Add parallel Print Page Options

34 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.

Read full chapter
'1 Paralipomeno 16:34' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

34 O(A) magpasalamat kayo sa Panginoon sapagkat siya'y mabuti;
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman.

Read full chapter

41 At kasama nila si Heman at si Jeduthun, at ang nalabi sa mga pinili, na nangasaysay sa pangalan upang pasalamat sa Panginoon, (A)sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man;

Read full chapter
'1 Paralipomeno 16:41' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

41 Kasama nila si Heman at si Jedutun, at ang nalabi sa mga pinili at itinalaga sa pamamagitan ng pangalan upang magpasalamat sa Panginoon, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

Read full chapter

At ang lahat na mga anak ni Israel ay nagsitingin, nang ang apoy ay lumagpak, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nasa bahay; at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa pabimento, at nagsisamba, at nangagpasalamat sa Panginoon, na nagsisipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.

Read full chapter
'2 Paralipomeno 7:3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Nang(A) makita ng lahat ng mga anak ni Israel ang apoy na bumaba at ang kaluwalhatian ng Panginoon na nasa templo, iniyuko nila ang kanilang mga mukha sa lupa at sumamba, at nagpasalamat sa Panginoon, na nagsasabi, “Sapagkat siya'y mabuti; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.”

Read full chapter

At ang mga saserdote ay nagsitayo ayon sa kanilang mga katungkulan; gayon din ang mga Levita na may mga panugtog ng tugtugin ng Panginoon, na ginawa ni David na hari na ipinagpasalamat sa Panginoon, (sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man), nang si David ay dumalangin sa pamamagitan ng kanilang pangangasiwa: at ang mga saserdote ay nangagpatunog ng mga pakakak sa harap nila, at ang buong Israel ay tumayo.

Read full chapter
'2 Paralipomeno 7:6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang mga pari ay nakatayo sa kanilang mga lugar; gayundin ang mga Levita na may mga kagamitang panugtog sa Panginoon na ginawa ni Haring David para sa pasasalamat sa Panginoon—sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman—tuwing si David ay mag-aalay ng papuri sa pamamagitan ng kanilang pangangasiwa. Katapat nila, ang mga pari ay nagpatunog ng mga trumpeta at ang buong Israel ay tumayo.

Read full chapter

21 At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon (A)at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, (B)Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.

Read full chapter
'2 Paralipomeno 20:21' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

21 Pagkatapos niyang sumangguni sa mga tao, kanyang hinirang ang mga aawit sa Panginoon at magpupuri sa kanya sa banal na kaayusan, habang sila'y nangunguna sa hukbo at nagsasabi, “Magpasalamat kayo sa Panginoon; sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.”

Read full chapter

Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.

136 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; (A)sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Read full chapter
'Awit 136:1' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

136 O(A) magpasalamat kayo sa Panginoon; sapagkat siya'y mabuti;
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

Read full chapter