias at Jesaias. Anak ni Jesaias si Refaias, anak ni Refaias si Arnan, anak ni Arnan si Obadias at anak ni Obadias si Secanias. 22 Anim ang naging anak ni Secanias: sina Semaya, Hatus, Igal, Barias, Nearias at Safat. 23 Tatlo ang naging anak ni Nearias: sina Elioenai, Ezequias at Azrikam. 24 Pito naman ang naging anak ni Elioenai: sina Hodavias, Eliasib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaias at Anani.

Footnotes

  1. 1 Cronica 3:5 Batsheba: o kaya'y Batshua .
'1 Paralipomeno 3 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mga anak ni Juda (karugtong).

Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si (A)Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;

Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;

Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.

Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; (B)at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: (C)At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.

(D)At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:

At si Ibaar, at si (E)Elisama, at si Eliphelet;

At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;

At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;

Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si (F)Thamar ay kanilang kapatid na babae.

10 At ang anak ni Solomon ay si (G)Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;

11 Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;

12 Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak;

13 Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak;

14 Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak.

15 At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.

16 At ang mga anak ni Joacim: si (H)Jechonias na kaniyang anak, si Sedecias na kaniyang anak.

17 At ang mga anak ni Jechonias, na bihag: si (I)Salathiel na kaniyang anak,

18 At si Mechiram, at si Pedaia at si Seneaser, si Jecamia, si Hosama, at si Nedabia.

19 At ang mga anak, ni Pedaia: si Zorobabel, at si Simi. At ang mga anak ni Zorobabel; si Mesullam, at si Hananias; at si Selomith, na kanilang kapatid na babae:

20 At si Hasuba, at si Ohel, at si Berechias, at si Hasadia, at si Jusabhesed, lima.

21 At ang mga anak ni Hananias: si Pelatias, at si Jesaias; ang mga anak ni Rephaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obdias, ang mga anak ni Sechanias.

22 At ang mga anak ni Sechanias: si Semaias; at ang mga anak ni Semaias: si Hattus, at si Igheal, at si Barias, at si Nearias, at si Saphat, anim.

23 At ang mga anak ni Nearias: si Elioenai, at si Ezechias, at si Azricam, tatlo.

24 At ang mga anak ni Elioenai: si Odavias, at si Eliasib, at si Pelaias, at si Accub, at si Johanan at si Delaias, at si Anani, pito.